Monthly Archive for January, 2009

Static

Nabigla kaming pareho ni Kuya Jay nang makuryente kami nang magtama yung mga kamay namin nung abutan niya ako ng blanking cd. May static shock. Isa sa amin ang positive, isa ang negative. Sino kaya ang positive at sino ang negative? Hmm.

Kailan kaya titigil yung classical music na pinapatugtog ni Kuya sa background? Para tuloy akong nasa museo dito sa opisina. Naalala ko tuloy yung tacher kong babae nung highschool na kamukha ni Jesus na nagging librarian na mahilig din magpatugtog ng classical music sa library.

Anyways, may pasok ako ng Sabado. So Boo!

Gusto ko pa naman sanang manood ng Serbis.

Si Tukne

Kasabay ko siya noon maligo sa iisang batya. Siya ang una kong iniisip at inaantabayanan sa umagang sagana sa sikat ng araw at usok mula sa mga siga ng bundok ng mga tuyong dahon na naipon ng mga matatandang nagwawalis salikod-bahay. Siya ang kasama ko hanggang magdilim at pauwiin kami ng mga nakakatandang nag-aalaga sa amin.

Madami kaming pictures na magkasama- hubad, may damit, kumakain, naglalaro, umiiyak, naka-pose at naliligo. Siya ata ang unang crush ko.

Continue reading ‘Si Tukne’

I have a dream, i saw the street

Nanaginip na naman ako kagabi ng bagong lugar, bagong mga tao, at ibang klase ng bus. May kasama akong babae, hindi pa katandaan, nakasuot kami ng makapal na jacket. Tanaw mo ang makapal na yelong bumabalot sa kalsada mula sa bintana ng bus na kagabi ko lang nakita.

Mula sa bintana, tanaw ko yung dinaanan naming building. Parang simbahan pero hindi. Mataas siya parang yung mga kastilyo sa st Petersburg sa Russia, yung mga makukulay, ganun. Pero iba siya. May mga kumplikadong mga disenyo. Mga curves, mga nililok na mga palamuting makukulay mula sa bata at salamin, may mg abungo, anghel, buto, pakpak at madami pang iba. Naku, hindi ko pa nakikita yun sa internet o sa kahit anong encyclopedia. Basta ang alam ko, sa panaginip ko totoo siya at manghang-mangha ako.

Continue reading ‘I have a dream, i saw the street’

For every Juan

Huwebes, Ikalawang araw sa unang taon ko sa trabahong ito sa Amerika- umulan. Napabili tuloy ako ng 5$ na payong. Sorry sa payong, pero ampangit niya. Muli kong nakasabay si Lady S. sa bus. Pagpasok ko ng opisina at pagbati ko ng “Goodmorning!” binati ako ng “Mag-vacuum ka” ng kasama ko dito. Mabait naman si kuya Jay. Minsan may topak nga lang. Nag-vacuum ako ng 19 na kwarto kasama ang 23 na hakbang ng carpeted na hagdan gamit ang mahigit sampung taong vacuum cleaner.

Continue reading ‘For every Juan’

Usok ng pag-asa at pagbabago mula sa Amerika para sa mundo

Nagbubunyi ngayon ang kalakhan ng amerika at ng mundo sa panibagong kabanata ng pamumuno ni Presidente Barack Obama. Muli na namang nangingibabaw ang usok ng pag-asa at pagbabago. Isang malaking simbolo ng pagbabago si pangulong Obama. Isa siyang instrument pero sana maisip ng karamihan na hindi lang siya ang magdudulot ng pagbabago. Nasa kalooban ng bawat isa, sa kaibuturan ng kagustuhan ng bawat nilalang unang magaganap ang pagbabago. Kung walang malakas na puwersa mula sa loob at panay langhap na lang ng langhap sa usok ng pag-asa at pagbabago ang karamihan sa mga mamamayan ng mundo eh walang mangyayari. Hanggang pangarap na lang at pag-asa ang magaganap. Mauubos din yung usok, mauuwi lang muli sa lahat.

Maganda yung speech ni Pangulong Obama. Sana nakinig at tinamaan yung maraming mga pulitiko sa Pilipinas.

And those of us who manage the public’s dollars will be held to account – to spend wisely, reform bad habits, and do our business in the light of day – because only then can we restore the vital trust between a people and their government.-Pangulong Obama

Heto nga pala yung buong text ng inauguration speech ni pangulong Obama:

Continue reading ‘Usok ng pag-asa at pagbabago mula sa Amerika para sa mundo’

sa pakikisama

Noong bata ako, akala ko sa tatay ko na matutunan kung paano makisama sa mga tao. Ma-karisma kasi siya. Lahat na lang kaibigan niya. Yung maong sa kabilang baranggay, yung ale sa kabilang kanto, yung bagong lipat na kapitbahay, yung tanod sa dulong kalsada, lahat yun kilala niya. Lahat yun, kilala siya at alam na anak niya ako.

Naiinsecure nga ako noon sa kanya. Pa’no ba naman palagi niya ako noong sinasabihan ng suplado. Di daw ako marunong makipagkaibigan. Hindi daw ako marunong makisama. Paano nga bang makisama? Paano nga bang makipagkilala na tila walang alinlangan sa ibang tao? Kailangan mo bang magpasikat? Kailangan ba madaldal ka? Kailangan ba mapasaya mo palagi yung ibang mga tao? Kailangan ba meron ka nung tinatawag nilang natural charm?

Continue reading ’sa pakikisama’

Sadyang may mga tao talagang parang mga sirang plaka. Paulit-ulit na nga, outdated pa.

Di pa din maka get-over yung mga ibang housemates sa PBB house sa kanilang mga chismisan. Siyempre ang topic pa din ng showbiz balita nila eh kami- ang tatay ko, ang kapatid ko, at ako. Ewan ko kung ano pa yung mga issues nila. Panalo lang talaga si Ate En sa lakas ng boses. Hindi ko alam kung sadyang butangera lang siya at kailangan rinig talaga sa buong bahay yung pangbabackstab niyang chismosa siya. Feeling siguro nila wala ako dito kasi nakatulog ako kanina at late na ako nagising, madilim na. Kaya naman patay pa yung ilaw sa kwarto ko at malamang inakala nilang wala ako. Tangina nila. Nung naligo ako kanina lang tumigil sila. Malamang nagbulungan. Ngayon habang nagta-type ako meron namang nakakabinging katahimikan. Tanginanila ulit. Bababa na nga dapat ako kanina para magulat sila eh, kaso nagtimpi na naman ako.

Tahimik na sila ngayon pero panalo lang yung pampa-plastic nila. Nitong nakaraan eh kala mo kung sinong mabait tong si Ate En na humingi sa akin ng kung ano-anong mga pabor. Muntik ko na ngang isnabin eh, pero naisip ko, sige lang, wag patulan ng galit ang mga mababaw na mga bagay. Kaya ayun. PInagdasal ko na lang sila pagkatapos. Pinagpamisa ko sila. Oo, yung mga kaluluwa nila. Continue reading ”

Samjuan’s a book-keeper

Di ako graduate ng accountancy pero inaaral naming ngayon yung bagong accounting program ng kumpanya. Gaya nga ng nabanggit ko, all around alipin ako dito. Minsan kargador, minsan technician, minsan janitor, minsan taga deliver ng kung ano-ano at madalas utusan. Kaya naman di na kataka-taka kung pag-aaralin din nila ako ng accounting para mautusan nila ako sa mga ganitong bagay. Palagi na lang ako! Ako! Ako! Joke lng. Hehe. Naalala ko naman tuloy yung isang interview sa akin nung naghahanap pa lang ako ng trabaho.

Umaga, mainit ang araw pero malamig ang hangin. Enero ata noon. Naka Amerikana ako, kumpleto with necktie tapos leather shoes. Naka-gel pa ata ako nun. Swabeng swabe, kahit medyo malaki sa akin yung suot kong damit. Ilang minute ko din noong hinanap yung building nung mag-iinterview sa akin. Sa mala-Quiapong kalye ako gumala-gala ng ilang minuto para hanapin yung lugar. Papansin yung suot ko. Dahil nga mala-Quiapo ang itsura at moda ng lugar na iyon ng Amerika, eh mukha tuloy akong naligaw na underage businessman. Haha.

Continue reading ‘Samjuan’s a book-keeper’

chupa

“Sia sila chupa como se la come”

Sabi ni Riki noong isang gabi na nagkasabay kami pauwi habang kumikilos na parang may sinusubong lollipop habang dumidila-dila. May galaw siya na parang pianapasok-loob sa bibig niya yung lollipop sabay turo sa babae na nakadungaw sa bintana ng bus na nakahinto sa tapat namin.

Siyempre ako naman painosente. “What?” ang sabi ko.

“Sia sila chupa como se la come”  (Basta ganyan yung dinig ko sa sinabi niya)

Continue reading ‘chupa’

Panalo lang kanina yung maingay na kotseng huminto sa may tapat ng bus-stop. Sino’ng mag-aakala na “Daig mo pa ang isang kisap mataaaa aaaaaaaa aaaaaaaaah…” ang tumutugotog nang malakas sa dumadagundong na mga speakers ng kotse. Nalaiw naman ako kasi imbes na mga mala-piyestang tugtog ng mga Mexicano at mga Hardcore hip-hop at rap na madalas pinapatugtog ng mag Afrikano, eh pinoy pop ang narinig ko kanina sa bus stop. Astig lang. Medyo nagising ako kahit antok na antok na’ko. hehe

Hindi ako magpapalaki ng anak na papatay sa’kin

Tangina, promise ko sa sarili ko, kapag umayos man ako dito at makakana ng kana anytime soon, hinding-hindi ko palalakihin ang anak ko dito. Katakot lang ang mga bata dito. Bibihira yung may matinong takbo ng pag-iisip. KUng hindi nagsu-suicide o pumapatay ng mga kaklase’t guro na nang-api sa kanila, eh mga magulang naman ang binabaril. Ayan, basahin niyo mga kabayan:

A US teenager killed his mother and wounded his father in revenge after they took away his violent computer game, a judge has ruled.

Si HappySlip taga-sa’min!!!

YouTube Preview Image

Astig!! Taga Nueva Ecija din sila. Sa Nueva Ecija lumaki ang tatay niya, sa bayan kung saan din ako lumaki. Panalo lang.

Sa PBB house


Nahilo akong nakaupo sa may likod ng pintuan ng kwarto na yakap ang mga tuhod habang pinakikinggan ko sina Ate En at ang kanyang pamilya kasama si Tito Hunyo na nilalapastangan at pinag-uusapan yung tatay ko at kapatid ko. Dinig na dinig ko yung malalaks nilang boses habang kung ano-ano yung masasakit na mga paratang at kasinungalingang binibintang nila sa pamilya ko. Gusto ko na nga silang babain at patulan eh, peronanaig sa akin ang pagiging matatag at tiniis ko yung silakbo na nararamdaman ko. Gusto ko lang mamutol ng dila at mangsaksak ng mga makikitid ang utak na mga tao.Seryoso. Gagawin ko yun para sa pamilya ko. Putanginalangnilangmgahayupsila.

Hinang-hina ako. Bakit ko ba kasing naisipang makinig pa. Ansakit sa ulo. Ansakit sa puso. Ayoko na dito sa bahay na ‘to. Ayoko na sa PBB house. Ayoko na sa bahay na Puro Backstabbers at Bitches.

Continue reading ‘Sa PBB house’

mga bus at tren

Bukod sa mga batang ngumingiti ngiti at kumakaway-kaway sa akin sa bus at tren, meron ding mga mangilan-ngilang pasaway akong nakakadaupang palad.

Una sa mga nakabangga ko nitong nakaraan ay si manong tangkad. Manong tangkad kasi ubod siya ng LAKI. Puti siya na blonde na naka jacket din ng malaki. Tinaihan niya ako sa may subway habangnaghihintay ako ng tren. Nang padating na yung tren na sasakyan ko, bigla niyang dinakma yung pwet ko sabay palo. Aba siyempre nagulat ako. Anak ng teteng. Di na ako bata para paluin sap wet no?! Ampf. Tatay ko ba siya? Ha? Sabihin mo nga?

Continue reading ‘mga bus at tren’

530 pa lang pala ng umaga. Akala ko 730 na. Sabi ng utak ko late na ako.

Kaninang mga alas dos ng madaling araw bigla din akong nagising. Nakaramdam ako ng palakas ang palakas na panginginig ng kama, ng paligid ko, ng katawan ko. Sabi ng katawan ko, lumilindol daw. Continue reading ”

Bisperas

Kainuman at kakwentuhan ko si Christ. Madami-dami din kaming napagkwentuhan mula sa mga pelikula, sa buhay sa Pilipinas, sa mga holdapan at sa kung bakit hindi ako agad-agad nalalasing. Dalawa lang kaming magkainuman noon. Tulog na din kasi yung asawa niya tsaka yung ibang mga kapatid ng asawa niya. Yung ibang mga tao naman, wala nagpa-party kung saan. Napatumba na namin sina Jack Daniels tsaka yung iba pang mga kalahi ng vodka tsaka whisky pero wala pa din akong tama. Onting hilo lang. Kain, inom, kwento. Ganun lang halos ang nangyari noong gabi.

Continue reading ‘Bisperas’

Si Ate Emy

Kapitbahay namin siya noon sa tinitirhan naming condo sa kampo ng mga sundalo. Pag sinabing condo, hindi ito yung sushaling condo gaya ng sa Ortigas, Makati o Alabang. Pag condo, yun yung patong patong na palapag ng mga kwadradong libereng pabahay para sa mga sundalo. Doon namin kapitbahay ang mala-buddha at singkit na si Ate Emy. Rm 15 kami, sila sa 16. Tapat na pintuan namin.

Madalas mo siyang matatagpuan sa bahay. Umagang-umaga pa lang, maririnig mo na yung mala- Kris Aquino niyang boses minus yung nakakairitang tono. Malakas yung boses niya, Minsan nga yun yung gumigising sa akin tuwing Sabado at Linggo. Kundi siya nanghihiram ng kawali, walis, tabo, timba, plato at kung ano-ano pa, nagkukwento siya at nagdadala ng panibagong tsismis for the day. Ilang beses din niya kaming nabugyan ng updates sa mga utang nina Master Seargent X sa 2nd floor at sa mga babae ng asawa ni Staff Seargent P sa 3rd floor. Di pa uso ang chikka minute noon, updated na kami sa showbiz balita sa condo.

Continue reading ‘Si Ate Emy’

sundalong kano

YouTube Preview Image

May pag-asa pa kayang mabago ang imahe ng sandatahang lakas ng Pilipinas kung may ganitong advertising strategy, pagpapackage at pagbibuild-up sa mga sundalong Pinoy?

Mas marami kaya ang mahihikayat na magsundalo at mamatay para sa bayan?

Kanta: Citizen Soldier

Banda: 3 Doors down