Busog

Puno ang tiyan ko ngayon ng mga pagkaing hapon. Halo-halong suhi, sashimi, moshimoshi, wasabi, ramen, wonton, noodles, udon na chicken bowl, salad, at miso soup.

 

Alas dose y media ng tanghali sa lugar ko sa Amerika. Kakapasok ko pa lang sa trabaho. Oha, nakapagblog pa ako agad. Puno ng hangin ang utak ko, Kanina pa ako hikab ng hikab. Buti na lang di napapansin ni bosing na aliw na aliw sa panonood ng mga Tv shows in full-volume sa computer niya.

 

Galing kami ng Tatay at ng kapatid ko sa Embahada para magpa-renew ng pasaporte. Sa susunod na taon pa naman mae-expire ang pasaporte naming pero minabuti na naming magpa-renew habang maaga. Hindi, hindi ako magbibiyahe anuba. Wala pa akong pera.                      

Nagpa-renew kami para may madadala kaming malinis na pasaporte. Walang kung ano-anong attachments na maaaring makadulot pa ng aberya. At dahil magkakaroon na kami ng malinis na pasaporte, pwede na akong gumala sa bansang ito sakay ng eroplano at tren. Woohoo! Makaka-apply na din ako ng account sa bangko sa Pinas para sigurado ang ipon. Pwede kasing gawing valid identification ang pasaporte dito. Malinis na pasaporte ha? Yung walang mga expired na kung ano-anong nakakabit sa loob.

Salamat sa natural na appeal ni Itay sa mga tao at sa kadaldalan niya, napabilis at naproseso nang walang aberya ang aming mga pasaportes. Meron pala silang mga common friends ni ate na taga embahada. Mula sa APEC summit noon na ginanap sa Pinas hanggang sa buhay buhay sa Pinas at Tate napagkwentuhan na nila. Muntik pa ngang hindi tanggapin yung mga larawang binayaran namin ng bente isa dahil wala daw nakalitaw na tenga. At dahil close na ang tatay at si ate ng ilang minuto, pinayagan na niya yung mga larawan namin.

Nasabi ko na bang parang puno ng hangin ang ulo ko ngayon? Sabi na eh. Sana umuwi na lang talaga ako at hindi pumasok. Maya-maya lutang na naman ako. Haha. Ikaw na ang matulog ng alas dose tas magising ng alas singko. Bakit ba hindi na ata ako sanay magpuyat gaya noon?

 

Kanina sa Japanese restoran merong ateng kamukha ni Gianna Jun si Sassy Girl sa pelikulang Korean na My Sassy Girl. na ngiti ng ngiti sa akin sa tuwing mapapadaan at mapapatingin siya sa table naming. Ito namang kapatid kong babae abot abot ang pagbundol ng siko sa akin sabay hirit ng “Ikeee!”

Anak ng teteng! Ang kiyuut lang ni ate. Kaso Hi Hello Thankyou lang ang malinaw kong naintindihan sa mga sinabi niya sa akin.

 

Nagtext sa numero ko dito si Tita Liwayway sa Pilipinas. Pinapaalala yung pinapabili niyang keychains. Basta daw tatlong Minnie Mouse at iba pang mga Disney characters. “Please?” Sabi niya pa sa dulo. Napangiti ako pero mas nalungkot ako.

 

Yung Tita ko kasi na yun eh natali na lang sa pag-aalaga ng mga anak ng is ako pang Tita na kapatid nila ni Itay. Mula nang masibak siya sa pabrika ng sardinas noon dahil sa pagrarally nila para sa sapat na sweldo, din a siya kumuha ng trabaho at nagpasiya nang maging ikalawang nanay ng dalawang mga pinsan ko. Ngayon, wala pa din siyang sapat na sweldo. Paborito ko siyang Tita noon kasi palangiti siya at light lang ang aura niya. Huli ko siyang nakita, parang nadagdagan ng dalawampung taon ang tanda niya. Di na siya nakapaghanap ng maaasawa, di nakalabas, at din a nabigyan ng pagkakataon ang sarili para makapamuhay at makagala sa mundo.

 

 

2 Responses to “Busog”


Leave a Reply