Medyo matanda na ako sa Gregorian Calendar pero hindi pa din ako marunong maggupit ng tuwid. Mapa-papel, tela o anumang ipagupit sa akin ng tuwid, lagi akong pumapalya.
Ewan ko, wala yata akong sense ng diretsong linya. Kaya kung may gugupitin ako, nakaka-ilang ulit ako hanggang magmukhang mala-diretso na kahit alam ko namang hindi.
Halimbawa, may gugupitin akong papel. Yung tipong dapat nasa box kunwari yung text. Walang guhit, ikaw dapat ang magse-set ng box na gugupitin mo. Madalas, lumiliit ng lumiliit yung box hanggang sa masagad ko na yung gupit malapit sa mga letra para lang magmukhang tuwid.
Makagamit na nga ng ruler.
—–
Sadyang madaldal pa din si ateng daldalera sa PBB house.
More plastic more fun siya. Di bale, palais na din kami dito.
—–
Nanaginip yung kapatid ko. Meron daw babaeng nagiging demonyo kapag umiinom siya ng kape.
Eh yung babae mahilig daw sa kape, so mas nagiging demonyo siya.
Kinuha daw siya ng demonyo. Tinawanan ko lang daw siya.
—–
Nagising ako kaninang mga alas tres ng madaling araw, Linggo. Nanaginip ako na naghuhugas ako ng sangkatutak na hugasin. Mga plato, tupperwares, kaserola, ganun. Then sabi nung kuya na katabi ko na kamukha ng katrabaho kong taga-ayos ng pichurs noon, “Wag kang mag-alala, sa ganyan din ako nagsimula noon. Makakaalis ka din diyan.”
—–
Nagluluto ng ulam ang tatay sa baba habang palabas sa National Geographic yung paglamon ng araw sa solar system balang araw.
—–
Yung lilipatan naming apartment malayong-malayo dito sa PBB house na fully furnished. Doon, puro mga MexiKano ang mga kapitbahay. Maliit yung lugar. Wag sanang gaanong maingay. Di pa din kami makalipat kasi nililinis pa ng may-ari yung lugar. Sobrang dumi daw sabi ng tatay. DI na din pwedeng mag back-out kasi nakabayad na ang tatay sa downpayment.
—–

hahaha parehas tayo.. same problem sa mga gupitan, ang labas sa iba na lang ako nagpapagupit ng kung ano man kase nasasayangan ako sa mga gamit na palpak ang pagkakagupit ako.
nakakatakot ang panaginip mo, natakot na tuloy ako uminom ng kape.. hindi na ko iinom ng kape mula ngaun hahaha
sana maging okay na yung lilipatan nyo at nang makapamuhay kayo ng matiwasay unlike jan sa PBB haus nyo ngaun.. hehehe
un lang..
babushki
Haha. di naman lahat ng umiinom ng kape nadedemonyo. Kaya inom lng ng inom! hehe.
Sana nga mas ok kahit papaano. Salamats Yanah!
Sana matuto na din tayo umupit ng tuwid. Hehe