Noong bata ako, masaya ako kapag lunes dahil sa inaabangan kong palabas na Charmed sa Studio 23.
Ngayong mukhang bata na lang ako, masaya ako kapag lunes kasi pinapalabas yung isa sa mga paborito kong TV Series, yung Heroes sa NBC.
Late na naman ako kanina.
Ambagal ng bus at tren. Ano nga ba angbago doon. Siguro dapat umalis ako ng mas maaga.
Wala si Riki n akaraniwang in-charge sa bodega.
Ako ang nautusnag magbuhat buhat ng mga kahon kanina.
Mula sa bodega, iaakyat mo yung kahon papunta sa 2nd floor tapos bubuksan mo, tapos ihahanay mo, tapos ihahanger mo yung mga damit, tapos aayusin mo.
Naligo na naman ako ng pawis kanina. Buti na lang nanaig ang amoy ng pabango ko.
May matandang babaeng Intsik na kana ang humarang sa akin sa daan kaninang umaga. Nanghihiram siya ng cellphone. ako naman siyempre nagulat. Mukhang emergency. Toll free naman daw yung number. Nasa kanto si Lola. Muntik ko nang masabing wala akong cellphone kaso hawak ko pala ito habang nagtetext sa Tatay. Hindi ko pinahiram si Lola.
Sorry po, nagmamadali din ako.
Sa hintayan naman ng bus kaninang umaga merong babaeng halos kasing-tangkad ko na brown ang buhok tapos naka-shades tapos may hikaw sa ilong ang trip na trip akong banggain. Hindi naman yung bangga nang may galit. Yung tipong bangga ng nagpapapansin. Ganun lang.
Sa bust stop pa lang, anlaki laki ng espasyo, tumabi siya sa akin. Nung padating na yung bus, binangga ako ng pwet niya. Sabi niya “Sorry” sabay ngiti.
Nung nakatayo na kami sa loob ng bus, binangga niya ako ngsiko niya, kamay niya, braso, at katawan. Sa lahat ng pagkakataongyun, nagsorry siya at ngumiti.
Sabi ko na lang “It’s Ok” sabay ngiti. Sorry na ate. Inaantok ako. Wrong timing ka.
Nagbablog ako sa ibang room sa opisina/bodega habang ginagamit ng mga big-boss uyng computer ko.
Sana wala silang makitang anuman doon.

Same day next week, dun sa hintayan ng bus, kapag nanduon p ung babaeng may hikaw sa ilong, at sa muli’y nagpa-cute sya sa u, alam mo na ang gagawin…kaya dapat matulog k sa sunday ng maaga.
Tignan natin kung muling magkukrus ang landas namin. Sa pagkakataong iyon, ako na ang bubunggo sa kanya. haha
palagay ko di lang type ni sam yong chix na may hikaw sa ilong…. kasi naaalala nya na sa atin- sa bukid, kalabaw lang meron noon!
Hahahahahahahaha
Ang kulet!
Pero may point ka kabayan ha!
salamat sam at nabili mo ang jowk ko …
Benta eh! Hehe