Kahapon, (madaling araw na kasi ngayon dito at nagising ako kaya naisipian kong mag-blog) noong bumili ako nga laruan sa bookstore, inalok ako nung kahera na magdonate ng libro para sa mga bata sa charitable institution daw. 3 USD lang naman daw. Sabi ko sige. Kumuha si ate ng libro sa tabi niya tas inscan tas binalik yung libro sa tabi. Sana i-donate nga nila sa charity yun.
Dito sa Tate, kapag malakiii ang gutom mo, aba eh maghanap ka na ng pinakamalapit na buffet na kainan.Kadalasan mga Intsik ang nagpapatakbo nito. Basta siguraduhin mong gutom na gutom ka ha. As in eat all you can talaga. Sa halagang mga 12 USD isang tao, naman, kung tulad niyo kami na tumambay sa buffet mula 12:30 hanggang 2:30 ng tanghali, aba eh sulit na sulit ang 12 USD mo. Di na nga ako naghapunan kagabi eh. Dapat lang marunong kang tumeknik sa buffet para sulit talaga. Una, wag kang kukuha ng madaming kanin para matikman mo lahat. Tas kapag busog ka na, eh magbawas ka sa pinakamalapit na inidoro tapos maghugas ng kamay then fight ulit!
Umurong na naman ng isang oras pasulong ang oras dito. So imbes na alas kwatro ng madaling araw eh alas singko na ang nakalagay sa mga relo. Lintek na Daylight Savings Time yan. Pauso. Di naman nakakatulong talaga. Churanila.

ok..so nagulumihanan ako sa post mo.. short but scattered..hehehe
mas okay naman yan. kesa naman saken long, scattered and most of the time senseless hahaha..
so, kumusta naman si jollibee jan? nagkita at nagkausap na ba kayo?
ayos…2 hours tambay sa buffet… ang saya! ang sarap! ang buosg! ang solve! hahaha
Oo. Solb na solb sa buffet! Suuuul-eat! ahaha.
Ayun, masarap si Jollibee, pero di kasing sarap ng Jollibee sa Pinas. May hinahanap-hanap pa din yung panlasang Pinoy ko pagdating sa Jollibee eh.
Haha. Sensya na antok pa ako nung ginawa ko ‘tong post na ito. Hehe.
hmmm…okey na diskarte yan ah. masubok nga minsan kapag taggutom na rin dito. hehehe.
lintek talagang DST yan. dahil sa taragis na pag-adjust adjust ng oras ekek jan sa amerika, apektado rin ang iskedyul ko sa pagpapakaputa rito. ngayon…instead na alas tres ng madaling araw ang pasok ko, pinaaga pa ng isang oras. dahil sa lecheng daylight savings time. tsk tsk tsk…
Badtrip yung DST no?
Ayan late tuloy ako kanina
Sa mahal nga nya, dapat sulitin talaga.
Pero alam mo ba na sa napapadakuan kong eat-all-you-can d2 sa saudi, mura pa rin ang $12 mo. Dito yata minimum na SAR60 (or $16) ang EAYC. isang budget meal is SAR12 ($3.20): 2 ulam, 1 kanin, 1 mineral water.
Un lang naman kasi ang pwede mong pagkaabalahan d2 sa saudi: kumain. Wala naman kasing sinehan dito o discohouses kaya. Kahit nga public libraries, wala. Lalo na ang DST. Wala nun d2. Buti n lang, otherwise, lagi akong male-late.
Onga, magandangpast time ang kumain. Basta marunong ka ng dagdag-bawas technique, ayus na ayus. Hehe
so ang midnight na sa inyo eh 6pm na dito sa amin, tama? or 5pm? parang dati kasi pag kausap kita 3pm sa office kailangan ko na sabihin sayong goodnight hahah. kamote. sana okay kayo dyan
Midnight dito eh alas tres diyan.
Sana oks din kayo jan kabayan
“Tas kapag busog ka na, eh magbawas ka sa pinakamalapit na inidoro tapos maghugas ng kamay then fight ulit.”
wahaha! magandang teknik yan a!
Oo, para sulit an sulit ang 12 USD mo. Hehe
I am working in a US medical insurance company and the DST affected my working schedule as well even if I’m not really in the US. If before I work from 6am-3pm our time, now it changed to 5am-2pm. But I still love my work because I was given all the time study while on work, check my e-mails and blog. hehe. No pressure at all. hehe.
Anyways, God bless you there buddy! Laging susulitin lahat ng ginagastos. Especially the 12USD for buffet meal. LoL!
(with correct link)
I am working in a US medical insurance company and the DST affected my working schedule as well even if I’m not really in the US. If before I work from 6am-3pm our time, now it changed to 5am-2pm. But I still love my work because I was given all the time study while on work, check my e-mails and blog. hehe. No pressure at all. hehe.
Anyways, God bless you there buddy! Laging susulitin lahat ng ginagastos. Especially the 12USD for buffet meal. LoL!
Hehe. Andaming naapektuhan ng DST no?
God bless din sa’yo jan kabayan! Salamat sa pagdaan sa aking blog! =)
Natry ko nang kumain sa isang buffet na kainan dati sa New Jersey, pero mga bumbay ang nagpapatakbo nito. Masarap naman ang putahe nila.
Hindi ko rin maintindihan ang DST na yan.
May shawarma? =)