Published on
February 27, 2009 in
kabataan.
Kasabay ko siya noon tumingin ng mga babae. Pasikreto kaming nangungupal at nagmamasid ng mga feeling maganda, ng mga puting ita, ng mga baluga, ng mga mababahong hininga, ng mga maagang nagdalaga, ng mga seksi, ng mga maamong mukha at ng mga babaeng may taglay na magagandang boses. Medyo magkaiba kami ng type. Crush ko si Kriselda, crush niya si Vanessa. Payat yung crush ko, malaman yung crush niya. Naiiba man ng onti ang tipo naming sa babae, masaya ako na nakakasama at nakakausap ko siya tungkol sa mga crush crush noong grade 4.
Madalas sabay kaming maglakad pauwi. Halos isang kanto lang kasi ang layo ng bahay nila sa amin at pareho pa kami ng dinadaanan kaya madalas ko siyang kasabay, Sa ilalim ng init ng katanghalian, magkaakbay kaming naglalakad at nagkukulitan ni Pebbles. Kami yung nag-aakbayan na parang solid na magbarkada. Yung tipong parehas nakaakbay sa mga balikat naming yung mga braso namin. Continue reading ‘Pebbles’

Puno ang tiyan ko ngayon ng mga pagkaing hapon. Halo-halong suhi, sashimi, moshimoshi, wasabi, ramen, wonton, noodles, udon na chicken bowl, salad, at miso soup.
Alas dose y media ng tanghali sa lugar ko sa Amerika. Kakapasok ko pa lang sa trabaho. Oha, nakapagblog pa ako agad. Puno ng hangin ang utak ko, Kanina pa ako hikab ng hikab. Buti na lang di napapansin ni bosing na aliw na aliw sa panonood ng mga Tv shows in full-volume sa computer niya.
Galing kami ng Tatay at ng kapatid ko sa Embahada para magpa-renew ng pasaporte. Sa susunod na taon pa naman mae-expire ang pasaporte naming pero minabuti na naming magpa-renew habang maaga. Hindi, hindi ako magbibiyahe anuba. Wala pa akong pera. Continue reading ‘Busog’
Kaninang naghihintay ako ng bus pauwi sa bus station, may nakita akong manong na naka slacks na itim, naka leather shoes, naka long-sleeved polo shirt, naka coat, tapos naka bowler hat, yung sumbrerong karaniwang suot ng mga majikero.
Dahil madilim, hindi ko napansin ang lahi niya. Ayus naman siya nung una. Di ko maiwasang pagmasdan siya habang tumutugtog ang U2 sa tenga ko. Maya-maya, bigla niyang kinalkal yung tapat na basurahan. Akala ko may nahulog lang siyang kung anuman doon at tinangkang pulutin muli. Pero wag ka, nagkakalkal talaga siya ng basura. At ang kayamanang nakuha niya? Mineral water bottle! Yep. May isang mineral water bottle siyang napulot doon na tinapak-tapakan niya kung saan para siyang batang kasali sa paper dance. Pagkapisat nung bote, binuksan niya yung bag niya at inayos yung iba pang mga pisat na bote ng mineral water, juice at soda sa loob.
Nainspire naman ako kay kuya. Sa panahon ng krisis, lahat nga naman pwedeng gawing pera. Para-paraan nga lang muna.
Published on
February 24, 2009 in
sa buhay.
EDSA yung unang highway na pinagpraktisan kong magmaneho. Sa EDSA ginitgit ng mga balasubas na bus drivers yung pawis steering na kotseng minamaneho ko noon.
Sa EDSA ako nag-Iloveyou sa isa sa mga kalaguyo ko noon. Sa EDSA ako nanonood ng float ng mga artista. Sa EDSA, sa may people power monument, kami nakiki-party tuwing Pebrero.
Sa EDSA ako nagbibyahe araw-araw papuntang trabaho noong asa Pinas pa ako. Sa EDSA ako hinipuan nung katabi kong manong na naka leather jacket na mukhang holdaper na kumakanta ng To love you more ni Sarah Geronimo.
Continue reading ‘beinte y cinco’
Noong bata ako, masaya ako kapag lunes dahil sa inaabangan kong palabas na Charmed sa Studio 23.
Ngayong mukhang bata na lang ako, masaya ako kapag lunes kasi pinapalabas yung isa sa mga paborito kong TV Series, yung Heroes sa NBC.
Late na naman ako kanina.
Continue reading ‘Lunes’
Medyo matanda na ako sa Gregorian Calendar pero hindi pa din ako marunong maggupit ng tuwid. Mapa-papel, tela o anumang ipagupit sa akin ng tuwid, lagi akong pumapalya.
Ewan ko, wala yata akong sense ng diretsong linya. Kaya kung may gugupitin ako, nakaka-ilang ulit ako hanggang magmukhang mala-diretso na kahit alam ko namang hindi.
Halimbawa, may gugupitin akong papel. Yung tipong dapat nasa box kunwari yung text. Walang guhit, ikaw dapat ang magse-set ng box na gugupitin mo. Madalas, lumiliit ng lumiliit yung box hanggang sa masagad ko na yung gupit malapit sa mga letra para lang magmukhang tuwid.
Makagamit na nga ng ruler.
—–
Continue reading ‘Oscar’
Nagulat na lang ako nang kunin ng Tatay yung kaserola ng tinola sa pinakailalim na kabinet sa pantry sa kusina. Yun yung cabinet na pinaglalagyan ng mga patis, toyo, bawang, sibuyas, paminta, tinapay, mga de lata, plato, baso, kutsara at marami pang iba. Oo, alam kong may mga kaserola’t kaldero din doon, pero kaserolang may laman nang lutong ulam? Oh kamon!
Hello naman sa panaoia o kung anumang iniisip na naman ng Tatay. Baka daw may masabi na naman ang mga housemates, baka mna-issue na naman kami, baka mag-away na naman sila. Ang mature ha.
—-
Pinagluto ako ng masarap na agahan ng tatay. Parang pang gourmet resto na sinangag, hotdogs, bacon at eggs. Madalas siyang nasa bahay at naiinis kasi wala siyang trabaho ulit tapos yung lilipatan naming bahay eh napakabagal linisin yung bagong unit.
Continue reading ‘Pagkatapos ng ulan’
Halos dalawang oras din akong namangha, nanibago, inantok, at nainip sa synagogue na pinuntahan naming kagabi ng mga kasama ko sa trabaho. Wag ka, sushaling synagogue yun. Malaki yung lugar, parang museum, tapos nasa Beverly Hills pa, kaya naman oohh-so-susyal ng mga tao. Todo pormal ang mga suot kaya siyempre kami din nina kuya Jay at Riki ay naka pormal pormalan.
Di gaya sa misa/burol sa karamihan sa ating mga Pinoy, wala na yung bangkay kagabi. Nauna na sa ilalim ng lupa. Ilang araw na ang nakakaraan. Ganun silang mga Hudyo. Libing muna bago ang mga eulogies at testimonies at kung anupamang seremonyas.
Continue reading ‘samjuan sa pamisa sa patay ng mga hudyo’
Dito sa Amerika, kapag wala kang sasakyan at nagko-commute ka lang, mapapansin mong madami talagang mga epal- mga papansin, mga pakialamero at mga walang magawa sa buhay kundi manggulo ng kapwa pasahero.
Kaninang umaga nakasabay ko na naman sa bus yung aleng MexiKana na todo-todo kung magdasal.
Asa bus siya ha, nakapikit tapos parangsinapian ng madaldal na adik lang sa pagdadasal. Wag ka, naka noise-isolation earphones na ako pero dinig ko pa dinyung boses ni ate. Madamaing naiinis sa kanya. Halata naman sa mukha ng ibang mga pasahero. Pero tanging yung mag batang AfriKano, 2 lalakeng naka hiffhaff clothes at isang babaeng chubby na naka fit-fat clothes, ang naglakas loob na sigawan si ateng maingay. Ayun, olats sila. Walang paki si ate.
Continue reading ‘God is good’
“Bakit kailangan pa naka Amerikana? Sa debut ka ba pupunta ha?”
Sa burol nga po, Itay. Ang burol namna kasi dito pormal pormalan pa. Ayan, napagastos pa tayo. Salamat nga pala sa bagong brown shoes, pantalong itim at polo. Kundi lang ito biglaan eh. Buti na lang may mga American Ukay sa tabi-tabi.
Hindi pumasok kanina ang mga bossy na boss. Namatay kasi yung tatay ng pinsan ni Bigboss. Ayun, kanina daw ang libing, at sa Miyerkules ang lamay. Yep. Libing muna bago lamay. Ganun daw sa tradisyon nila. Ewan Malalaman natin sa Miyerkules kung papaano ang lamay o after libing ceremonies ng mga Hudyo. Yes, Hudyo ang mga bosings ko. Hudyong kano na Iranian. Oha! Ako din confused eh.
Continue reading ‘Brownshoes’
SamComments