Published on
February 6, 2009 in
kabataan.
Kasabay ng paghulog ng blue ballpen sa sahig yung pagkahulog ng loob ko kay Verna. Unang araw pa lang nang makatabi ko siya sa klase, iba na yung dating niya sa akin. Yun bang tipong di ka na nakaka-concentrate sa mga sinasabi ng teacher at hindi ka na nakakakopya ng lecture notes sa board dahil mas naaaliw kang panoorin siyang magsulat.
Kaibigan niya noon si Ruby Ann, yung honor student na maliit na malakas ang boses, Si Gladys, yung matangkad na babaeng malaking bulas, at yung babaeng di ko na matandaan ang pangalan na mukhang maldita pero mabait din naman kahit papaano. Kinaibigan ko yung mga kaibigan niya.
Continue reading ‘Si Verna’
Hindi ko na alam kung pang-ilang alaga na ni Itay si “Bading.” Yun ang tawag ni Tatay sa amo niya at sa alaga niya sa pinapasukan niyang carehome. Ni hindi ko nag nalaman yung totoong pangalan nun. Basta ang kwento niya palagi kapag uuwi siya saglit sa bahay para magpahiga, eh mga kwento sa bahay ni “Bakla.”
Apat na araw si Itay sa bahay ni “Bakla”. 24 na oras kada araw. Siya ang lahat. Lutuo, laba,linis at pag-aalaga sa boyfriend ni “Bakla.” 95 years old na siya na puting Kano.
Noong unang buwan ni Itay, ok naman daw kasi gustong gusto siya ni “Bakla” at ng boyfriend nitong may alzheimer’s.
Continue reading ‘i care about my job sir’
Ilang mga higanteng mamang Kano din ang sumitsit sa akin. Woot! Pssst! Psst! Hey ypu! Hey! Hey!
Siyempre wala akong pinansin. Gago sila. Wala ba silang ibang magawa kundi sumitsit at mangharang kung minsan ng taong kaibsa sa itsura nila? Chura nila.
Iniba ng ruta yung daanan ng bus. May kilos protesta daw sa downtown. Parang pelikula lang. Gabi, madilim, may road blocks, maingay, may mga pulis, madaming mga taong pakalat-kalat, may sigawan, may dim lights, may usok-usok. Sa pagkakaalam ko, sa downtown shinoot yung habulan scene ng mga robots sa city sa unang transformers movie. Kung ganao kagulo yung parteng iyon ng pelikula, medyo ganun din kagulo yung paligid nung gabing pilit akong hinarang ng ilang mga AfriKano, MexiKano at mga puting Kano. Nagpagupit na nga ako eh. Anuba. Di na ako mukhang tomboy.
Continue reading ‘Psst’
SamComments