Psst

Ilang mga higanteng mamang Kano din ang sumitsit sa akin. Woot! Pssst! Psst! Hey ypu! Hey! Hey!

Siyempre wala akong pinansin. Gago sila. Wala ba silang ibang magawa kundi sumitsit at mangharang kung minsan ng taong kaibsa sa itsura nila? Chura nila.

Iniba ng ruta yung daanan ng bus. May kilos protesta daw sa downtown. Parang pelikula lang. Gabi, madilim, may road blocks, maingay, may mga pulis, madaming mga taong pakalat-kalat, may sigawan, may dim lights, may usok-usok. Sa pagkakaalam ko, sa downtown shinoot yung habulan scene ng mga robots sa city sa unang transformers movie. Kung ganao kagulo yung parteng iyon ng pelikula, medyo ganun din kagulo yung paligid nung gabing pilit akong hinarang ng ilang mga AfriKano, MexiKano at mga puting Kano. Nagpagupit na nga ako eh. Anuba. Di na ako mukhang tomboy.

Well, di naman nila ako hinawakan. Wag ka, tanda ko pa ang Karate moves ko na natutunan ko noon sa PE class. Di ko sila uurungan. Noong gabing yun ko lang din naranasan yung sobrang siksikan ng mga tao sa subway. Biglang buhos lang. Parang naging arko ni Noah yung subway eh. Me tao, bike, mukhang hayop, hayop, at mga bagahe na naghalo sa loob. Kiskisan kung kiskisan. Naalala ko naman bigla ang MRT sa EDSA.

Ambilis na naman ng oras dito sa Amerika. Sa ibang bahagi kaya ng mundo ganun din? Mag-aalas tres na ng madaling araw at hindi pa din ako makatulog. Masarap kasi yung tulog ko noong nakaraang gabi. Kaya naman kahit maghapon akong nakatutok sa mga numero, nagbibilang, nagbabalanse at naggagawa ng kung ano-ano pang mga bagay na may kinalaman sa mga numerong nakakahilo, eh hindi pa din ako inaantok.

Mamaya sana matuloy kami sa panonood ng sine kasama ang Kanong boylet ng kapatid ko. Pinilit kong isama sila para maka-hitch ako papuntang sinehan. Gusto kong panoorin ang Serbis.

Shetnamalagkits. Linggo na pala. At pebrero na.

3 Responses to “Psst”


Leave a Reply