kumpisal

Makapangyarihang Maykapal, sorry na kasi inantok ako sa simbahan noong Linggo. Oo, minsan na nga lang kami magsimba dito, pero naman! Pagsabihan niyo naman yung pari na nagsesermon sa misa. Puro kaperahan ang sinasabi eh. Alamoyunhalord? Yung tipong gusto mong makarinig ng mga inspirational na mensahe pero ang maririnig mo ay tungkol sa koleksiyon ng pera. Na-gets ko naman yung pangangailangan ng isang parokya ng malaking pondo para sa mga proyekto nito, pero diba, kumusta naman yung panghihingi niya ng pera sa homily? Ano ba father?!

____

Oo na, inaamin kong nawala agad yung inis ko sa kapatid kong babae nang humirit yung kaklase niyang Thai na nagtatrabaho sa Mcdo.

Kapatid: (after 15,000 years nilang magchikahan ni kaklaseng Thai) Oh by the way, this is my brother. (Sabay turo sa akin)

Samjuan: (sa isip ko: Chura nito. Hello kanina pa ako andito.)

Thai classmate: Oh really?! Your younger brother?

Samjuan: (sa loob-loob ko: LOLOLOL BWAHAHAHA ROFL LOL Sorry na younger brother mo daw ako! LOL )

*Take note, anim na taon ang agwat namin ni Kapatid na nag-aaral ng Highschool dito.

____

Naepalan ako sa ateng kahera na dudungaw-dungaw sa mukha ko noong naggo-grocery kami sa Seafood City dito (Pinoy Grocery na ang endorser ay si Ate Shawie). Naka-hood ako noon tapos silip siya ng silip sa mukha na akala mo may hinahanap na gintong nunal. Nung nagbabayad na kami ng tatay ko bigla siyang humirit:

“Acne yan!” (Hindi siya nagtatanong)

Di ko siya pinapansin.

“May acne ka ano? Acne yan eh?!” (Ayan, patanong na, pero epal pa din)

Samjuan: (Medyo natatawang naiinis) Oo, acne nga ‘to. Bakit?

Ateng kahera: Ah wala. May ginagamit kasi ako na cream. Mabisang pantanggal ngacne. Mabilis makatuyo.

Samjuan: Oh? May tinda ka?

Ateng kahera: Ala eh. Sa iba ko binili.

Samjuan: Ok. (Sabay alis kasama ni itay)

5 Responses to “kumpisal”


  • Ganyan din ‘yung pari sa ‘min nung nasa Pinas pa ako. Hindi tungkol sa Gospel ‘yung Homily at kung anu-ano ang dini-discuss, from politics hanggang sa pagpapagawa ng simbahan at kung anu-ano pa. Kaya minsan sa Christian Church na lang ako nagsisimba kahit Katoliko talaga ako. Mas ramdam ko ang presence ni Lord.

  • sana sinapak mo si ateng kahera… hehehe..

    peace!

  • ay, bakit ganun yung kahera sayo?

    kapag kami ng mom ko napunta ng seafood city lagi namang tanong sakin eh kung may asawa na ko. tapos tsaran! sabay labas ng picture ng anak o pinsan o kamag-anak niya na irereto sakin. “maganda yan, gusto mo ng number?” ampness!

  • bigla ko tuloy naalala ung isang post d2 n “bakit mag a-artista k b?”…..kaya pala ndi k nakapasa s pbb eh damu mong acne hehehehe (ng asar p)…..

    pero tama k…masyadong epal si ateng tindera…pati b nman un eh inepalan…pero alam mo concern lng si ateng tindera s iyo…baka naaamoy ni ateng tindera n single ka pa at yan ang dahilan nya kaya ndi ka pa double…..ask mo n lng si ateng tindera n kng san sya bumili nuong cream n rekomenda nya at baka nga epektib…..

  • ay naman! ako sa seafood city… wala naman nagtanong sakin ng kung anu ano pero man pinagtitinginan ako ng mga tao na akala mo may naliligaw na bata! lalake bbae bata matanda shet parang iniisip nila at gustong tanungin kung nawawala ba ako at hinde po ito chinese store… nung tinignan ko ung kakanin na tinda… aba eh parang gusto pang magexplain ng tindero sa akin na yun daw ay sweets ng pinas ampf… at baka pati ingredients ay ikwento pa LOL

Leave a Reply