God is good

Dito sa Amerika, kapag wala kang sasakyan at nagko-commute ka lang, mapapansin mong madami talagang mga epal- mga papansin, mga pakialamero at mga walang magawa sa buhay kundi manggulo ng kapwa pasahero.

Kaninang umaga nakasabay ko na naman sa bus yung aleng MexiKana na todo-todo kung magdasal.

Asa bus siya ha, nakapikit tapos parangsinapian ng madaldal na adik lang sa pagdadasal. Wag ka, naka noise-isolation earphones na ako pero dinig ko pa dinyung boses ni ate. Madamaing naiinis sa kanya. Halata naman sa mukha ng ibang mga pasahero. Pero tanging yung mag batang AfriKano, 2 lalakeng naka hiffhaff clothes at isang babaeng chubby na naka fit-fat clothes, ang naglakas loob na sigawan si ateng maingay. Ayun, olats sila. Walang paki si ate.

Nang may biglang sumakay na aleng MexiKana na may bitbit na sanggol tsaka isa pang maliit na anak, tumayo ako sa kinauupuan ko at sinenyasan siyang umupo doon. But nooo!!! Yung teen-agaer na hiffhaffer na AfriKano ang humalili sa dating trono ko. Nampucha. Tapos edi tumayo na lang ako sa bus katabi ng aleng may sanggol. Nagngitian na lang kami nung bata.

Yung mga AfriKano naman ako ang pinagtripan. “Chinese! Chinese! Bwahahaha! You sit over here! Chinese! Chinese!”

Anakngchekwa! Napagkamalan na naman akong Intsik. Walang masama, actually nakakatawa pa nga. Nakakainis lang yung pang-aagaw ng upuan nila sa aleng may sanggol.

Sa tren, yung sinasakyan ko bago mag-bus ulit papuntang trabaho, may epal na namang AfriKano. Malaki yung buhok niya. Malago. May dala siyang kape, at epal siya ginising niya ako ng kanyang malakas na “HELLOOO?!!! HELLOOOO???!!”

Hello?! Malaki yung daanan. Peste siya, papansin. Naghe-hello galore siya kasi yung aleng katabi ko sa bandang bintana, sa paloob, nung pandalawahang upuan (parang sa regular na bus, di gaya ng mrt sa pinas) eh tumayo na at akmang aalis na animo’y hindi makalabas. Nyemas. KE arte ni ate. Anlaki ng daanan, hello??!! Hello??!! Di naman ga-elepante ang hita ko. Sus!

Anyways, di ko na lang pinansin ang mokong. Sabi nga, angpikon, talo. Natulog ako ulit. Chura niya.

Nga pala, siy adin yung epal na humirit ng “bwahahahahaha” sa grupo ng mga matatandang Pinay na nagsabi ng “God is good!!!” “All the time!!!” kanina sa tren. Kupal.

Ilang oras na lang pupunta na kami sa lamay nung nanay ng boss ko. Yun yung lamay na walang bangkay. Excited na ako. May mga pagkain daw. Haha. Joke lang. Wala naman akong paki sa pagkain. Gusto ko lang makita yung tradisyon nila. Nga pala, paltos ang likod ng paa ko sa matigas na sapatos. Kumusta naman ang tigas niya pramis. ehem. Yung sapatos, ok?

0 Response to “God is good”


  • No Comments

Leave a Reply