Halos dalawang oras din akong namangha, nanibago, inantok, at nainip sa synagogue na pinuntahan naming kagabi ng mga kasama ko sa trabaho. Wag ka, sushaling synagogue yun. Malaki yung lugar, parang museum, tapos nasa Beverly Hills pa, kaya naman oohh-so-susyal ng mga tao. Todo pormal ang mga suot kaya siyempre kami din nina kuya Jay at Riki ay naka pormal pormalan.
Di gaya sa misa/burol sa karamihan sa ating mga Pinoy, wala na yung bangkay kagabi. Nauna na sa ilalim ng lupa. Ilang araw na ang nakakaraan. Ganun silang mga Hudyo. Libing muna bago ang mga eulogies at testimonies at kung anupamang seremonyas.
Sa higanteng mala auditorium na puno ng upuan,.may humigit kumulang isanlibong mga tao ang nakikiramay sa patay. Hiwalay angmga lalake sa mga babae. Sa gitna, may entablado tapos may malaking naka-frame na larawan nung namatay na napapalibutan ng mga puting bulaklak. Katabi nung higantenglarawan eh yung podium kung saan nagsasalita yung mga nagbibigay malamang ng eulogies at mga testimonies nila sa namatay. Nakaka-high lang yung pakikinig sa kanila. Dahil na din siguro sa malamig sa lugar, tapos inaantok ako, tapos pagod, tapos di ko pa sila maintindihan, eh pakiramdam ko mahigit isang oras na nagsasalita yung bawat speaker. Para akong lumulutang habang nilalabanan ko yung pagpikit ng mga singkitin kong mata at yung pagyuko-taas ng ulo ko. Nakaka-high lang pakinggan yung parang kanta nilang pagbabasa ng binabasa nila sa stage tapos yung boses nilang di ko naman maintindihan angsinasabi pero nararamdaman ko naman yung dalamhati nila pero nakaka-high talaga yung mga stars of david na makikita mo sa paligiod, yung mga nakaitim na nakaupo, yung mga ulo na may puting bilog na nakapatong, basta nakaka-high lahat sa antok.
Pagkatapos ng isang speaker magsalita, magtatayuan ang madaming mga tao, tapos pipila sa likod tapos yayakap, kakamay at hahalik sa pamilya ng namatay. Oo, hahalik. Mapapa-lalake, mapa-babae, mahilig humalik. Yung mga lalaking malalaki doon halikan wid tsup! Na tunog sa cheeks. TRadisyon na ata nila yun. Kiss sabay hawak ng pisngi. Ganun sila ka-sweet.
Organized sila. Walang maingay na iyakan, walang mga batang magugulo, basta maayos masyado, nakakaantok. Namiss sko ang tipikal na burol, lamay at pa-misa sa patay ng mga Pinoy. May saklaan, kapihan, biskwitan, sugalan, hulaan, takutan at kung anu-ano pang mga gimik.
Pagkagaling sa synagogue, nanlibre si kuya Jay sa eat all you can buffet.

nung pasko, burol ang pinuntahan ko. burol ng ingkong ko. ayun, nagpasakla kami para may pampalibing kami sa kanya.
ung burol samen may inuman at vieoke.