I have a dream, i saw the street

Nanaginip na naman ako kagabi ng bagong lugar, bagong mga tao, at ibang klase ng bus. May kasama akong babae, hindi pa katandaan, nakasuot kami ng makapal na jacket. Tanaw mo ang makapal na yelong bumabalot sa kalsada mula sa bintana ng bus na kagabi ko lang nakita.

Mula sa bintana, tanaw ko yung dinaanan naming building. Parang simbahan pero hindi. Mataas siya parang yung mga kastilyo sa st Petersburg sa Russia, yung mga makukulay, ganun. Pero iba siya. May mga kumplikadong mga disenyo. Mga curves, mga nililok na mga palamuting makukulay mula sa bata at salamin, may mg abungo, anghel, buto, pakpak at madami pang iba. Naku, hindi ko pa nakikita yun sa internet o sa kahit anong encyclopedia. Basta ang alam ko, sa panaginip ko totoo siya at manghang-mangha ako.

May pupuntahan daw kaming simbahan nung kasama ko at may kikitain daw kaming babae. Sa mundo ng panaginip ko, kilala ko siya, pero paggising ko hindi. Anyways, may pag-uusap pa ngang naganap sa’min nung kasama kong babae. Basta tipong yung pupuntahan daw naming isa pang babae na mas bata ang nakakaalam ng lugar at magtu-tour sa amin sa simbahan.

Naka ilang libot kami sa bus. Ilang mga buildings din at lugar ang dinaanan naming hanggang sa kitain naming si gerlet sa may isang lumang simbahan na kulay puti. Parang mormon church pero di ako sigurado. S a pagkakatanda ko, payat na mahaba ang buhok ni gerlet. Di ko na matandaan yung mukha niya.

Kumusta naman at nananaginip na naman ako ng ibang lugar. Bago ako mapadpad dito sa bansang itoo, eh halos araw-araw may panaginip ako na nagbibyahe sa bus. Madaming tao. Kakaibang mga bus. Di gaya ng mga bus sa EDSA. Tapos may kung sino sino akong kilala na hindi kona kilala paggising ko, ganun. Tapos pagdating ko ditto, tsaka ko na lang narealize na shet, parang ganito yung mga bus sa panaginip ko noon! Naman.

Bata pa lang ako kung ano-ano na ang napapanaginipan ko. Mga eroplanong bumabagsak, gera, gumuhong bundok, pinapatay sa harap ko, mga lugar na hindi ko pa napupuntahan, at mga taong hindi ko pa kilala. Mahiwaga ang panaginip, oo, pero minsan ayoko na din managinip ng kung ano-ano kasi nakakaloko. Umabot pa nga ako noon sa puntong ayoko nang managinip kasi baka kung sinong tao na naman ang mapanaginipan kong pinapatay sa harapan ko. Naku, bagama’t madami na sa mgalugar na napanaginipan ko eh nakita ko na (at sa maniwala ka o hindi) at totoo ngangyun yungmga lugar na napanaginipan ko.

Bago ko makasama sa bar si Adam Levine dito (yung bokalista ng bandang Maroon 5) eh napanaginipan ko na noon sa Pinas na kasama ko sa bar na gumigimik sa Adam Levine. Weird lang. Haha.

Anyways, naku, kung ano man ibig sabibihin ng panaginip na bumabagabag sa akin kagabi, sana matino siya. At kung mensahe man yun mula sa mga aliens, eh goodluck na lang sa akin.

Happy weekend mga kabayan! Woohoo!

4 Responses to “I have a dream, i saw the street”


Leave a Reply