Di ako graduate ng accountancy pero inaaral naming ngayon yung bagong accounting program ng kumpanya. Gaya nga ng nabanggit ko, all around alipin ako dito. Minsan kargador, minsan technician, minsan janitor, minsan taga deliver ng kung ano-ano at madalas utusan. Kaya naman di na kataka-taka kung pag-aaralin din nila ako ng accounting para mautusan nila ako sa mga ganitong bagay. Palagi na lang ako! Ako! Ako! Joke lng. Hehe. Naalala ko naman tuloy yung isang interview sa akin nung naghahanap pa lang ako ng trabaho.
Umaga, mainit ang araw pero malamig ang hangin. Enero ata noon. Naka Amerikana ako, kumpleto with necktie tapos leather shoes. Naka-gel pa ata ako nun. Swabeng swabe, kahit medyo malaki sa akin yung suot kong damit. Ilang minute ko din noong hinanap yung building nung mag-iinterview sa akin. Sa mala-Quiapong kalye ako gumala-gala ng ilang minuto para hanapin yung lugar. Papansin yung suot ko. Dahil nga mala-Quiapo ang itsura at moda ng lugar na iyon ng Amerika, eh mukha tuloy akong naligaw na underage businessman. Haha.
Anyways, nung medyo pawis-pawis na ako, natagpuan ko din yung opisina nung kakapanayamin ko.
Maliit yung kwarto. Masikip. Magulo. Medyo madilim. Medyo may amoy. Binati ako ng ngiti nung babaeng mukhang haponesa na kana na may goth-rocker na aura. Pinaupo niya ako at sinabihang hintayin yung amo niyang si Ned.
Ilang saglit pa, dumating na si Ned. Para siyang Kano na mula sa gitnang silangang Asya. Kakaiba yungpunto ng matandang iyon. Payat siya. A la rakista at designer na payat. Naka-manipis na V-neck tshirt siya tapos naka skinny jeans. Madaldal siya. Mabaho ang hininga.
Nilibot nya ako sa opisina nila. Magulo. Puro mga tela at damit. Gumagawa pala sila ng mga damit pambata. May design room na magulo tas may mga empleyado siyiangnaggugupit ng tela. Tinanong niya ako kung ano ba ang alam ko sa computer. Edi sinabi ko lahat. Parang inulit ko lang yung resume ko sa kanya. (Ok lang kasi feleing kohindi naman niya talaga binasa) Sabi ko marunong ako ng ganito ganyan sabay hirit siya ng ok, di ko kailangan yun. Ang gagawin mo ganito ganyan. (Shempre ang-iingles siya) Mag-aayus da ako ng forms, maggagawa ng minor computer tasks, mag-aayus ng UPS deliveries at magbu-book-keeping.
“So, Sam, you know how to do book keeping huh?”
“Book-keeping? Yes. Yes. I’ve worked at the library before. ” mayabang kong sagot sabay ngiti.
“Very good! Very good! I like you!” sabi niyang nakangiti. Tapos dumaldal pa siya ng ilang minuto sabay paalam at may gagawinpa daw siya. Tatawagan na lang daw niya ako.
Nang ikwento ko yung pangyayari sa malapit kong kaibigan na si Mary, tinawana niya ako ng malakas.
Natanga pa ako. Haha. Sorry na. Di ko naman alam noon na ang book-keeping pala ay iba sa pag-aayos ng mga libro sa library. Wahahaha. Eh shunga din sha umoo siya sa’kin eh. Sa katunayan, tinawagan pa nga niya ako at kinulit. Papatusin kona nga siya eh, kundi lang siya malabong kausap sa sweldo. At ayan, salamat sa karanasang iyon alam ko na ngayon kung ano ang book-keeping. Accounting pala ito. Haha. So goodluck naman at ngayon eh magiging ganap na ata akong book-keeper.
Happy weekend sa inyo mga kabayan!

naksssss book keeper ka naman pala ngayon.. well, at least natawa naman sya sayo diba? hahaha
Haha. Yun na nga eh. Buti napasaya ko siya kahit papaano. hehe