Kaninang naghihintay ako ng bus pauwi sa bus station, may nakita akong manong na naka slacks na itim, naka leather shoes, naka long-sleeved polo shirt, naka coat, tapos naka bowler hat, yung sumbrerong karaniwang suot ng mga majikero.
Dahil madilim, hindi ko napansin ang lahi niya. Ayus naman siya nung una. Di ko maiwasang pagmasdan siya habang tumutugtog ang U2 sa tenga ko. Maya-maya, bigla niyang kinalkal yung tapat na basurahan. Akala ko may nahulog lang siyang kung anuman doon at tinangkang pulutin muli. Pero wag ka, nagkakalkal talaga siya ng basura. At ang kayamanang nakuha niya? Mineral water bottle! Yep. May isang mineral water bottle siyang napulot doon na tinapak-tapakan niya kung saan para siyang batang kasali sa paper dance. Pagkapisat nung bote, binuksan niya yung bag niya at inayos yung iba pang mga pisat na bote ng mineral water, juice at soda sa loob.
Nainspire naman ako kay kuya. Sa panahon ng krisis, lahat nga naman pwedeng gawing pera. Para-paraan nga lang muna.

baka environmentalist si kuya.
Siguro nga.
sa panahon ngayon dapat talagang maging creative pano magsurvive.
helo kabayan! nakikidaan lang po.
Hellow yummybite!
Salamat sa yummy mong komento! Hehe!
kakatuwa na mejo kakalungkot naman etong kwento mo.
pero kakaintriga yung bowler hat ha. para saan kaya yun?
Baka nga majikero siya. Haha.
May pagkakataon na inalis niya bigla yung bowler hat tapos hinagis niya sa taas sabay sinalo, sabay nag-bow siyang mag-isa sa kadiliman.
naka2tuwa naman ang kwentomg ito,.. nakakainspire pa siya!!!