nanay tatay gusto kong tinapay

Hinamon niya ako ng suntukan dahil sa labahin. Oo, naghamon siya ng suntukan. Lampas alas-dose ng medaling araw, binuksan niya yung main door sabay pasigaw na sinabing “Ano?! Suntukan na lang tayo! Ano?! Square tayo. Tangina ka lalaban ka na ah!”

Lumabas siya, nanginginig, nagsindi ng yosi. Malay ko kung saan siya nagpunta at ano ang ginawa niya. Umakyat ako sa kwarto. Hindi pa ako nahihibang para patulan ang kahibangan ng tatay. Hindi naman siya lasing pero parang sinapian siya ng sarili niya noong mga sinaunang taon ng dekada 90 kung saan madalas siyang magwala, sumigaw at magalit.

Ano ba ang pambabastos sa pagsagot mo sa tanong niya ng diretsahan? Ano’ng magagawa ko kung may sa-goma ang kapal ng tutuli sa tenga niya at hindi niya ako narinig ng mabuti? Naman!

Ganito kasi yung pinanggalingan ng panggagalaiti niya sa akin. 9:30 ng gabi, tanging yung maliit na lamp shade na lang yung ilaw sa kwarto, pahiga na si tatay sa higaan niya ng bilinan niya akong tignan yung mga damit sa laundry dryer pagkaraan ng isang oras. Di pa lumilipas angisang oras, nagising siya at tinanong ako kung natanggal ko na daw yung mga damit sa dryer. Sabi ko hindi pa. Umaandar pa ang dryer. Nagalit siya, bumulong-bulong. Narinig ko na naman na tamad ako. Natulog siyang muli.

Nakalipas na ang isang oras at natanggal ko na at natupi ang mga damit sa dryer, Bumalik ako sa pagbabasa ng libro.

Alas dose ng madaling araw. Nagising ang tatay, bulagsak na bumangon, aburido at pasigaw na tinatanong ako kung tinanggal ko na ba yung mga gamit sa dryer. Sabi ko natanggal ko na kanina pa. Tuluyan na siyang bumangon, bumubulong-bulong tapos pumunta sa laundry room tapos bumalik sa kwarto saka ako sinabihan ng “Eh bastos ka pala talaga no?! Sabi mo di mo pa kinukuha tapos wala na dun! Asan na yung mga damit?!”

“Tinupi ko na nga po. Kanina pa”

“Eh tangina ka pala eh. Ano pinagmamalaki mo ha? Ano? Ambastos mong hayup ka ah!”

Oha, award winning ang moda ni tatay sa madaling araw. PInatayo niya ako sa kama tas nilapitan habang nanginginig siya sa galit.

“Tang ina mo ano pinagmamalaki mo ha? ! HAlika sa baba! Bumaba ka ngayon na nang makita mo!”

Bumaba ako. Walang gaanong kaba di tulad noong mga 10 years ago na nanginginig ako sa takot at kaba sa tuwing nagagalit ang tatay.

Umupo ako sa kama. Nag-YM sa kapatid ko at nakapagdesisyon na mag-ipon ng todo para makapamuhay ng solo.

Pagkaraan ng mahigit isang oras, umakyat ang tatay, tahimik, amoy yosi. Mabilis siyang humiga sa kanyang higaan at tuluyan na niyang nilunod sa hilik ang kwarto.

11 Responses to “nanay tatay gusto kong tinapay”


Leave a Reply