Sa PBB house


Nahilo akong nakaupo sa may likod ng pintuan ng kwarto na yakap ang mga tuhod habang pinakikinggan ko sina Ate En at ang kanyang pamilya kasama si Tito Hunyo na nilalapastangan at pinag-uusapan yung tatay ko at kapatid ko. Dinig na dinig ko yung malalaks nilang boses habang kung ano-ano yung masasakit na mga paratang at kasinungalingang binibintang nila sa pamilya ko. Gusto ko na nga silang babain at patulan eh, peronanaig sa akin ang pagiging matatag at tiniis ko yung silakbo na nararamdaman ko. Gusto ko lang mamutol ng dila at mangsaksak ng mga makikitid ang utak na mga tao.Seryoso. Gagawin ko yun para sa pamilya ko. Putanginalangnilangmgahayupsila.

Hinang-hina ako. Bakit ko ba kasing naisipang makinig pa. Ansakit sa ulo. Ansakit sa puso. Ayoko na dito sa bahay na ‘to. Ayoko na sa PBB house. Ayoko na sa bahay na Puro Backstabbers at Bitches.

Halos isang taon na din mula ang lumipat kami sa inuupahan naming bahay na ito. Noong una eh nakikisiksik lang kasi kami sa bahay nung Tita-Titahan at Tito-Tituhan namin na sa katotohanan ay malaaaayong kamag-anak naman at kababata lang ni Itay. Lumipat kami para magkaron ng space, ng privacy at para makapamuhay naman ng sarili namin- kahit papaano.

Bago ako tuluyang maaliw magkwento at maglabas ng galit at sama ng loob, hayaan mo munang bigyan kita ng background sa mga tauhan sa PBB house para naman kahit papaano ay maintindihan mo ang mga pinagsasasabi ko dito. Promise saglit lang ito. Pasensiya na kung malaiw akong magkwento sa kanila. Promise iiklian ko hanggang sa makakaya ko. Ok, game.

Simulan natin sa pamilya ko:

Si Itay- Kung medyo napapadalas ang pagbisita mo sa munting blog na ito at mya mga mangilan-ngilan ka na ding nabasang mga blog entries ay may konting background ka na ni Itay.Dating sundalo ang tatay. Makwento kung kani-kanino. Ayaw niya ng mayabang pero siya din naman mayabang. Kapag may nagyabang sa kanya, halimbawa si Tito Hunyo, Naku, umasa kang tatapatan niya ito ng kayabangan. Noong una kami sa PBB house, siya ang promotor ng komunismo. Gamit ko, gamit nating lahat. Share-share. Gusto niya sabay-sabay kumain ang mga tao sa bahay. Naiinis siya at tsinitsismis yung housemate na ayaw makisabay samin kahit na alam naman nating may karapatan at kalayaan ang housemate na yun sa kanyang buhay. Kaya wala talagang paki ang tatay ko kung gusto ba nun maki-join sa amin o hindi.

OC ang tatay. (Obsessive Compulsive) Gusto malinis ang ganito ganyan. Gusto walang masasabi ang ibang tao sa’min, gusto niya lagi tahimik kami kasi baka may mabulabog kaming housemates, gusto niya laging malinis ang banyo para walang masabi ang ibang mga housemates, gusto niya napi-please niya ang ibang mga tao. Ganun siya.

Madalas magbitiw ng mga kung anu-anong puna si Itay tungkol sa ibang housemates. Siya ang nagturo sa aming magkapatid na wag magtiwala kahit kanino. Pero siya din ang nakakalimot sa mga pangaral niya at kung ano-ano ang binibitawan niyang mga salita tungkol sa ibang  mga housemates.

Paraoid siya sa madaming mga bagay.


Si Ate En- Madadaldal na maybahay ni Kuya Ar na tumitira sa master’s bedroom ng inuupahan naming bahay. Kasama nila sa kwarto yung anak nilang 12 years old na madalas magboses pokemon.

Si Ate En ay numero unong pakialamera. Noong una ko siyang makita ay wala na akong tiwala sa kanya kasi may masama siyang sinasabi sa lahat ng mga housemates na nakasalamuha at nakasama na niya sa PBB house. Sila kasi ang pinaka-matagal nang naninirahan dito at sila din ang pinaka-una. Wala siyang pinalampas na housemate, lahat may puna siya. At malakas ang kutob ko, lahat ng sasabihin mo sa kanya eh ichichismis niya sa iba.

Di naman siya mukhang parrot pero nakakairita yung kadaldalan niya. Pag housemate mo siya, kahit asa kwarto ka dinig na dinig mo yung boses niyang nagrereklamo, nangchichismis, at bsta dumadaldal lang.

Walang siyang pinapanigan. Oo. Wala. Kasi balimbing siya. Kapag kaharap mo siya, kakampi mo siya. Kapag kaharap niya yung ibang housemates, yun ang kakampi  niya.Plastic siya. At yun ang hindi agad nakita ng tatay ko.

Mayaman sila sa Pinas. May bakery daw sila na malaki sa Laguna at Computer shop sila. Nag tour around the world muna sila bago sila huminto at tumigil dito sa Amerika. Wala din silang papel na matino tulad namin.

Si Tito Hunyo- Dating parte ng Philippine Constabulary pero nag-resign ng maaga. Nag Around the world trip din daw siya at nag adventure ng todo bago napadpad dito sa Amerika noong unang panahon. Oo, matagal na siya dito. At yung epikong kwento ng pagpunta niya dito sa Amerika ay paulit-ulit na kinukwento ng mag kapatid niyang Tito-Tituhan at tita-Titahan ko na nakatira sa kabilang kanto ng bahay na inuupahan namin.

Sige, maikling pahapyaw sa mala-epiko daw niyang paglalakbay patungong Amerika.

Naglibot-libot siya muna sa mundo kasi mayaman naman sila sa Pinas tapos huminto ng Mexico, tumawid ng border, nagtatakbo kung saan-saan, nagdrive pa west at east coast, hanggang sa nakasaksi ng pagpaslang ng mga sundalong kano sa isang sibilyan, tumestigo sa korte, nabigyan ng papel, pera at pagkakataong mamuhay dito ng maayus, at doon na nagsimula ang pamumuhay niya dito.

Kasama niya sa kwarto ang asawa niya na bihira namang umuwi dito. Mabait naman si Tita Dee na palagi akong niyayakap at binebeso-beso. Childhood sweethearts daw sila.

Isa si Tito Hunyo sa mga kababata ni Itay noon. Kala-kalaro daw niya sila silang mga magkakapatid at kasama sa mga kalokohan. Noooon pa yun. As in noong unang panahon pa. Mga mahigut 20 taon na nung huli silang nagpangita. Ewan ko ba sa tatay ko kung bakit sila ang nilapitan niya at hiningan ng tulong pagdating namin dito.

May mga anak sina Tito Hunyo at Tita Dee sa Pinas pero malalaki na sila. Di nila madala-dala sa Tate yung mga anak nila.

Parehong college grads sina Tito Hunyo at Tita Dee. Nakapag-aral si Tito Hunyo, matalino kaya madaldal din. Madaming alam. Trivia-trivia ganyan. Gusto niya laging siya ang bida. Madalas naiinsecure ang tatay sa kanya kasi nga madalas siyang magmagaling.

Mahilig mag-yosi si Tito Hunyo. Reklamador siya na maingay daw kaming magkapatid. Reklamador siya kapag nagluluto ang tatay ko ng mga ulam, reklamador silang mag-asawa na madumi daw ang banyo pero maingay siyang mag-radyo at mag-TV sa kwarto nila (na katabi lng ng kwarto namin), Wala silang paki kapag nagluluto sila ng ubod ng bahong mga ulam gaya ng daing at dinaing na pusit, Palagi siyang may sampid na tae sa inidoro kapag jumejebs siya at yosi siya ng yosi sa banyo, sa kwarto, sa buong bahay.

Si Kapatid- Maporma, maarte, mahilig magtelepono,walang pakialam sa paligid, malakas ang boses, mataray ang mukha, tunay na mataray, palaaway, sumbungera, malambing at higit sa lahat mahal ko, kapatid ko eh.

Si kapatid ay yung babaeng medyo matagal gumamit ng banyo, mahilig mag-iwan ng tissues na madami sa basurahan sa banyo at medyo makalat at burara kesa sa’kin. Mahilig din siyang magdala ng mga kaibigan dito sa bahay na siya namang ginagawang malaking issue ng mag housemates lalo na ni Ate En.

Samjuan- ang housemate na madalas maiwan dito kasi si Itay ay madalas sa trabaho at si kapatid naman ay madalas sa kabilang bahay, dun sa kabilang kanto, sa bahay ng pinsan na ka-edad niya.

Ilan sa mga scenariong pinagsimulan ng issues sa loob ng PBB house:

-Ang pagdadala ng mga kaklase at bisita ni kapatid dito sa PBB house. Nababastos daw ang privacy ng mga housemates, lalo na si Ate En. Tangina eh siya nga kung makapagdala ng kamag-anak eh isang batalyon.

-Yung pagpapatulog ko ng bisita sa kwarto namin. Nabastos daw sila Tito Hunyo > Bakit daw hindi pinaalam sa kanila. Tangina pakialam nila sa buhay ko at sa pinatutulog ko sa kwarto?

-Yung pagkukwento ni Itay ng paglilinis niya ng banyo at ng bahay. Sabi kanina ni butangerang si Ate En, nagpapakitang tao lang daw ang tatay at parang pinamumukha niya na madumi ang ibang mga housemates samantalang kami naman daw magkapatid ay maduduming mga tao. Hirit pa ni Ate En, mukhang pinatatamaan daw ni Itay si Tito Hunyo. Kami at sina Tito Hunyo lang kasi ang magkasalo ngayon sa banyo. May sariling banyo ang inuupahang master’s bedroom nina Ate En.


-Ang matagal na paggamit daw namin ng banyo. Ayon ito kay Ate En at Tito Hunyo. Ayon kay tito Hunyo, grabe daw as in grabee ang paghihintay nilang amg-asawa makagamit lang kami ng banyo. Oo, aminiado akong matagal magbanyo si kapatid, pero OA ah. Sila din antagal magbanyo. Minsan pa nga, nalligo ako, kinalampag ni Tito Hunyo yung pintuan. Kala ko kung anong emergency. Nagtaka naman ako kasi kapapasok ko pa lang ng banyo. Yun pala, maliligo siya at magyoyosi sa loob.


-Yung pesteng tubig sa malaking bote ng mineral water. Meron kasi kaming malaking bote ng mineral water, yung tipo na nilalagay sa mga water dispensers, ganun. Noon, magkahati sa effort ang tatay at si Tito Hunyo para punan ng tubig yung bote. Madalas ang tatay ang nagbabayad at si Tito Hunyo naman ang nagkakarga pauwi dahil may sasakyan naman siya. Kapag wala si tito Hunyo, nilalakad ni Tatay yung refill station sa malayong kanto at sinasakay yung bote sa mga grocery carts o trolley na nakikita niya sa paligid. Sa boteng iyon nanggagaling yungb tubig na nilalagay namin sa mga pitsel namin at nina Tito Hunyo. Nitong nakaraan, naging sobrang busy ang mga tao kaya medyo nalimutan na si malaking bote ng mineral water kaya hindi namin nalalagyan ng refill yung mga pitsel namin.

Ang paranaoid na tatay, nang minsang makita yung boteng may kakaunting laman na tubig ay pinagbawalan kaming magkapatid na kumuha doon sa malaking bote kasi baka daw madumi iyon o kaya dinumihan. So sa madaling sabi hindi na ako kumuha doon ng tubig. OK na sana eh. Ok na talaga. Kaya lang madaldal ang tatay at kinuwento pa yun kay Ate En na talakera. Ayun, isang araw kinuwento pala ni Ate En with all enthusiasm kay Tito Hunyo na sinabi daw ni Itay sa kanya na baka daw madumi at dinumihan ni Tito Hunyo ang tubig. Shempre nagalit ang Tito Hunyo. Kaya naman nitong nakaraan, nagkagalit-galit ang mga matatandang parang mga mata.

Hirit pa ni Ate En kay tito Hunyo, “Naku, bakit mo nga naman gagawin yun kuya.Grabe no?”

Sarap lang mamutol ng dila gamit ang blade na puro kalawang. Sana natuto na nag tatay ko sa kadaldalan niya.


-Ang tumaas na bill sa kuryente. Dahil nga matabil ang dila ni Ate En, ilang araw na din siyang nagtatatalak tungkol sa tumaas na bill sa kuryente. Na kesyo bakit daw tumaas bigla eh hindi na naman daw kami nag e-aircon. Tapos kung kelan daw nagbakasyon pa sila at nawala ng mga 2 linggo eh tsaka tumaas ng todo ang bill. Siyempre, ang tenga kong hypersensitive ay nakarinig na naman ngmga onting pinagsasasabi ni Ate En na kesyo maaksaya kami sa kuryente blah blah blah. Uhm, hello, teka lang ah. DI kasi niya napapansin na magdamag bukas ang TV o kaya naman radyo sa kwarto ni Tito Hunyo. Anuba Ate?


-Yung nasirang washing machine. Nung nakaraang araw kasi nang gamitin ni kapatid ung washing machine ay bigla na lang daw itong tinopak. Gagana ng mga 10 segundo pero titigil ulit. Paulit-ulit na ganun. So siyempre si talakerang Ate En, umenter na naman sa eksena. Ano daw nangyari blah blah blah. Baka daw nasira na. AT yun, tinawagan niya ang amy-ari ng bahay at kung ano-ano ang mga sinabi na kesyo si kapatid ko daw ang naglalaba blah blah blah. Nang humirit ang may-ari ng bahay na baka na-overload lang, napatahimik daw si Ate En sabi ng kapatid ko.  Paanoba naman kasi, tatlong araw bago masira ang washing machine eh non-stop ang paggamit ni Ate En. Naglalabada marathon siya. Malay ko ba kung ilang closet ang nilabhan niya pero ang punto eh ilang araw din shang naglalaba kaya nga di kami makasingit. Nagkataon lang na nung gumamit ang kapatid ko ng washing machine eh ayaw na nitong gumana. Hula ko, napagod ang makina. Napagod kay Ate En.

Pero wag ka, topic nila kanina nung nakinig ako sa pintuan eh yung washing machine at kapatid ko. Shempre mega drama naman tong si Ate En. Di naman daw niya pinagbibintangan ang kapatid ko, sabi niya kay Tito Hunyo. Baka daw di lang marunong gumamit yung kapatid ko. Blah Blah Blah. Tanginabaniya. Sana noon pa yun nasira kasi noon pa gumagamit ng washing machine yung kapatid ko. Sus. Ke arte niya. Frustrated ata siyang artista. Pwe.


-Ang Paggamit ng mga kutsara, sandok, kawali, kaserola at iba pa. Kasalanan to ng tatay eh. PAuso kasi siya. Kung bakit ba naman feleing niya palibhasa nagppahiram siya ng mga gamit eh malaya na ding magpapahiram ang mga housemates. Pakiramdam kasi ng tatay na dahil mga close close na sila ng mga housemates, pwede na din siyang makihiram ng sandok, kutsara, tinidor, kawali, kaserola atbp. Bagama’t palagi niya kaming pinagbibilinan magkapatid na huwag na huwag gumamit ng mga gamit nila, pero ayun, siya din minsan bumabali sa mga pangaral niya. Ang latest na issue ay yung paggamit ni tatay ng mga kutsara at tinidor ni Toto Hunyo noong minsang bumisita dito sa bahay yung mga pamangkin at kapatid ni Tito Hunyo para managhalian at hapunan. Kulang kasi yung mga kutsara’t tinidor namin para mapagsilbihan sila kaya naman naisip ng tatay na baka pwedeng mahiram niya muna yung mga kutsara’t tinidor nila dahil kapatid naman at mga kamag-anak ni Tito Hunyo yung mga gagamit. But noooo. Naging isa pala itong malaking issue na kinikimkim ng Tito Hunyo. As if naman hindi siya kumukuha ng yosi sa yosi pack ni Itay. Naku ha, as if hindi niya kinukuha yung tuyo na nasa lalagyan namin ng gulay. As if hindi siya nakikigamit ng gamit ng may gamit. Pero oo, wala na yun s apunto. Mali si itay dito. Pero mas mali na dinadal pa ito ng butangerang housemate na pinalalaki pa lalo ng iba pang mga housemates.

Sorry medyo napahaba. Bugso ng damdamin. Gabre lang ang negative vibes dito sa bahay. Haha. Dapat ngumiti lalo para labanan ang mga masasamang elemento.

Naiwan akong mag-isa sa kwarto at ang sakit-sakit sa pakiramdam yung sinasabihan nila ng masasama at pinag-uusapan yung mga kapamilya ko. Ang hirap lalo pag wala kang mapagsabihan at ang tanging magagawa mo lang ay mainis at magpanggap na wala kang marinig. Pero dahil mas malakas ang boses nila na tila ba nananadya, magpupumiglas yung inis at galit sa dibdib mo na napakainit, napakasakit na parang gusto mo na lang sapian ka ng demonyo at pumaslang ng mga nilalang na makikitid ang utak.

Whew. Pero gaya nga ng sabi ng isang kaibigan, kill them with kindness. Potek. Sana nga uepektib. Pero kapag di bumenta ang kindness ko, o siya, sasalaksakin ko na lang sila ng tinidor sa leeg sabay gagawin kong ashtray yung mga mata nila. Hahaha. Joke lang siyempre. Ewan ko. Malay mo. Haha.

Salamat sa pagbabasa ha? Ayan. Yan ang sitwasyon namin ngayon s ainuupahan naming bahay dito sa bansang ‘to. Kailangan nang makalipat. Pero yung lilipatan namin, dapat eh malapait lang din dito kasi maapit dito sa’min yung eskwelahang pinapasukan ng kapatid ko. Ayun. Whew lang. Ngayon medyo ok na ako. Promise. Sabi nga, kapag nagpadala ka sa emosyon mo o sa galit mo, ikaw ang talo. Kaya dapat maging matatag. Dapat palaban. Walang susuko. Ala pa ‘to sa kalingkingan ng mga naranasan ko noon.

14 Responses to “Sa PBB house”


Leave a Reply