Dalawang batchmates noong kolehiyo ang matagumpay nang lumilipad-lipad kung saan-saang panig ng daigdig. Flight stewardess na sila. Dalawa na din yung nabalitaan kong may anak. Super-mommy na sila.
Pangalawang pasko ko na ngapala dito sa 25 pero wala pa din akong anak at pakiramdam ko, palutang-lutang pa din ako.
Sa araw-araw na gumigising ako sa bansang ito, hindi ko pa din maalis sa isip ko yung mga takot at alinlangan kung paano ko matutupad baling araw yung mga pangarap ko sa buhay. Alam kong may paraan, alam kong possible, pero paano at kalian? Excited lang siguro akong lumipad. Pero dahil ako ang gagawa ng sarili kong mga pakpak, dapat pag-igihin ko ang paggawa at hindi ito madaliin. Mahirap na baka hindi ako makarating sa taas dahil baka hindi pa nagtatagal ay unti-unti nang masisira ng hangin ng pagsubok ang ginawa kong mga pakpak.

tama yan mas maiging alam mo’ng gusto mo lumipad. hinay hinay lang baka masyado mataas ang lipad, mataas din ang babagsakan mo. huwag din naman masyadong mababa baka mapagkamalan ka. hahaha
huwag mabahala. patuloy lang na mangarap, maniwala at gumawa ng hakbang kahit pauti-uti. makakarating ka din dun. promise!
kanya-kanyang daanan… bandang huli magkrukrus ulit ng landas…
wag kang mainip.. darating ang tamang oras ara sa lahat ng gusto mong mangyari sa buhay…. take it one step at a time…:D
wala lang…nakiki epal lang ahihihihihi