Panalangin sa may lalang ng sangkalawakan

Pakihawi naman po ang maitim na ulap ng ilusyon na pumapaibabaw sa isip ng marami sa aming mga Pilipino sa pagpili ng iluluklok sa pamahalaan sa darating na halalan.

Nawa’y wag na pong ma-highlight si kahirapan at ma-sensationalize bilang dahilan ng krimen, at sanhi ng mga trapong nagnanakaw ngkamal-kamal na pera ng bayan.

Sana po matauhan na ang maraming mga Pilipino na hindi lang sa showbiz giginhawa ang buhay. Maisip sana ngkaramihan na hindi lahat ngpinapalabas sa Telebisyon ay pawangkatotohanang maaring mangyari sa kani-kanilang mga buhay.

Madami sa mga pinapalabas ngayon ay puro eksaherasyon at inaangkop sa kiliti ng mag manunood. Mamulat sala ngdilat na dilat ang mata ng maraming Pinoy sa mga nangyayari sa paligid.

Please, please naman po, sa iyo, na may lalang ng sangkalawakan, pagalingin niyo naman ang mga Pinoy sa sakit na kalimot nang hindi nila agad malimutan ang mga pambabarubal na ginawa, ginagawa at gagawin sa kanila ng mga nakaluklok sa kapangyarihan at naatasang mamahala sa bayan.

Bigyan niyo po ang mga Pilipino ng anti-glare feature sa mata nang di sila masilaw sa kinang ng pera at suhol mula sa kung sino-sino sa panahon ng halalan. Tapos may paulit-ulit na paalala (a la public service announcement) na basta na lang maririnig sa loob ng ulo ng lahat na ang pera ay di susi sa kaunlaran at sa ikasusulong ng bansa.

Isulong ang Kultura at ang edukasyon para lalong magising ang kamalayan ng karamihan sa ating mga Pinoy na nahimbing na sa bangungot na dulot ng mahaaaaaaaaabang panahon ng pagkakaroon ng sabog na pamahalaan at sistema sa pamayanan.

Nawa’y ang maluluklok na mamamahala sa pamahalaan ay isang Pilipinong may matibay na paninindigan, malinaw ang pag-iisip at may puso at malasakit sa kapwa. Umaasa pa din po kaming lahat sa pagbabago. Makakaasa kayong gagawin ko din ang mga makakaya ko para makatulong sa pagkakamit ng pagbabago sa maraming aspeto ng pamumuhay sa Pilipinas.

Maraming salamat po! Pagpalain niyo kami!

Harinawa.

Eto ang aking panalangin na biglaan kong nagawa ilang minuto bago mag-uwian ngayon sa trabaho. Salamat kay kabayang utakmunggo sa tag. Marunong pa din naman akong magdasal at may malasakitpa din ako sa Pinas. Eto ang mga RULES:

Copy these rules including the logo above and paste in on your blog as is:

1. Write a short, sincere and meaningful prayer, (in your own words and according to the customs of your religious affiliation) about asking God in guiding our country and fellowmen in choosing the right candidate to vote for in the coming 2010 Philippine Presidential Elections. It can be in your own vernacular, and can be short and long as you please. Remember, the goal of the prayer is not only for Peaceful Election but most of all “for the guidance of choosing the right Presidential candidate to vote in the election

2, Publish the prayer for everyone to Read in your blog.

3. Go to the Blog Prayer Brigade Main Page which is located here, and get one of the badges or banners for the brigade. Place the badge or banner in your Sidebar until the 2010 Presidential Elections commence.

4. Make an oath by filling the blank below with your handle/or name I, _____________________(name) support the cause of the Blog Prayer Brigade for the election of the Future President of the Republic of the Philippines and I do solemnly promise to recite the prayer, which I wrote, in my own convenient time and regularly as possible until the 2010 Presidential Election commences. Let it be written, let it be done.

5. Tag at least 7 Pinoy bloggers you know who haven’t done this before so that the prayer will spread wherever there is a pinoy blogger present.

6. Keep you promise of praying for the Presidential Election so that God may guide us in choosing the right leader for our country. 7. in January 2010, we will gather all the names and prayers of each participants and publish all their prayers in one Blog. We will also feature in the blog the most beautiful prayer ever composed in this project.

————–COPY ENDS HERE————–

I, Samjuan, support the cause of the Blog Prayer Brigade for the election of the Future President of the Republic of the Philippines and I do solemnly promise to recite the prayer, which I wrote, in my own convenient time and regularly as possible until the 2010 Presidential Election commences. Let it be written, let it be done.

_______

Mga kabayan, inaanyayahan ko kayong makilahok sa santong dasalan na ito, baka sakalaing may pagbabagong maganap sa Pinas:

utakgago

gasoline dude

micamyx

airees

yods

joel

fritz

at ikaw, oo, ikaw na nagbabasa nito kahit napadaan ka lang, I tag you! Wala ka nang kawala! Hala ka! Joke lang. Basta kung gusto mo din makidasal, sige lang kabayan! Masa marami, mas masaya!

2 Responses to “Panalangin sa may lalang ng sangkalawakan”


  • Hoy. Wala na kayang utakgago.com! :P

    Reply

    samjuan reply on December 11th, 2008 7:00 pm:

    Oonga pala. Pasensiya na kabayan! Hehe. babaguhin ko na ang link

    Reply

  • sige makikilahok ako sa santong dasalan na yan.. sia nawa na makapili ng tamang pangulo sa 2010.. eh asan na nga ba si utak gago ngayon.. matagal ding panahon nawala..

    Reply

    samjuan reply on December 11th, 2008 7:04 pm:

    Sa menthol-guy.com na siya ngayon kabayan.
    MAkidasal na din tayo dba? Ala namang mawawala. Baka sakalaing mmay pagbabagong maganap sa bansa

    Reply

Leave a Reply