Noong bata ako, akala ko sa tatay ko na matutunan kung paano makisama sa mga tao. Ma-karisma kasi siya. Lahat na lang kaibigan niya. Yung maong sa kabilang baranggay, yung ale sa kabilang kanto, yung bagong lipat na kapitbahay, yung tanod sa dulong kalsada, lahat yun kilala niya. Lahat yun, kilala siya at alam na anak niya ako.
Naiinsecure nga ako noon sa kanya. Pa’no ba naman palagi niya ako noong sinasabihan ng suplado. Di daw ako marunong makipagkaibigan. Hindi daw ako marunong makisama. Paano nga bang makisama? Paano nga bang makipagkilala na tila walang alinlangan sa ibang tao? Kailangan mo bang magpasikat? Kailangan ba madaldal ka? Kailangan ba mapasaya mo palagi yung ibang mga tao? Kailangan ba meron ka nung tinatawag nilang natural charm?
Pwes, hindi ko din alam.
Akala ko noon, kailangan lahat ng tao papansinin mo at ngingitian mo para masabing marunong kang makisama. Eh pasensiya na, hindi ko sila nakikita. PInanganak akong malabo ang mata at kapag wala akong salamin, wala, foggy talaga ang paningin ko. As in parang oa lang yung fog. Parang may nagbabarbecue sa isang malaking barbecue-han tapos binuhusan ng isang timbang tubig yung mga baga sa ihawan, ganun. OK fine, parang usok kapag may sunog. Ganun ka-blurry yung paningin ko. Kaya naman kapag may tumatawag sa akin noon kapag naglalakad ako at hindi ko siya makita eh ngumingiti na lang ako sa kung saan-sanag direksiyon.
Si tatay ko, pleaser. Gusto niya napapasaya niya palagi yung ibang mga tao. Kung ano ang gusto mong marinig, yun ang sasabihin niya. Madaldal din siya. Madami siyang kwento. Madami ka namang mapuulot na aral sa mga pinagsasasabi niya eh, pero nitong mga nakaraan, para bang hindi na siya nag-iisip sa mga patutunguhan ng kanyang mga salita.
Ang daldal niya kasi dito sa bahay. Kung ano-ano yung mga pinagsasasabi niya sa mga housemates. Pag naiinis siya kay kuya A, sasabihin niya kay kuya B. Kapag naiinis siya kay kuya B, sasabihijn niya kay kuya A. Ayus lang sana kung di madaldal pareho sina nhousemates A at B eh. Ang kaso, magkapatid sila, at pareho silang madaldal. Yun ang isa sa mga kahinaang nakita ko kay tatay. Oo, magaling siyang makakuha ng loob ng ibang tao, pero hindi siya nagiging maingat. Yung paranoia niya sa mga bagay-bagay tulad halimbawa ng kawalang tiwala niya sa isang tao ay pinagsasabi niya ng walang bahala sa iba pa ding tao nang di isinasaalang-alang yung maaring mangyari kapag nalaman ng ibang mga tao yung pinagsasasabi niya sa kanila.
Eto na ang update. Pinatawag ako ng mga housemates kanina. Sinundo ako ng dalawang maybahay na naninirahan sa mga katabing kwarto namin, USap-usap daw tungkol sa mga issues. OK. Mahinahon sila. Si Ate En nangingilid ang luha. Si Tita na asawa ni Tito Hunyo eh kalmado naman. Ako, dapat mukhang inosente, di palaaway, kalmado. OK, game.
Heto na, labasan ng sama ng loob.
Kung tutuusin, mababaw lang naman yung naging sanhi ng awayan sa bahay eh. Ang unang naiturong dahilan, ang kadaldalan ni Ate En nang sabihin niya kay Tito Hunyo yung kinuwento sa kanya ng tatay na baka daw dinudumihan ni Tito Hunyo yung tubig na iniinom namin.
Yun at kasunod ng madami pang ibang mga issues na kung iisipin mo nang mabuti, lahat nagsimula kay Itay. Siya ngayon ang nasa hotseat. Kaso wala nga siya. Sa awa ng Diyos, di naman ako ginisa ng ibang mga housemates. Gaya nga ng sabi ko, malumanay sila. Wala naman daw silang issues sa akin. Nirerespeto daw nila ako dahil mabait ako, mahiyain at tahimik. Oha. Kala nila tahimik ako. Haha.
So ang resolusyon, mag usap-usap ulit pagbalik ng tatay. Woohoo. Tanginanila. Haha.
Anyways, nito ko lalong napagtanto na dapat talaga maging mas maingat ako sa mga sasabihin ko at mas lalong dapat maging mapili ako sa mga taong pagkukwentuhan ko. Natuto pa din sa tatay. Dahil sa kadaldalan niya, natutunan kong mas maging sensitibo sa mga kahalubilo kong mga tao. Dapat adaptive ka. Parang hunyangong nagbabago at kayang sumabay sa saliw ng hangin sa paligid. Dapat marunong kang sumakay sa mga tao at higit sa lahat dapat maging mapili sa mga salita at maingat bsa mga bibitawang mga pangungusap.
Ang aral sa araw na ‘to, sa pakikisama, dapat marunong kang tumimpla ng mga sasabihin mo. Best policy pa din ang katahimikan kung wala namang matinong sasabihin.
Teka, naiblog ko lang ito dahil naalala ko. Nga pala eh nagising lang ako bigla. Madaling araw na dito. Holiday mamaya pero may pasok kami. Asar.
Siya nga pala, miss ko na kayo. Oo, kayo.

i agree.. kung di naman maganda ang lalabas sa bibig mo, tumahimik ka na lang. hanggang ngayon tinatry kong gawin yan nang hindi mapaaway, dati kasi sa sobrang tactless ko eh daming nakakaaway.
ganyan din ang nanay ko
inaanak niya lahat ng bata
sa baranggay namin
pero ako?
suplada talga ako sa personal
ako inaamin ko rin
taklesa ako kaya madali akong mapaaway
madami akong sinasabi
pero minsan yung emosyon sa likod
ng mga salitang nabanggit
ang mas mahalaga
hahaha
at least nag-uusap kayo at nakakarating kayo sa mga resolusyon.
Yung clan ko, sugod kung sugod eh.