Monthly Archive for March, 2009

Page 2 of 2

Yay

May Jollibee na sa New York!

DST WTF?

Kahapon, (madaling araw na kasi ngayon dito at nagising ako kaya naisipian kong mag-blog) noong bumili ako nga laruan sa bookstore, inalok ako nung kahera na magdonate ng libro para sa mga bata sa charitable institution daw. 3 USD lang naman daw. Sabi ko sige. Kumuha si ate ng libro sa tabi niya tas inscan tas binalik yung libro sa tabi. Sana i-donate nga nila sa charity yun.

Dito sa Tate, kapag malakiii ang gutom mo, aba eh maghanap ka na ng pinakamalapit na buffet na kainan.Kadalasan mga Intsik ang nagpapatakbo nito. Basta siguraduhin mong gutom na gutom ka ha. As in eat all you can talaga. Sa halagang mga 12 USD isang tao, naman, kung tulad niyo kami na tumambay sa buffet mula 12:30 hanggang 2:30 ng tanghali, aba eh sulit na sulit ang 12 USD mo. Di na nga ako naghapunan kagabi eh. Dapat lang marunong kang tumeknik sa buffet para sulit talaga. Una, wag kang kukuha ng madaming kanin para matikman mo lahat. Tas kapag busog ka na, eh magbawas ka sa pinakamalapit na inidoro tapos maghugas ng kamay then fight ulit!

Umurong na naman ng isang oras pasulong ang oras dito. So imbes na alas kwatro ng madaling araw eh alas singko na ang nakalagay sa mga relo. Lintek na Daylight Savings Time yan. Pauso. Di naman nakakatulong talaga. Churanila.

buhay sa bawat kamatayan

Taos pusong pakikiramay po sa mga kapamilya at kaibigan ng yumaong Francis Magalona.

Muli, nagluksa ang karamihan sa mga mamamayan na naging bahagi at nakibahagi sa sining ng yumaong artista.

Marami ang nalungkot dahil muli, pinaalala na naman ng kamatayan na andiyan lang siya, sa tabi mo, sa tabi ko, na kahit anong oras eh pwede ka na niyang sunduin.

Nawa’y ang pagkawalang ito ng kababayan nating artista ay di lang makapagpalungkot sa atin, bagkus, lalo pang makapagpaalala sa atin kung gaano natin dapat iparamdam at ipakita ang ating pagmamahal sa mga taong mahalaga sa atin.

Sa mga ganitong pagkakataon, mas lalo sana nating bigyang halaga ang buhay  at mga bagay at taong nagbigay saysay para isabuhay natin ito. Pagpalain kayo ng kalawakan kabayan!

 

 

boy girl bakla tomboy

 

 

Isa din ba yang mga lyrics na yan sa parte ng soundtrack nung kabataan mo?

 

“Boy, girl, bakla, tomboy, butiki, baboy”

 

Kumusta naman, may pagle-label nang nagaganap sa mga kabataan noon. Di kataka-takang masyado nang madaming mga labels ang lipunan ngayon. Di din kataka-takang parang pagbili na lang ng kendi yung pagbabato ng panghuhusga ng mga tao sa isa’t-isa. Sa ngayon di na kataka-taka ang mga tao at batang judgmental.

Pero noong unang panahon, para sa akin, kataka-takang mabansagan akong boy, girl, bakla, tomboy. Yes, lahat yun. Sige, bonus na din ang butiki, baboy. Oo, lahat ng labels na yan naikabit sa pagkatao ko sa nagdaang mga taon. Heto ang mga kwento ko:

Continue reading ‘boy girl bakla tomboy’

You're back to square Juan photocontest

[singlepic=2,320,240,,none]

I-click ang link sa ilalim ng larawan para sa mga karagdagang detalye.

Sali na nga kabayang OFWS. Pwede daw sumali kahit saang panig ka man ng daigdig. Kailangan mo lang daw ipakita sa black and white na larawan kung ano sa palagay mo ang mangyayari kapag hindi ka nakapag-ipon o hindi mo napaghandaan ang iyong pag-uwi sa Pilipinas.

Ako pa ay hindi binayaran ng may pakana ng pakontes. Nagkataon lang na ako si Samjuan pero wala pa ako sa panbagong square Juan. Hehe. Goodluck sa mga sasali!

Alas onse onse ng gabi

Ngayon pa lang ako nakahiga ng matiwasay sa kama at nakagamit ng laptop.

Kakauwi lang namin magkapatid galing sa starbucks sa kanto para maki-charge ng cellphone at para maki-internet. Bumili ako ng kape at starbucks card para maka-internet. Yung kapatid ko lang ang may dalang laptop at gumawa ng assignment.

Pag-uwi ko kasi kanina diretso na kami sa labas para kumain. Wala kaming kalan, walang ref, walang microwave, walang kuryente. Continue reading ‘Alas onse onse ng gabi’

Ang asawa ni Marie

Kung batang kalye ka din noon o kung may mga nakasalamuha kang mga batangkalye na gaya ko noon, marahil kilala mo yung di napangalanang asawa ni Marie.

Siya yung taong araw-gabi walang panty. Oo, sa kanta ko yun

1-2-3 Asawa ni Marie

Araw-gabi

Walang panty

Basta alam ko ganun yung chant, tapos di ko na matandaan ang ginagawa.

Nitong huli ko na lang napagtanto na parang may mali sa kinakanta namin noon ng mga kalaro at mga kababata ko.

Eh bakit nga ba kailangan pang sabihin sa kanta na walang panty yung asawa ni Marie? Nagpapanty nga ba ang asawa niya? Hindi kaya babae ang asawa niya pero madalas walang panty kaya siya yung tinitira ng kanta? Naku sexist ito. Hmm.

Goodmorning Aremika!

Maaga akong nagising na magaspang ang mga kamay at paa, makati ang mga hita, puno ng mga pulang marka sa katawan, tadtad ng maliliit at mabababaw na sugat kung saan-saan, masakit ang likod, at bugbog ang maskels. Nakalipat na kami ng apartment. Wala na kami sa PBB (Puro Backstabbing Bitches) house. Halos kalahating araw din kaming nag-ayos,nag-empake, naglipat, nagbuhat at nag-ayos ng mga gamit. Ngayon, madami pang aayusin pero pumepetiks muna ako saglit.

Agad na bumati sa aming mag-anak yung masangsang na amoy ng pintura tsaka yung mga mini American ipis na mabagal na palakad-lakad sa mga cabinets. malayong-malayo itong bagong nilipatan namin kumpara sa PBB house. Una, mukhang bahay sa subdivision yung PBB house. Maganda, tahimik ang kapaligiran, feleing mo secured ka, malinis sa labas at kumpleto na sa gamit sa loob. Walang ipis.   Continue reading ‘Goodmorning Aremika!’