Masakit ang mga maskels ko nitong weekend. Marahil sa stress at sa madalas kong pakikipagkrerahan sa oras. Ako yung tipo ng nilalang na nasasayangan kapag may mga bagay na lumipas at hindi ko nagawa sa itinakta kong panahon. Nasasayangan ako sa tulog bagama’t alam kong kailangan ito ng katawan. Nasasayangan ako kasi parang andaming nasasayang na oras, Madami ka na sanang mga bagay na nagawa sa panahong itinulog mo diba? Ewan ko ba kung bakit pa ako nakikipagkarera ng madalas sa oras eh alam ko namang di siya hihinto kahit na sabihin kong taympers. Continue reading ‘1 2 3′
Yung chismoso naming kapitbahay na dating radio announcer daw sa Pinas na ngayon ay nagsesekyu sa kung saang kumpanya ay umatake na naman kahapon.
Bigla na lang daw siyang pumasok sa bahay nung binuksan ng tatay yung pintuan para makalabas yung usok mula sa kusina. May kalan na nga pala kami! Yay! Anyways, binuksan ng tatay yung mga bintana at pinto para hindi na tumunog yung smoke alarm na OA lang sa lakas yung tunog. So ayun nga, pagbukas na pagbukas daw ng pinto, pumasok agad itong si manong neighbor at hirit daw kay Itay, “Oh, may TV ka? Buti may nakukuha kang palabas. Mawawala na din yan next month, Digital HD na eh.” Oo na lang daw yung tatay ko.
Continue reading ’ss my a-s-s’
Namimiss kong mag-videoke sa Pansol, Laguna o kung saan mang videokehan na may malaking machine tas TV na kundi mga orchids at foreigners na matatanda ang pinapakita eh mga babaeng naka-bikini sa beach ang palabas. Gusto kong mag-videoke at kantahin yung Everything ng Lifehouse, How can i fall ng Breathe, Alone ng Heart, Creep ng Radiohead, Huling El Bimbo ng Eraserheads, at Till they take my heart away ni Claire marlowe (tama ba?).
Nakakamiss lang yung ganung moments na wala kang pakialam sa ingay ng mga kasama mo. Sa mga pagkakataong bumibirit ako sa videoke, walang husgado, walang tono-tono, walang sharp shrap o flats, ako ang audience ko, ako at ang kaluluwa ko. Nakakamiss lang yung panandaliang kalayaang naidudulot sa akin ng pagvi-videoke kasama ng mga kaibigan. Kanya kanyang trip, ika nga. Basta ngayon, lunes ng madaling araw dito, me pasok na naman mamaya, soobrnag nami-miss ko ngayon mag videoke.
Nga pala, may bago akong email address, kung gusto niyo akong padalhan ng email: iam(at)samjuan(dot)com ayan. Hehe. Happy week ang sumaatin mga kabayan!
Txt ni Tatay:
Anak, ano na nga yung unleash? Yung alaga ko kasi unleash ng unleash eh. Ano ba yun?
Reply ni Samjuan:
Ano’ng meron? Unleash ay pakawalan, palayain,
Txt ni Tatay:
Ahh. Kala ko kung ano. Eh hindi nmn 2 nkgapos. hax3. Sigaw ng Sigaw.
Reply ni Samjuan:
Baka baliw.
Txt ni Tatay:
Ako ang mababaliw dito eh
Continue reading ‘tatay juan, unleashed’
Araw ni St. Patrick sa Aremika. May mga sale sa mga tindahan (pero araw-araw naman may sale dahil sa recession). 9:49 ng umaga sa may bus stop sa downtown. Nilapitan ako nung babaeng mas matangkad ng onti sa akin, kulay brown ang buhok, mala J-Lo ang katawan, at may mukha ng pinaghalong Rosario Dawson, Angelina Jolie, at J-lo.
“Hi! You’re late?”
“Excuse me?”
Continue reading ’some juan’
“I will be a GREAT musician!” sigaw nung naggigitarang mukhang punkista sa tren.
Nung walang pumansin sa kanya, sumigaw siya ulit, at sa pagkakataong ito, mas malakas.
“I will be a GREAT musician!”
Continue reading ‘Isang hapon noong nakaraang linggo sa tren’
Natapos ko ang pagtutupi ng damit na nilabhan kahapon, paglilinis ng banyo at pagtatapon ng basura bago dumating si itay kaninang umaga mula sa kanyang tatlong araw na pagke-caregiver sa may malayong bundok.
Buena mano namang agahan sa akin ang pagtawag ni kuya Jay na ka-opisina ko tungkol sa pag-uusap daw nila ni big boss. May mga bagong patakaran daw sa opisina, May mga dapat daw akong malaman, at madami daw silang napansin sa akin. Continue reading ‘tres’

Sa gitna ng mabundok at mabatong lugar may patag na lupa, mga kasing lawak ng isang kwartong pang-sampuan, na napapalibutan ng mga bakal na bakod (yung parang mga pa-diamond ang hugis ng mga butas na dikit-dikit) ang pinagkukumpulan ng madaming mga tao. Kasama ako at ang pamilya ko sa kumpol ng mga tao sa loob. Madaming mga pagkain, sigurado ako doon, bagama’t madilim dahil tanging liwanag lang ng bilog na buwan ang ilaw na dumadampi sa kadiliman, kita ko pa din ang mga nakahaing pagkain. Parang may pista. Sa kalagitnaan ng kaguluhan bigla akong kinabahan. Nawawala ang aso ko. Alam ko sa sarili ko na kailangan ko siyang hanapin kundi ay di matatahimik ang kalooban ko.
Nang buksan ko ang lock ng bakal na bakod, biglang napahinto yung mundo ng mgatao sa loob. Nang humakbang ako palabas, narinig ko ang sabay-sabay nilang paghinga ng malalim. Para silang choir na nagsasabing kasalanan ang ginawa ko. Bumaba ako sa mabatong lugar. Kinapa ko yung magkabilang bulsa ko, meron akong dalawang 45 na baril. Sa mga sandaling iyon parang nakatigil lang ang gabi. Tahimik na pinagmamasdan ako habang pinagmamasdan ko ang paligid. Maging ang hangin ay parang takot bumulong kung nakita ba niya yung aso na hinahanap ko hindi. Ilang minuto din akong nakatayo nang tuwid sa batuhan habang nagmamasid sa paligid. Ilang minuto din akong nakiramdam sa maingat na paghinga ng lupa, sa pagkaway ng mga munting damo sa batuhan, at sa pagkurap ng mga bituwin sa itaas. Ilang saglit pa, may paggalaw na bumulabog ng sagradong katahimikan ng gabi. Base sa kabog na naramdaman ko sa dibdib ko, sigurado akong yun yung aso ko na hinahanap ko. Dagli akong bumaba sa may batuhan para sundan siya. Mabilis, mailap yung asong hinahabol ko.
Continue reading ‘The American Dream’
Ako man nagtataka kung bakit sa dinami-dami ng mga tao dito sa Tate eh mas natatakot ako sa mga kababayan natin. Ewan ko. Sadya kasing karamihan sa mga Pinoy dito eh kundi usyusero’t usyusera na kakalkalin ang buhay sa unang pagkikita pa lamang, eh mga suplado’t suplada na kulang na lang eh itangging Pinoy din sila kahit na alam mong Pilipino naman talaga sila.
Continue reading ‘Pinoy is u?’
Noong bata ako, kabilin-bilinan ni Mamang na huwag titignan ang sariling jebs kapag nagbabawas ka at naglalabas ng sama ng loob sa kubeta dahil yun daw ang sanhi ng pagkalimot. Hindi ko alam kung saan napulot ng lola ko yung kaalaman niya na yun tungkol sa jebs. Malay ko sa scientific basis nito. Ang alam ko lang, walang kaaya-aya sa pagmamasid ng sariling dumi na nakalutang sa kubeta. Pero sadyang may mga pagkakataong mapapatingin ka sa sarili mong dumi. Sadyang may mga bagay tayong nalilimutan, mga alaalang dumudulas sa isipan sa kabila ng masusi nating pagpapaalala sa ating mga sarili.
Continue reading ‘tae-na’
Kahapon, (madaling araw na kasi ngayon dito at nagising ako kaya naisipian kong mag-blog) noong bumili ako nga laruan sa bookstore, inalok ako nung kahera na magdonate ng libro para sa mga bata sa charitable institution daw. 3 USD lang naman daw. Sabi ko sige. Kumuha si ate ng libro sa tabi niya tas inscan tas binalik yung libro sa tabi. Sana i-donate nga nila sa charity yun.
Dito sa Tate, kapag malakiii ang gutom mo, aba eh maghanap ka na ng pinakamalapit na buffet na kainan.Kadalasan mga Intsik ang nagpapatakbo nito. Basta siguraduhin mong gutom na gutom ka ha. As in eat all you can talaga. Sa halagang mga 12 USD isang tao, naman, kung tulad niyo kami na tumambay sa buffet mula 12:30 hanggang 2:30 ng tanghali, aba eh sulit na sulit ang 12 USD mo. Di na nga ako naghapunan kagabi eh. Dapat lang marunong kang tumeknik sa buffet para sulit talaga. Una, wag kang kukuha ng madaming kanin para matikman mo lahat. Tas kapag busog ka na, eh magbawas ka sa pinakamalapit na inidoro tapos maghugas ng kamay then fight ulit!
Umurong na naman ng isang oras pasulong ang oras dito. So imbes na alas kwatro ng madaling araw eh alas singko na ang nakalagay sa mga relo. Lintek na Daylight Savings Time yan. Pauso. Di naman nakakatulong talaga. Churanila.
Taos pusong pakikiramay po sa mga kapamilya at kaibigan ng yumaong Francis Magalona.
Muli, nagluksa ang karamihan sa mga mamamayan na naging bahagi at nakibahagi sa sining ng yumaong artista.
Marami ang nalungkot dahil muli, pinaalala na naman ng kamatayan na andiyan lang siya, sa tabi mo, sa tabi ko, na kahit anong oras eh pwede ka na niyang sunduin.
Nawa’y ang pagkawalang ito ng kababayan nating artista ay di lang makapagpalungkot sa atin, bagkus, lalo pang makapagpaalala sa atin kung gaano natin dapat iparamdam at ipakita ang ating pagmamahal sa mga taong mahalaga sa atin.
Sa mga ganitong pagkakataon, mas lalo sana nating bigyang halaga ang buhay at mga bagay at taong nagbigay saysay para isabuhay natin ito. Pagpalain kayo ng kalawakan kabayan!
Isa din ba yang mga lyrics na yan sa parte ng soundtrack nung kabataan mo?
“Boy, girl, bakla, tomboy, butiki, baboy”
Kumusta naman, may pagle-label nang nagaganap sa mga kabataan noon. Di kataka-takang masyado nang madaming mga labels ang lipunan ngayon. Di din kataka-takang parang pagbili na lang ng kendi yung pagbabato ng panghuhusga ng mga tao sa isa’t-isa. Sa ngayon di na kataka-taka ang mga tao at batang judgmental.
Pero noong unang panahon, para sa akin, kataka-takang mabansagan akong boy, girl, bakla, tomboy. Yes, lahat yun. Sige, bonus na din ang butiki, baboy. Oo, lahat ng labels na yan naikabit sa pagkatao ko sa nagdaang mga taon. Heto ang mga kwento ko:
Continue reading ‘boy girl bakla tomboy’

[SinglePic not found]
I-click ang link sa ilalim ng larawan para sa mga karagdagang detalye.
Sali na nga kabayang OFWS. Pwede daw sumali kahit saang panig ka man ng daigdig. Kailangan mo lang daw ipakita sa black and white na larawan kung ano sa palagay mo ang mangyayari kapag hindi ka nakapag-ipon o hindi mo napaghandaan ang iyong pag-uwi sa Pilipinas.
Ako pa ay hindi binayaran ng may pakana ng pakontes. Nagkataon lang na ako si Samjuan pero wala pa ako sa panbagong square Juan. Hehe. Goodluck sa mga sasali!
Ngayon pa lang ako nakahiga ng matiwasay sa kama at nakagamit ng laptop.
Kakauwi lang namin magkapatid galing sa starbucks sa kanto para maki-charge ng cellphone at para maki-internet. Bumili ako ng kape at starbucks card para maka-internet. Yung kapatid ko lang ang may dalang laptop at gumawa ng assignment.
Pag-uwi ko kasi kanina diretso na kami sa labas para kumain. Wala kaming kalan, walang ref, walang microwave, walang kuryente. Continue reading ‘Alas onse onse ng gabi’
Kung batang kalye ka din noon o kung may mga nakasalamuha kang mga batangkalye na gaya ko noon, marahil kilala mo yung di napangalanang asawa ni Marie.
Siya yung taong araw-gabi walang panty. Oo, sa kanta ko yun
1-2-3 Asawa ni Marie
Araw-gabi
Walang panty
Basta alam ko ganun yung chant, tapos di ko na matandaan ang ginagawa.
Nitong huli ko na lang napagtanto na parang may mali sa kinakanta namin noon ng mga kalaro at mga kababata ko.
Eh bakit nga ba kailangan pang sabihin sa kanta na walang panty yung asawa ni Marie? Nagpapanty nga ba ang asawa niya? Hindi kaya babae ang asawa niya pero madalas walang panty kaya siya yung tinitira ng kanta? Naku sexist ito. Hmm.
Maaga akong nagising na magaspang ang mga kamay at paa, makati ang mga hita, puno ng mga pulang marka sa katawan, tadtad ng maliliit at mabababaw na sugat kung saan-saan, masakit ang likod, at bugbog ang maskels. Nakalipat na kami ng apartment. Wala na kami sa PBB (Puro Backstabbing Bitches) house. Halos kalahating araw din kaming nag-ayos,nag-empake, naglipat, nagbuhat at nag-ayos ng mga gamit. Ngayon, madami pang aayusin pero pumepetiks muna ako saglit.
Agad na bumati sa aming mag-anak yung masangsang na amoy ng pintura tsaka yung mga mini American ipis na mabagal na palakad-lakad sa mga cabinets. malayong-malayo itong bagong nilipatan namin kumpara sa PBB house. Una, mukhang bahay sa subdivision yung PBB house. Maganda, tahimik ang kapaligiran, feleing mo secured ka, malinis sa labas at kumpleto na sa gamit sa loob. Walang ipis. Continue reading ‘Goodmorning Aremika!’
SamComments