Sadyang may mga tao talagang parang mga sirang plaka. Paulit-ulit na nga, outdated pa.

Di pa din maka get-over yung mga ibang housemates sa PBB house sa kanilang mga chismisan. Siyempre ang topic pa din ng showbiz balita nila eh kami- ang tatay ko, ang kapatid ko, at ako. Ewan ko kung ano pa yung mga issues nila. Panalo lang talaga si Ate En sa lakas ng boses. Hindi ko alam kung sadyang butangera lang siya at kailangan rinig talaga sa buong bahay yung pangbabackstab niyang chismosa siya. Feeling siguro nila wala ako dito kasi nakatulog ako kanina at late na ako nagising, madilim na. Kaya naman patay pa yung ilaw sa kwarto ko at malamang inakala nilang wala ako. Tangina nila. Nung naligo ako kanina lang tumigil sila. Malamang nagbulungan. Ngayon habang nagta-type ako meron namang nakakabinging katahimikan. Tanginanila ulit. Bababa na nga dapat ako kanina para magulat sila eh, kaso nagtimpi na naman ako.

Tahimik na sila ngayon pero panalo lang yung pampa-plastic nila. Nitong nakaraan eh kala mo kung sinong mabait tong si Ate En na humingi sa akin ng kung ano-anong mga pabor. Muntik ko na ngang isnabin eh, pero naisip ko, sige lang, wag patulan ng galit ang mga mababaw na mga bagay. Kaya ayun. PInagdasal ko na lang sila pagkatapos. Pinagpamisa ko sila. Oo, yung mga kaluluwa nila. Pinagpamisa ko yung mga kaluluwa ng mga housemates, buong pangalan, sa simbahang pinagsisimbahan nila. Ayus diba? Para pag nagsimba sila, special mention sila ng pari sa mga kaluluwa sa langit. Biro lang. Di ko pa yun ginagawa.Pero baka pag tinopak ako, gawin ko. Salamat sa payo ng isa kong kapatid na nagsabing harapin ko sila nang may kabaitan sa puso.

Kakausapin daw ako nung isa sa kanila. Ayoko pa bumaba pero gutom na gutom na ako at kinakausap ang laptop, ikaw, kayo. Wala dito ang kapatid ko, asa kaklase. Ang tatay ko naman asa trabaho. So masaya ‘to, outnumbered ako ng ibang mga housemates. Pero dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko, bababa na ako. Bahala sila sa mga sasabihin nilang mga gago sila. Haha. Ia-update kita mamaya.

2 Responses to “”


Leave a Reply