Pebbles

Kasabay ko siya noon tumingin ng mga babae. Pasikreto kaming nangungupal at nagmamasid ng mga feeling maganda, ng mga puting ita, ng mga baluga, ng mga mababahong hininga, ng mga maagang nagdalaga, ng mga seksi, ng mga maamong mukha at ng mga babaeng may taglay na magagandang boses. Medyo magkaiba kami ng type. Crush ko si Kriselda, crush niya si Vanessa. Payat yung crush ko, malaman yung crush niya. Naiiba man ng onti ang tipo naming sa babae, masaya ako na nakakasama at nakakausap ko siya tungkol sa mga crush crush noong grade 4.

Madalas sabay kaming maglakad pauwi. Halos isang kanto lang kasi ang layo ng bahay nila sa amin at pareho pa kami ng dinadaanan kaya madalas ko siyang kasabay, Sa ilalim ng init ng katanghalian, magkaakbay kaming naglalakad at nagkukulitan ni Pebbles. Kami yung nag-aakbayan na parang solid na magbarkada. Yung tipong parehas nakaakbay sa mga balikat naming yung mga braso namin.      

Nagsusuntukan kami ng braso, nakikipaghamon ng away, naghahampasan, at madalas maghabulan. Chura nitong si Pebbles, feeling naman niya lalaki din siya.

Minsan nga nung asa bahay siya nabanggit ng Tatay na mas lalaki pa daw kumilios sa akin si Pebbles. Sorry naman Tay ha? Si Pebbles kasi eh maangas maglakad, mahilig sa malalaking T-shirts, trip ang malalaking shorts, at marunong mag-basketball. Lahat ng kabaligtaran nun, ako.

Halos dalawang taon din kaming araw-araw magkasama ni Pebbles. Lagi ko siyang pinapapunta sa bahay pagkatapos ng klase o kaya kapag wala siyang magawa. Pinaghahanda ko siya ng toasted na tasty bread o kaya pinainit na monay na pinalamanan ng cheese whiz with pimiento o kaya ludy’s peanut butter. Pinagtitimpla ko siya ng orange juice tapos sabay kaming manonood ng TV o kaya aakyat sa rooftop (Yes, may rooftop yung condo-condohan ng mga sundalo na tinitirhan namin dati) para magkuwentuhan tungkol sa buhay-buhay.

Palagi kong tinatawagan yung local number nila 8977 ata yung numero nila noon, di ko na matandaan. Kinakabahan pa ako sa tuwing pipindutin ko yung mga numero para hanapin siya. “Ehem, hrrm. Uhm, Hi, Goodevening po, can I speak to Pebbles?” papoging bati ko. “Sino ‘to? Ano kailangan mo sa kapatid ko?” Shet. Yung kuya niyang si Bambam yung sumagot. “May gusto ka bas a kapatid ko ha?” Patay na. chismoso ang kuya. “Ha? Wwala naman po.” Pucha angtorpe ng batang ako. “Ah, kunwari ka pa. Wag mo ‘tong gagaguhin ah, lagot ka sa’kin. Peboooooooooollllls!!” Kung alam lang niya no, hindi ko kayang gaguhin yung kapatid niya.

Pagkaraan ng ilang minuto.

“Hoi!”

Si Pebbles na yung nasa kabilang linya.

Ganun siya sumagot ng phone. “Hoi!!!” Na may halong smile at hinga at lambing.

Tapos pag-uusapan na namin yung mga chismosang nagmamanicure sa katabing parlor sa may tirahan nila. Nakatira kasi sila sa parte ngkampo ng mga sundalo na puro mga tindahan. So may tindahan sila at maliit na restoran. Magtatagal kami sa telepono ng mga 30 minuto. Kapag pinalad at hindi ako inutusan ngtatay at hindi siya tinawag ng tatay niya, aabot kami ng isang oras na puro kwentuhan, kulitan at drama sa buhay ang pinag-uusapan.

Si Pebbles yung babaeng maganda kapag babae at pogi kapag lalaki. Kaya naman mapapababae, mapalalaki, eh nagkakagusto sa kanya noon. Hawig siya ni Maxine Magalona, anak ni Mister Francis, maikli nga lang ang buhok.

Sa tagal at feeling ko tatag ng pagsasama naming noon, napagtanto kong si Pebbles pala ang dahilan ng madalas na pagsikip ng dibdib ko, madalas na pagtibok na mabilis ng puso ko, madalas na pagpapawis ng kamay ko at madalas na pangungulit ng isip ko na siyang dahilan ng aking madalas na pagpupuyat. May nararamdaman na ako sa kanya.

Tandang tanda ko pa gaya ng petsa ng birthday niya, 9-17, yung gabing magkasama kami sa rooftop, kaming dalawa lang. Bukod sa aking nakangiting mukha, tanging mga ilaw lang ng mga bahay sa barrio at mga sasakyan sa EDSA at ng mga bagay sa kalawakan ang nagsisilbing tanglaw namin. Nasa ilalim kami ng spotlight ng buwan. Magkadikit, ibig kong sabihin, magkatabi kami na magkadikit ang bewang at siko.

Hinawakan ko noon yung kamay niya. Sinandal niya yung ulo niya sa ulo ko. Ambilis bilis ng tibok ng puso ko noon. Parang tinutulak ako noon ng hangin habang dahan-dahan kong pinipihit ko yung ulo ko para magkadikit ang mga pisngi namin.

Pabilis nang pabilis yung tibok ng puso ko. Nasilayan ko yung mahahaba niyang pilikmata sa liwanag ng buwan. Nakapikit siya. Nakangit. Akma konang idadampi ang mga kabi ko sa kanya nang biglang

“SAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAM!”

Sigaw ng tatay na matagal na pala akong hinahanap dahil kakain na kami ng hapunan. Nagulat ako pati na si Pebbles na noong una’y payapang nakahimlay ang mukha sa pisngi ko.

Binilhan ko ng dilaw na bestida at Tshirt na pambabae si Pebbles sa palengke. Sorry na pam-palengke pa lang ang budget ko noon. Pero wag ka, maganda yung bestida na nabili ko sa kanya.

Binalot ko pa yun ng makulay na wrapper. Ang plano ko, sa susunod na magka-moment kami sa rooftop, ibibigay ko yun sa kanya. Sana magustuhan niya.

Lumipas ang mga araw nang hindi pa nasusundan yung moment naming under the moonlight and stars. Di ko na siya madalas makasabay pauwi kasi sinusundo siya ng nanay niya na noon lang niya nakit apagkaraan ng ilang dantaon. Sa isang pagkakataon, naipakilala niya ako sa nanay niya. Naman! Angganda ng nanay. Mapapa wooot! ka sa ganda. Anyways, bihira ko andin siya makausap noon sa telepono. Sa pagkakatanda ko, yun yung panahong pinag-uusapan naming kung saan kami magha-highschool.

Sa all girls school sa San Juan daw siya gusting pag-aralin ng mga magulang niya. Ansikip sa dibdib. Nangingilid na yung luha ko noon. Mami-miss ko siya. Gusto ko pa din siya makasama pero dapat magpakatatag.  Pinlano kong mag-aral sa Don Bosco pero sa ibang paaralan ako pinag-aaral ng mga magulang ko. Sabi ko dun na lang din siya pumasok sa papasukan ko. May simbahan din dun, meron ding mga babae.

Pero malupit ang tadhana. Mahluhfeeet!

Naghiwalay kami ng landas.

Minsan ko na lang siya nakakausap sa telepono. Baka busy, baka may girlfriend na siya, baka nakalimutan na niya ako.

Lumipas ang highschool na naging sobrang busy na din ako. Nangibang bayan ako nung nagkolehiyo ako. Nawala ako sa sirkulasyon sa kampo ng mga sundalo. Wala na akong balita kay Pebbles.

Isanggabi, pauwi ako sa bahay galing sa unibersidad sa prubinsiya, may nakasabay akong pamilyar na anino sa kalsada ng kampo. Maikling buhok, naka malaking T-shirt, naka maluwag na pantaloon. Maangas maglakad, may boobs. Anakngtadhanangmakulitnamanoh! “Hoi!” Batik o sa kanya!

‘”hoi!!” mainit niyang bati, walang halong oa na galak ha. Simpleng hoi lang sabay ngiti. Mainit na yun para sakin. Si Pebbles nga. Di pa din nagbabago. Nakangiti lang ako buong panahong magkasabay kami s apaglalakad. Doonpa din siya nakatira sa may tindahan nila. Nagkumustahan kami saglit tapos naghiwalay ulit ng landas.

Di ko na siya natawagan. Iba na ata numero nila.

Nang muli akong umuwi sa Maynila mula prubinsya, laking gulat ko nang makita kong yung isang buong street ng mgat indahan eh puro mga bato na lang ang natira. Demolished. Tangina. Asan na si Pebbles? Napa shet na lang ako noon. Anlungkot tuloy bigla. Parangmay isang malaking butas sa lugar naming, parang may isang malaking butas sa puso ko.

Wala na akong contact kay Pebbles mula noon. Hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung tinangka niya kayang isuot yung binigay kong dilaw na bestida noong maulan na hapon ng 9-17.

8 Responses to “Pebbles”


Leave a Reply