1 2 3

Masakit ang mga maskels ko nitong weekend. Marahil sa stress at sa madalas kong pakikipagkrerahan sa oras. Ako yung tipo ng nilalang na nasasayangan kapag may mga bagay na lumipas at hindi ko nagawa sa itinakta kong panahon. Nasasayangan ako sa tulog bagama’t alam kong kailangan ito ng katawan. Nasasayangan ako kasi parang andaming nasasayang na oras, Madami ka na sanang mga bagay na nagawa sa panahong itinulog mo diba? Ewan ko ba kung bakit pa ako nakikipagkarera ng madalas sa oras eh alam ko namang di siya hihinto kahit na sabihin kong taympers. Mukhang di din siya napapagod, di kailangang magpahinga, patuloy lang siyang aandar, iikot, iikot, uurong, raratsada at makikipagkarera sa iyo kapag binalak mong makipagkarera sa kanya. Bakit nga ba maraming nakikipagkarera sa oras? Well, feeling ko, at marahil feeling din ng iba na mahilig makipagkarera sa oras na apag naisahan mo ang oras at naunahan sa karerang ito sa buhay, eh para kang nanalo ng ultimate jackpot. Anong meron? Hindi ko alam kung ano exactly, pero baka ang grand prize kapag naunahan mo ang oras sa karera eh ang katuparan sa mga pangarap mo. Malay. Basta ako, ayoko lang nang may nasasayang na oras. Andami ko kasing gustong gawin at ma-accomplish sa maikling buhay na ito sa earth (disclaimer di ako galing sa ibang planeta oki?) kaya ako palaging hinihingal sa pakikipagkarerahan sa oras eh.

Wooh.

Nitong mga nakaraang araw halos nawalan ako ng panahong makapag-internet.

Di ko masyadong maisahan si bosing. Baka sabihin na naman niya wala akong ginagawa kundi mag-internet dito. Wala naman na talagang gagawin sa ngayon. Matumal ang mga orders, walang mga shipments, medyo mabagal ang negosyo ng kumpanya.

Wala pa ding trabaho ang tatay. Pasaway pa din kapatid ko. May sakit daw siya ngayon at nagpapasundo sa clinic.

Magbabloghop na ako pramis.

Ingat kayo jan kung nasan man kayo kabayan.

16 Responses to “1 2 3”


Leave a Reply