For every Juan

Huwebes, Ikalawang araw sa unang taon ko sa trabahong ito sa Amerika- umulan. Napabili tuloy ako ng 5$ na payong. Sorry sa payong, pero ampangit niya. Muli kong nakasabay si Lady S. sa bus. Pagpasok ko ng opisina at pagbati ko ng “Goodmorning!” binati ako ng “Mag-vacuum ka” ng kasama ko dito. Mabait naman si kuya Jay. Minsan may topak nga lang. Nag-vacuum ako ng 19 na kwarto kasama ang 23 na hakbang ng carpeted na hagdan gamit ang mahigit sampung taong vacuum cleaner.

Whew. Ayos lang din. Di naman masyadong nakakapagod mag-vacuum. Nakakaaliw pa nga kasi napapalipas mo yung oras kapag walang masyadong ginagawa tapos nakakapag-relax ka din kahit papaano. Oo, nakakarelax kaya yung tunog ng ancient vacuum cleaner. Nilulunod nito lahat ng ingay na umeepal sa ulo mo kahit saglit lang. Noong una akong nag-vacuum ng buong opisina, medyo sumikip ang dibdib ko. Yun bang tipong, hello, ano pa kayang ipapagawa nila sa akin dito? Eh lahat na lang ng matipuhan nilang ipagawa ipapagawa nila eh.

Nakakatanga lang minsan. Siyempre lumilipas ang mga Segundo at bawat Segundo na hindi ko nagagawa ang gusto ko sa buhay, bawat segundong hindi ako nakakagawa ng hakbang para sa kinabukasan ko, eh nanlulumo ako. Nanghihinayang ba. Sayang eh. Pero sa ngayon wala pa akong magawa. Di pa masyadong makakilos. Demet. Kailangan ko na ng asawa.

Speaking of asawa, si Lady S., nga diba nakasabay ko na naman sa bus. Ayun, nakangitian at nakakwentuhan ko na naman siya.

“You look different again. You always change looks!”

“Oh yeah? You look good.”

Hmm. Bakit kaya parang mas naging malangis siya at mas mapimpols? Diba malamig naman sa Nepal? So dapat ang pores magsasara. Haha. Anyways, ayun kwento galore na naman siya sa akin tungkol sa mga lessons sa buhay at kung gaano ako kagaling na bata na may magandang hinaharap. Sige daldal siya ng daldal nang masabi niya bigla na may 6 year old son na pala siya. Natigilan ako bigla. Parang ako, Whaaat?! Haha. Prospect ko pa naman siya noon. Kala ko juggable siya at pwedeng asawahin, but noo. May asawa na pala siya, divorced, may anak at may bagong asawa. Ikakasal na daw siya sa March.

So ayun, di din naman kami nagtagal sa pag-uusap. Ekis na siya sa listahan ko ng aasawahin. Haha. So goodluck sa’yo Sam!

Whew. Whattatersdei.

Maghapon kong tinutulungan si kuya Jay na gumawa ng slideshow ng mga pictures nila nung mga kamag-anak niya noong umuwi siya ng Pinas. Edit edit ng pics tapos moviemaker. Ayan halos ang ginawa naming maghapon. Ala naman kasi si super big boss. Ayun, pinakita sa’kin nikuya yung mg akamag-anak niya. Sosyal ang kuya  Jay. Sila na ang may private beach sa Pinas. Haha. Balang araw ako din magkakaroon nun.

Every Juan’s beach resort ang ipapangalan ko!

6 Responses to “For every Juan”


Leave a Reply