Isa din ba yang mga lyrics na yan sa parte ng soundtrack nung kabataan mo?
“Boy, girl, bakla, tomboy, butiki, baboy”
Kumusta naman, may pagle-label nang nagaganap sa mga kabataan noon. Di kataka-takang masyado nang madaming mga labels ang lipunan ngayon. Di din kataka-takang parang pagbili na lang ng kendi yung pagbabato ng panghuhusga ng mga tao sa isa’t-isa. Sa ngayon di na kataka-taka ang mga tao at batang judgmental.
Pero noong unang panahon, para sa akin, kataka-takang mabansagan akong boy, girl, bakla, tomboy. Yes, lahat yun. Sige, bonus na din ang butiki, baboy. Oo, lahat ng labels na yan naikabit sa pagkatao ko sa nagdaang mga taon. Heto ang mga kwento ko:
Boy:
Una sa lahat, nais kong magpasalamat ng tagus-tagusan mula sa kaibuturan ng aking puso sa mga hindi nagkamaling tawagin akong “boy.” Salamat. =D (Ayan, isang nakangiting smiley para sa inyong lahat. Wag bastus, smiley yan.) Nitong huli na lang bihirang magkamali ang mga tao sa akin. May goatee na kasi ako, madalas magpaikli ng buhok tsaka natutunan ko nang palalimin yung boses ko. Malaki na din ang ipinagbago ng lakad ko mula noong elementary. Mas maangas na daw akong maglakad. Noon ngang kolehiyo, madalas sabihin ng mga kaibigan ko noong highschool na bawas-bawasan ko ang pag-aangas ko sa paglakad kapag mag-isa lang akong gumagala sa Cubao. Di naman daw kalakihan ang katawan ko, kaya mahirap na kung may maangasan sa akin, baka mabugbog pa ako. Sa araw na ‘to, boy pa naman as in boy totoy ang tingin sa akin ng mga Kano dito.
Girl:
Ehem, eto ang medyo madugong part. Sa tanang buhay ko, bilibit or nuts, madaming beses na akong napagkamalan, nasabihan at inakalang babae. As in tunay na biological female ah. Heto ang ilan sa mga stand-out na mga pagkakataon na hanggang ngayon eh sariwa pa din sa memorya ko-
-Minsan noong maliit pa akong bata, madalas akong isama ni Mamang (lola ko sa Tatay ko) sa may PLDT sa bayan para tumawag ng long distance pa-Maynila. Yes, uso pa ang telephone booth noon sa mga walang landline sa prubinsiya. Wala pa ding cellphones noon. Anyways, nakaupo ako sa bangketa na pahaba habang hinihintay ko si Mamang noon nang lapitan ako nung babaeng may-ari ng tindahan. Kahit di ko siya masyadong makita noon dahil sadyang malabo na ang mga mata ko nungbata ako, eh alam kong tinititigan niya ako at nakangiti siya sa akin. Lumapit siya sa akin sabay hirit ng “Ang ganda-ganda naman ng batang ito!” tapos hinimas niya mukha ko tapos tinapik ako sa balikat. Aba’t may pahabol pang “Angganda mo. Ang puti-puti!” nagulat ako noon. Seryoso. Tatayuan ko sana siya (tatayo ako at ipagtatanggol ang maliit kong sarili) pero mabilis siyang umalis at hinarap ang bagong dating niyang customer.
-Sa Lecture hall sa isang klase ko noon sa kolehiyo, Eh din agro-roll call itong si propesora. Palibhasa kilala lang niya kami sa mga larawang nilagay namin sa pinasa naming index cards, eh di ka na dapat magtaka kung malagyan ka ng label nang hindi sinasadya. Halos natawag na niya ang lahat sa klase nang biglang “Ms Juan? Ms Juan? Is Ms Juan present?” Errrrrr may kaapelyido ba ako sa klaseng ito? Walang ibang nagtataas ng kamay. Walang kumikilos, walang umanagkin sa apelyido. Gusto kong tanungin on the spot kung ako nga ba si Ms Juan na tinutukoy niya pero natalo ako ng hiya. Di ako nagtaas ng kamay. Pagkatapos ng klase, nilapitan ko ang propesora at sinabing di niya natawag ang pangalan ko sa attendance. “Ano apelyido mo?” Uhm, Juan po. “Teka, Sam Juan?” Uhm, opo. “Aynaku, akala ko naman babae ka!” Sabay tawa ng propesora habang nakaturo ang daliri sa larawan kong may mahabang buhok sa index card.
-Mga grade 6 ako nito, sa Jollibee sa may Ali Mall sa Cubao. Naka bull-cap ako, mukhang bagong gising. Bungad ng kahera sa akin: “Hi Mam, Goodmorning! What can I do for you today?”
Pilit kong pinalalim ang namimiyok kong boses noon sabay sabing “CHEESEBURGER MISS!! CHEESEBURGER”
-Sa Megamall, Unang taon ko sa kolehiyo. Naisipan kong makipagkita sa mga highschool friends. Manonood dapat kami ng sine. Pero nagugol ang oras sa panonood ng mga taong dumadaan. Oa lang ang paghihintay noon. Dahil nagkagutuman na, naisipan kong bilhan ang mga kaibigan ko ng pagkain sa pinakamalapit na hotdogan sa may sinehan. Bumili ako ng tatlong hotdogs. Nung babayaran ko na, humirit si ateng kahera, “Miss, do you want to add cups of iced tea to your meal?” Ano daw?! Tanda ko naman eh nagsalita ako nung bumili ako ng hotdogs. Chura netong babaeng to. Judgmental. Mahaba lang ang buhok ko noon eh. Bagong straight. Nampucha. Anyways, di ako sumagot for a while. Inulit ni ate yung sinabi niya “Miss, Iced tea?” Sabay ngiti siya. Binaba ko yung hotdogs sabay tumitig sa mga mata niya, inihanda ang vocal chords, at sinabi sa pinakamababaaaang boses na kaya ko ang “NO THANKS!” sabay tapik ng mga kamao sa dibdib. Imagine yung mga maskulados na tumatapik ng dibdib para magmukhang tigasin, ganun ginawa ko. Natulala si Ate saglit. Di ko na siya pinagsalita. Umalis na ako.
-Sa telepono. Mga grade4-6. Sa kampo ng mga sundalo, Lungsod Quezon. Kapag may tumatawag sa bahay, ako ang receptionist. “Hi, goodmorning sino po sila?” ang palagiang bati ko noon. Oks naman eh, pero nung magsimulang dumami yung mga sumasagot nang “Ah! Ikaw pala yung anak na babae ni Seargeant Juan…” “Ikaw na ba yung dalaga ni Master Juan?” “Goodmorning Ms beautiful, Anjan ba daddy mo?” Nakngtinapanamanoh! Ako na ang dalaga ni Itay!
-Highschool. Kasagsagan ng three-way at party-line sa telepono. Since natuklasan ng mga maloloko kong barkada na kaya kong magboses babae noon, napagtripan nilang gaguhin ang mga feeligerong pogi at crush ng bayan sa classroom. Siyempre, ako ang kunwaring babae sa telepono. Sobrangimpromptu ng mga pranks na ginagawa naming noon. MInsan mahahalata mong shunga yung felingero mong classmate kapag ipnatulan ka niya at bumigay siya sa’yo.
Sample na usapan #1:
Samjuan: Hi. Is this *toot*?
Feelingerong classmate1: Yeah, I’m *toot* Who’s this?
Samjuan: Uhm, I’m Julie. You know, like Jolina. Julie Mondragon.
Feelingerong classmate1: Oh, ok. So how did you get my number?
Samjuan: I heard you’re one of the crush ng bayans in your school. Do you know paper roses?
Feelingerong classmate1: (Natatawa, halatang nagpapa-cute) uhm, What?
Samjuan: (Kinanta ang paper roses ni Jolina, medyo natatawa, bahagyang pumiyok) …oh how real those roses seem to me. It’s for you., paper roses. (natatawa na. Narrinig na ang tawa sa mga ka-party lines) You’re so pogi so I give you paper roses.
Feelingerong classmate1: Taga san ka ba? Saang school?
Samjuan (Natatawa na. SUmisigaw ang lola sa background ng Saaam! Saaam!): Oh, sorry, my grandma is calling me. I hafta go and pick up some roses from our garden. Bye! (binaba ang telepono. Nakipagtawanan sa mga kaklase sa kabiilang linya)
Kinabukasan:
Feelingerong classmate1 sa mga kaklase: Naku grabe, may tumawag saking babae kahapon. Julie daw ang name eh. Tapos kinantahan ako ng paper roses. Maganda naman boses niya. Mukhang maganda siya
ULOL. Haha.
Sample na usapan #2:
Sa partyline. Yung mga ungas kong classmates angnag-dial ng number. Malibog daw tong si classmate. Tangina, Kausapin ko daw using my babaeng boses.
Feelingerong classmate2: Hi are you big? Coz I am big!
Samjuan: (lokong to) Oh really? How big are you?
Feelingerong classmate2: I am as big as a tree. What do you say about that? (pramis inglisero siya kaya masarap kupalin)
Samjuan: Haha (pa-demure a tawa) but I am a cave- big enough to house a few trees.
Feelingerong classmate2: I am the biggest tree in this forest, bigger than your cave.
Samjuan: But I am the forest!
Feelingerong classmate2: Forest huh, whale ako! Malaking whale!
Samjuan: What if I tell you that I am the ocean?! I am bigger than you think. (Natatawa na yung mga ka-partyline. Maririnig mo na yung mga pigil nilang paghinga at pagtawa sa kabilang linya)
Feelingerong classmate2: (competitive pa din) I am the earth!
Samjuan: I am the solar system!
Kinabukasan sa classroom.
Feelingerong classmate2: Grabe, ambastos nung nakausap ko kagabi. Wahaha. Malaki daw siya eh. Sabi ko puno ako, gubat daw siya. Sabi ko kasing laki ng whale ang junjun ko, yung kanya daw ocean. Whew.
Hanggang ngayon, clueless siya na ako yun. Tangina. Haha.
-Kolehiyo, Unang araw ng klase. Nakaupo ako sa harap. Nakayuko. Nakatakip sa mukha ko yung balik ayos kong bagsak na buhok. Imagine f4, yun na, mamili ka na lang ng iimaginin mo. Anyways, habang nakatulala ako sa desk ng armchair, biglang humirit ang lalaking profs sa klase.
Prof: Miss in white, can you give me an example of blahblahblah…
Walang sumasagot sa klase. Lumingon lingon ako sa paligid. Nakatakip pa din ang buhok sa may mukha. Bali kayos pa din ito.
Prof: Miss in white? Do you hera me Miss in white at front?
Shet. Nalintikan na. papalapit siya sa akin. Tinignan ko yung mga katabi ko sa front row. Ako lang ang nakaputi. Tumingala ako at hinarap siya habang nanawagan ako sa pinakamalalim na boses na kaya kong ibuga noong araw na iyon.
Samjuan: Ano yun SIR?!
Bakla:
Dahil malambot daw akong kumilos noong bata ako, bakla daw ako. Di ko pa naman noon alam kung ano ang bakla. Ang alam ko lang, negatibo yung mabansagan noon ng bakla kasi may pagkamuhi at pandidiri sa pananalita at itsura ng mga kamag-anak at mga kalaro ko na nagsasabi noon sa akin. Na para bang dahil sa bakla daw ako, eh parang may nakakahawa akong sakit. Pasintabi sa mga kabayang nabansagan ng lipunan bilang mga bakla o bading, wala akong galit sa inyo ha? Mahal ko kayo. Lalo na yung mag umamin at t anggap na sa sarili kung ano sila.
Dahil mahilig sa libro, at paborito kong tambayan noon ay national bookstore, bakla daw ako.
Dahil hindi ako sporty, at di gaanong marunong mag-basketball, bading daw ako.
Dahil marunong ako sa mga gawaing bahay (naglilinis, naglalaba, nagluluto ako) eh bakla daw ako.
Dahil masyado daw akong magalang sa mga matatanda at mga tao, bakla daw ako.
Dahil hindi ako basagulero sa paaralan at honor student ako noon, bakla daw ako.
Dahil masunurin ako noon, bakla daw ako.
Dahil mahilig ako magkulay at magdrowing, bakla daw ako.
Dahil pala-simba ako noon, bakla daw ako.
Dahil takot daw ako sa aso, bakla ako.
Dahil mukha daw akong babae, bakla daw ako. (Sorry na sabi ng anime-ish kong mga mata at ng mala-jolie kong mga labi at ng mga pa-star kong cheekbones)
Dahil masyado akong malinis tignan at palaging mabango, bakla daw ako.
Dahil madaldal daw ako, pinatawag ako nung isang teacher namin noong highschool. Pinipilit niyangumamin akong bakla ako. EH? Anudaw? Wala naman akong aaminin. Nampucha siya., as inpinipilit niya ako. Ipapadala daw niya ako sa guidance counselor. Mapilit siya. Ilang beses niya akong pinapaamin. Wala siyangnahita sa akin. Bakla daw ako kasi madaldal ako sa klase. Sorry na sir ha, class president kasi ako noon kaya madalas mo akong nakikitang nagsasalita. Anyways, bago ako gumradweyt sa Catholic School na yun, nag-out ang teacher. Siya pala ang may aaminin sa mundo. Chura niya.
At dahil diyan, natural na lang na lumagom ang boses ko. At nadevelop ko yung pagkilos ko nang hindi ko namamalayan. Pero mula highschool, hindi na naman ako nabahala ng mga bansag sa akin bilang bakla. Tinatawanan ko na lang sila.
Tomboy:
Tenen! Eto talaga di mo aasahan. Panalo lang. Tomboy daw ako , o diba?! Haha.
Kung kelan ako nagpaikli ng buhok para magmukhangmas lalaki, tsaka naman ako nababansagang tomboy.
-Grade 4 or 5 ako. Sa SM Cubao. Naglalakad akong payapa nang biglang may grupo ng mga babae akong nakasalubong. Di ko sila masyadong pinansin. Nang makalampas ako ng ilang hakbang palayo sa kanila, biglang may humirit nang malakas ng “Ay Shet! Sayang! Tibo!” Sabay naglingunan yung mag babae. Ako naman napahinto sabay lumingon sa direksiyon nila. Nakita ko sila nakatingin sa akin. Lumingon lingon ako sa paligid para maghanap ng tibo. Wala. Ako lang ang tao doon. Dahan-dahan akong nag walk-out, kunwari wala akong narinig. Nagtawanan yung grupo ngmga babae. Yung tawang parang may langgam sa kanilang mga shorts, ganun.
-Kolehiyo, sa kantina sa dormitoryo. Habang nakapila ako at naghihintay ng tray ng pagkain ko, humirit si ateng serbidora. “O para sa’yo ganda. Kay gandang bata naman nito.” Nung magsalita ako, “Juskopo.” (pabulong) “Tibo ka ba?” Nampucha.
-Sa jeep, sa tren, sa bus at kung saan-saan pang pampublikong lugar. DI mawawala yung mapapatitig sa pwesto ko sabay hihirit ng “Pare, tibo pala!” “Lalaki ba yan o babae?” “Sayang o, maganda siya.” “Sabi sa’yo tibo eh” “Ah, lalaki pala. Ay teka, hindi. Babae.”
Butiki:
Nung panahong pumayat ako ng bahagya noong highschool (Di naman ako tingtingin na bata) tinawag na akong butiki ng mga kalaro ko maging ng mga kapamilya ko.
Baboy:
Sa maniwala ka at sa hindi, 36 ang waist line ko noon (28 na ngayon) at bilugan ako. Mapa-pisngi hanggang maskels sa hita. So , yeah, di malayong matawag akong baboy noon.
Hala kumusta naman ang mundo diba? Haha.
Matagal-tagal din akong nag-isip tungkol sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa’kin hanggang sa matutunan kong magpakatotoo sa kung ano ako. Pakialam ko sa mga bansag at labels ng lipunan. Ang mahalaga, nagpakatotoo ka sa sarili mo at wala kang inaagrabyadong tao on the process. Isa pa, hindi naman tayo pinanganak para lang sumunod sa mga kagustuhan at mga bansag ng mga tao at lipunan sa atin. Malamang mas marami pang mga ibabansag ang mapanghusgang lipunan sa atin. Di lang naman nahahati sa boy, girl, bakla, tomboy, butiki, baboy ang lahat. Noong kolehiyo nga may nakilala ako asexual daw siya. Mala-halaman ba. Oha san ka pa?! Kanya-kanya lang yan.
Kung gusto mo mabuhay ng mas matiwasay kahit papaano, eh tigilan mo na ang pag-iisip at pagiging conscious sa mga itinatawag o tinatatak na label sa’yo ng mga tao at ng lipunan. Basta gawin mo kung ano ang gusto mo at magpakatotoo ka, yun na!
Mabuhay ka kabayan!

O-M-G
so narealize mo na butiki ka pala talaga?
hahaha!
joke joke joke samjuan!
Weh?!
kamusta ka? 28 bewang mo? hahahahah
) magpataba kang kaunti ha. medyo ano parang ka-bewang mo ung mga babae dito sa pilipinas na kino-consider na kahit paano sexy pa. hahahah
)
minsan mo na ito na share sa akin… alala ko lang nung nabasa ko ulit. heheheh
)
at kamon samjuan, sabi sa thesis non, kaya bata pa lang may konsepto na ng discrimination at pagkakagulo sa utak ang mga bata dahil sa kantang iyan… tsk. hahaha
So ano ako, seksing butiki? haha.
Sino ba kasi ang hudas na nagpauso ng kantang yan?
wheew! what a funny and interesting story to start my day.
hi sam!
Hi kabayan!
hahahaha once again, nabuhay na naman ng kwento mo ang araw ko. mag-isa akong tumatawa dito na parang sira ulo.
hmmmmm ngayon, im pretty much sure a good looking si sam juan.. hehehehe if only he’d let me take a peek…hehehehe
ingats-ingats jan kabayan!
may kuryente na ba kayo?
Relative naman daw ang good looks kabayan. Hehe.
Sa peekture kos a banner, I peek. haha.
Awa ng maykapal, may kuryente na din. hehe.
Ingats jan!
parang similar tayo… napagkamalan na rin akong boy nung ilang girlash na nagkagusto sa akin… napagkamalan na rin akong gurl, as in tinawag pa akong mam ng isang gasoline boy, may goatee pa ako nun… naranasan ko na ring makaranig ng “pare tomboy o!” habang dumaraan ako… at syempre veklah, kalimitan sa mga batang kalye na pag nakita kong wala ang nanay, tinatadyakan ko weheheh tomboy nga yata ako
never naman akong natawag ng butiki dahil lahi kami ng kargador… may friend na tumawag sa aking baboy noon, hindi ko na siya friend ngayon bwahahah
Haha. panalo lang ang pagtatadyak sa mga judgmental na batang kalye.
Baka nga tomboy ka kabayan. Haha.
panalo yang kuwento mo…
ako naman hanggang ngayon nga e napagkakamalang totoy
lagi na lang totoy imagine mo my age is 38 tinatawag akong totoy or boy noon dyan sa pinas, dito naman sa Aremika e lagi akong hinihingan ng id pagbibili ng beer tapos tititigan ako at sasabihin “you dont look like your age” oha panalo diba!? kaya nga madalas hindi ako nag-aahit para naman mas maging angkop ang edad ko sa looks ko.
Astig!
Yun nga lang, kapag palaging nangyayari, nakakainis na din na palagi kang mapagkamalang bata o totoy. Hehe.
Ngayon bihira na din ako mag-ahit para kahit papaano eh magmukha akong matangkad. Haha
kaaliw!
Mabuti naman naaliw ka kabayang Richard
Dati nung nilalaro namin yan (girl, boy, bakla, tomboy!), laging natatapat sa akin ung bakla. Kaya un.
Owenong masama kung totoo. Basta ang alam ko mabait ako sa pamilya ko. Tsaka hindi ako nagkulang ng padalang remittance. Tsaka hindi ako nagpapaloko sa lalaki. Er, hindi madalas.
Hehe, basta walang naagrabyadong tao, walang masama kabayan.
Basta wag lang din magpaloko padalas. =)
Ang kulet. Nilalaro namin dati yan… dati nga hanggang tomboy lang yan… tapos nag-evolve kamusta naman yun…
)
)
Sana nung bata ako natuto na ako magsinungaling para nung grade 2 ako, para napupunta sa girl ang kanta
Napagkakamalan din akong lalaki, lalo na pagpapara ako sa jeep
Talaga? Hanggang tomboy lang siya noon? Haha. Galing!
HAHA sino kaya yung prof na yun! LOLz
haha ewan kung andun pa siya sa kolehiyo
katawa amn nyan///
hahahah apir!
ang lupet neto… relate!
hahahaha apir!