“I will be a GREAT musician!” sigaw nung naggigitarang mukhang punkista sa tren.
Nung walang pumansin sa kanya, sumigaw siya ulit, at sa pagkakataong ito, mas malakas.
“I will be a GREAT musician!”
“What? Yeah right.” Hirit nung boses ng kano na di ko malaman kung saang parte ng tren nanggaling.
Maikling panahon ng tawanan ang sumunod.
Panalo langtong si kuyang gitarista. Noon, kulay ube ang buhok niya, ngayon, kulay damo na tas naka Mohawk pa siya. Naka sleeveless leather vest siya na itim. Tulad ng ginagawa niya noon pa, lumuhod siya sa parte ngtren na walang tao, tinu-tune-up an gitara at tutugtuog ng imbento niyang tugtog (na sa palagay ko ay kaya ko din gawin kahit di ako marunong maggitara). Pagkatapos niyang hila-hilahin yung mga pisi ng gitara, nilabas niya yung bull cap niya tapos manghihingi na siya ng pera. Noon ang press rlease niya struggling artist daw siya. Ngayon, magiging GREAt musician na siya. Malay natin diba? Kahit na mukhang napaka-random ng tinutugtog niya, malay ba natin kung pinagpuyatan niya yun magdamag.
Kahit papano, mas opk na din yung si kuya kesa sa mga ibang Kano na basta ka na lang lalapitan at hihingan ng pera ng walang kawawaan.

0 Response to “Isang hapon noong nakaraang linggo sa tren”