Hindi ko na alam kung pang-ilang alaga na ni Itay si “Bading.” Yun ang tawag ni Tatay sa amo niya at sa alaga niya sa pinapasukan niyang carehome. Ni hindi ko nag nalaman yung totoong pangalan nun. Basta ang kwento niya palagi kapag uuwi siya saglit sa bahay para magpahiga, eh mga kwento sa bahay ni “Bakla.”
Apat na araw si Itay sa bahay ni “Bakla”. 24 na oras kada araw. Siya ang lahat. Lutuo, laba,linis at pag-aalaga sa boyfriend ni “Bakla.” 95 years old na siya na puting Kano.
Noong unang buwan ni Itay, ok naman daw kasi gustong gusto siya ni “Bakla” at ng boyfriend nitong may alzheimer’s.
Kung maari nga ay din a siya pauwiin nito kasi nga trip na trip siya. Tapos kapag uuwi pa siya papunta sa’min eh madalas pa siyang ipagmaneho ni “Bakla.” Wag ka, kaskasero daw sa kalsada si lolo.
Minsan nagalit daw kay Itay si “Bakla.” Paano, napakain niya ng cake yung alaga niya na boyfriend ni “Bakla.” Ayaw daw kasing sumunod nun kay “Bakla” at kay Itay lang madalas sumunod. Nang tanungin ko ang Itay kung ano ang ginawa niya, simple lang daw, sinabi niyang birthday niya. December 8 yun. Eh sa July pa talaga ang birthday niya. Sinabi niyang birthday niya para kainin ng alaga niya yung cake. Ayun, pinaghanda tuloy siya ng mga pagkain sa bahay ni “Bakla.” Binigyan siya ng pera at nag-sorry sa kanya. Mula noon, kabirthday na ng Itay si mama Mary.
Bagama’t madalas sila magtalo ni “Bakla” dahil feeling ko eh nagseselos sa tatay, ok naman daw siya doon. Ok siya hanggang sa umuwi siya kagabi dala ang lahat ng gamit.
Umalis na daw siya kay “Bakla.”
Di na daw niya kaya. Kamakailan ay pinagbintangan daw siyangkumukuha ng mag gamit sa bahay at inuuwi samin. Mga kutsara, tinidor, plato, ganun daw. Siyempre nagalusan ang ego ng Itay. Wala naman daw talaga siyang kinukuha. Di baling maghanap na lang siya ulit ng papasukan kesa pagbintangan siya na nagnanakaw siya.
Nagsimula daw lumala yung pagbibintang sa kanya ni “Bakla” nung minsang tanggihan siya ng Itay sa alok nitong Bj o jug. Hello naman sa jugjugan with a 95 year-old lolo. LOL
Ayun, pagkatapos daw ayusan ni Itay yung alaga niya, inayus na niya mga gamit niya, binalik ang susi kay “Bakla” at nagpaalam umalis.
I care about my job sir,
But I care about me.
Mas pinili ni Itay ang pride at sariling kapakanan. Marami pa nga naman siyang mapapasukan. Yun lang, hahanap na naman siya ng trabaho sa gitna ng krisis at pagtatanggalan ng mga trabahador dito sa Tate.

makakahanap din si tatay mo ng panibagong trabaho, dongt worry… ako ng anakahanap din agad eh konting tiyaga lang… mas mabuti na yung maghanap sya ulet at least hindi masasalaula ung pagkatao ni tatay mo.
grabe naman si “bakla”..tanda na e, libog pa din..tsk
waw naman yun..matanda na pero may attitude problem pa din..at kati kati pa..
ako nalang ang mag rereplace dun.wahahha..joke lang…cge lang..makakahanap din tatay mo ng magandang work..keysa mag tiis sa mga hayop na un.
langyang matanda yan.ang libido.ang libido.haha.ayun.