Pagkatapos ng ulan

Nagulat na lang ako nang kunin ng Tatay yung kaserola ng tinola sa pinakailalim na kabinet sa pantry sa kusina. Yun yung cabinet na pinaglalagyan ng mga patis, toyo, bawang, sibuyas, paminta, tinapay, mga de lata, plato, baso, kutsara at marami pang iba. Oo, alam kong may mga kaserola’t kaldero din doon, pero kaserolang may laman nang lutong ulam? Oh kamon!

Hello naman sa panaoia o kung anumang iniisip na naman ng Tatay. Baka daw may masabi na naman ang mga housemates, baka mna-issue na naman kami, baka mag-away na naman sila. Ang mature ha.

—-

Pinagluto ako ng masarap na agahan ng tatay. Parang pang gourmet resto na sinangag, hotdogs, bacon at eggs. Madalas siyang nasa bahay at naiinis kasi wala siyang trabaho ulit tapos yung lilipatan naming bahay eh napakabagal linisin yung bagong unit.

—-

Goodluck sa bago naming apartment na lilipatan. 850 USd. Walang mga gamit, di gaya nitong tinitirhan naming ngayon na kumpleto na.

Bagama’t nakabili kami noong nakaraang lingo sa may kalsada sale (Oo, madami nun dito) sa kabilang kanto ng cabinet, mga upuan, at gagamiting hapag kainan (na mukhang lamesa na ginagamit sa tabi ng swimming pool), eh wala pa din kaming ref, kalan, labahan, microwave at kung ano-ano pa. Dapat makapaghanap na ako ng mga sale sa tabi-tabi. Ugali ng mga kano na mag-iwan na lang ng mga ayaw na nilang gamit sa kalsada. Kahit na gumagana pa yung TV nila, o ayus p ayung kama, itatapon na lang nila yun kapag feeling nila eh sumisikip na ang bahay nila o nalulumaan na sila sa gamit nila.

—-

Madami akong name-miss. Miss as in nakakaligtaan, hindi naabutan, o miss as in nasasabik makita, makasama o makausap.

Miss ko na yung isa ko pang kapatid.

Miss ko na yung mga texts mula sa Pinas. Sorry mga kaibigan kong nagtetext pa din sa akin at hindi nakakakuha ng reply. Mag-iisang buwan nang patay angroaming sim ko.

Miss ko na yung Los BaƱos.

Miss ko na yung Cubao.

Miss ko nang makipagsiksikan sa MRT.

—-

Nakatulog ako ng mahimbing noong isang araw sa tren. Nagulat na lang ako nang pulis na yung gumigising sa akin. Sa last station kasi ako bumababa. Eh sa station nay un, nagpapababa ng lahat ng pashero tapos iniinspect ng mga pulis yung tren kung may bomba ba o mg adumi-dumi taska pa lang papapasukin yung ibang mga pasaherong sasakay.

Allergic ako sa pulis. Pero nanaig ang grace under pressure. Napakamot na lang ako sa ulo sabay sabi ng “Sorry” habang nakangiti. Sinagot naman ako ng”It’s ok” nung manong pulis.

—-

Oscars sa LInggo. Hmm. Pinag-iisipan ko kung dadayo ba ako sa Hollywood para magpanggap na paparazzi.

—-

Tapos na yung maulan na chapter ng panahon. Ngayon matindi ang sikat ng araw pero napaka-lamig pa din. Tipong 5 Deg C sa tanghali.

Mas malamig sa loob ng bodega/opisina. Kapag umiinit sa labas, lumalamig lalo. Brr.

4 Responses to “Pagkatapos ng ulan”


Leave a Reply