Brownshoes

“Bakit kailangan pa naka Amerikana? Sa debut ka ba pupunta ha?”

Sa burol nga po, Itay. Ang burol namna kasi dito pormal pormalan pa. Ayan, napagastos pa tayo. Salamat nga pala sa bagong brown shoes, pantalong itim at polo. Kundi lang ito biglaan eh. Buti na lang may mga American Ukay sa tabi-tabi.

Hindi pumasok kanina ang mga bossy na boss. Namatay kasi yung tatay ng pinsan ni Bigboss. Ayun, kanina daw ang libing, at sa Miyerkules ang lamay. Yep. Libing muna bago lamay. Ganun daw sa tradisyon nila. Ewan Malalaman natin sa Miyerkules kung papaano ang lamay o after libing ceremonies ng mga Hudyo. Yes, Hudyo ang mga bosings ko. Hudyong kano na Iranian. Oha! Ako din confused eh.

Inaantok na dapat ako pero nagising yung diwa ko nung nagising bigla ngayon lang yung tatay ko na natutulog sa may paanan ng kama ko at sinabihan akong- “Yung ilaw!”

Oha. Sorry naman tatay ha?! May babasahin pa sana akong kwento sa libro kaso natutulog ka na nga pala at allergic sa ilaw hano? Sensiya na ha? Yana mo, sa susunod, pag may kwarto at bahay at buhay na akong sarili, di ka na masisilaw sa gabi.

Kanina, since wala ang mga boss, nag-edit lang kami ni Kuya Jay ng mga lumang larawan ng mga lola ng mga loa niya pati na din yung ubod ng lumang larawan ng tatay niya at ng kapatid nito noong mga bata pa sila. Panalo lang. Naaliw akos a mga lumang larawan. Sepia kung Sepia. May kakaibang relaxation talaga na naidudulot sa akin yung mga lumang bagay. Lumang mga kanta, lumang mga larawan, lumang mga gamit. Basta mga bagay-bagay na luma, at may sentimental value, nakakapagpa-relax sa akin.

No-air no -air sabi ng kanta sa tenga ko. Ayan. Inaantok na ako pramis. Pero madami pa akong dapat tapusin. Takte.Wooh! Buhay! Haha. Dapat magpakatatag! Hehe. May debut, este burol pa akong pupuntahan sa Miyerkules.

1 Responses to “Brownshoes”


  • Ok a. Libing muna bago lamay. Kung ganun, ano ang pinaglalamayan? A siguro ung picture ng yumao. Un ang madalas kong nakikita sa tv.

    Marami ring lumang pics ang nanay at tatay ko. Ung wedding album nila b&w dati, nasepia na sa kalumaan. You reminded me to revisit their pics. Bk me mapulot akong pwede kong pagkakitaan.

    Reply

Leave a Reply