Ako man nagtataka kung bakit sa dinami-dami ng mga tao dito sa Tate eh mas natatakot ako sa mga kababayan natin. Ewan ko. Sadya kasing karamihan sa mga Pinoy dito eh kundi usyusero’t usyusera na kakalkalin ang buhay sa unang pagkikita pa lamang, eh mga suplado’t suplada na kulang na lang eh itangging Pinoy din sila kahit na alam mong Pilipino naman talaga sila.
Di gaya ng Tatay, di ko hobby ang makipag-usap nang basta-basta sa kapwa Pinoy dito sa Tate. Una, natatakot ako kasi baka usisain nila yung buhay ko. Ilang mga Pinoy na din kasi yung nakasalamuha ko na lahat na lang sa akin iniintriga. Tipong “Gaano ka na katagal dito?” “May papel kayo?” “Sino kasama mo?” “San ka nagtatrabaho?”
Nakakairita din kasi yung ganun lalo na kung di mo naman sila trip kausap. Dito sa lugar ko sa Tate, naglipana ang mga Pinoy. Maglakad ka langngilang block wag kang magtaka kung may marinig kang nagpi-Pilipino o kaya naman nagbibisaya, nag-Iilocano o kaya nagi-english pero alam mong Pinoy naman.
Yung mga nakakasabay ko nga sa bus at tren, halos kilala ko na sa mukha at boses. Ayoko lang talaga silang kausapin.
Nandiyan si ateng matanda na na may kulay angbuhok. Minsan brunette siya, minsan medyo red-hair, minsan dark blonde, na madalas akong ngitian pero madalas ko siyang tulugan. Nang minsang palabas ako sa tren, may humila nung mga paper bags na dala ko. Eh ambigat nun, napaatras naman ako. Bawal mainis sabi ko sa sarili ko. Then pagtingin ko sa likod, tenen!! si ateng colored ang buhok pala.
Nandiyan yung barkadahan ng mga kuyang Pinoy na lagi kong nakakasabay sa subway. Yung isa sa kanila, mabilog ang figure na may bag na maliit. Palagi siyang naka-hoody. Yung isa naman yung payat na matangkad na maputing Pinoy na kulay light kalawang ang buhok. Nakakasabay ko siya madalas noon hanggang sa malapit sa PBB house. Kapitbahay ko lang pala siya. Yung isa naman yung may shoulder length na buhok na palaging naka leather jacket. Madaldal siya at palatawa.
Nandiyan din yung mga matatandang palagi kong nakiita at nakakasbay sa bus. Madami sila, madaming Pinoy dito. Sa una nakakatuwa, pero di nagtagal, natakot ako. Oy, di naman ako judgmental. Madami na din kasing mga patunay at kwentong OFWs dito na nagsasabing ang mga Pinoy, di gaya ng ibang mga lahi na nagtutulungan talaga, ang siya ding hihila sa kapwa niya Pinoy pababa.
Mas namamayagpag sa karamihan sa mga PInoy dito yung pagmamayabang at inggit. Madami ditto, kapag nakausap mo, hihiritan ka ng mga yaman nila, ng mga achievements nila, ng mga kung ano-ano pag pwede nilang iyabang. Kapag nagsalita ka naman at nayabangan sila sa’yo, mag-ingat ka na kapag pakiramdam mo nadapuan na sila ng sakit na inggit. Parang jebs yung inggit. Ayaw mo naman talaga pero di mo mapigilan. Ilalabas at ilalabas mo yun. At para malabas ang inggit, dapat mawala yung kinaiinggitan ng isang tao sa ibang tao. So, hangga’t may magagawa ang taong aniiinggit sa’yo para bumaba ang estado mo sa buhay, gagawin niya yun, makataas lang siya sa’yo. Ganun ang siste.
Mamaya madami na naman akong makakasabay na mga Pinoy pauwi. Di ko alam kung may magiging bago akong kaibigan ngayon. Who knows diba? Haha. Babalitaan naman kita wag kang mag-alala.

nalungkot ako sa post na to… parang sinasabi kasi na pagmangingibang bansa ako, wag ako magtiwala sa kapwa pinoy at baka sila pa humila sakin pababa…
nakakalungkot kasi baka yan ang maging general na perception sa atin… kasi for sure meron namang hindi ganun… oh well…
Di ko naman nilalahat kabayan. Pero karamihan sa mga Pinoy sa ibang bansa, may general attitude na magyabang at manghila ngkapwa pababa.
Nasa sa’yo na dinyun kung paano ka makikisama sa kanila.
=)
totoo yang sam!? wag ka ng magtaka sa mga Filipino dito. Hanggang ngaun kasi e dala-dala ng bawat isa ung utak talangka pero hindi naman lahat! Ingat na lang at mamili ng kaibigang pinoy.
May tama ka jan kabayan. Nasa pagpili din talaga ng makakasalamuhang mga tao nakasalalay angikaayos ng pamumuhay mo sa ibang bansa.
nakakalungkot na katotohanan. minsang naligaw ako sa lupain ng Canada, iyan din ang ipinayo sa akin ng isang kapuwa Pilipino: “ibang lahi na lang ang samahan mo para mas tahimik ang pamamalagi mo rito.”
Nakakalungkot no?
Basta ang tip eh, wag masyado magtiwala.
ako rin nung bagong dating sa nihon. ganyan ang sinabi sa akin ni ina. hehehe…layuan ang kapwa pinoy kse maraming naninira. tapos madalas ang banat, “may visa ka?” legal nmn ako dito, pero mas magandang pag-usapan kung saan ka sa pinas, nakakamis ang pinas. madalas kse mga pribadong tanong na wala talaga sa lugar. asus! ethics lng nmn! sana nga kabayan makahanap k n ng friendship dyan. hehehe…
Salamats kabayan.
Naku na-hit mo. Mga kung ano-anongirelevant na mga tanong ang agad na bati sa’o eh. Nakakatanga lang minsan. Hehe.
Ingats jan! Salamat sa pagbisita.
=)
ganun? d b tlg mawawala ang crab mentality ng mga pilipino?
eh pano ka nga aangat niyan, kung gnyan mga ksama mo?
sbagay ganyan din nmn dito s pinas, snayan lang. parang ganito lang yan, training ground mo ang pinas taz pag nsa ibang bansa ka na, sanay ka na.
hai… parang natakot n ko mg abroad, yan nga iniiwasan ko eh, mga tsismosa at taklesa, balahura, pakialamera,taz may gnun din pala dyan, at noypi pa. hai… sa mars kaya may pinoy din? =)
anyway, samjuan, i’m ur avid fan hehehe… keep on blogging, na iinspire ako sa mga blogs mo. God bless…
(Nag-blush at napangiti) Salamats sa pagbabasa at pagbisita dito kabayan.
Wag ka matakot mag-abroad. Kung andun ang kapalaran mo eh, why not diba?
Basta dapat tamang timpla lang angpakikisama mo sa mga makakasalamuha mo nang di ka nila kainggitan. Madalas kasi, yung inggit sa kapwa ang bumubuhay sa utak talangka ng mga Pinoy.
Ingat jan!
kung minsan, hindi mo alam kung maniniwala ka ba sa mga binabalitang mababait daw ang mga pinoy sa ibang bansa, na kesyo magdadamay-damayan daw pag nagangailangan. na sila raw ang malalapitan pag gipit na gipit ka na etcetera etcetera.
lalo na ung mga pelikulang pang-ofw gaya ng dubai at milan. puro naman kasi mabuti lang pinapakita nila. eh pano naman ung mga malimit mangyari sa teleserye ng totoong buhay tulad ng nararanasan mo di ba? at tulad din ng nararanasan ng libu-libong iba pa. heck, ni gobyerno’t embassy nga, di mo maaasahang matutulungan ka. pwera na lang kung na-TV Patrol na sila o kaya na-XXX. saka lang kikilos pag nakamera na. mga papogiang hinayupak. leche!
at bigla naman daw akong na-off topic. ahehehe. pacenxa sa digression. balik tayo…
kanser na kasi ang crab mentality satin. parang ang hirap nang alisin. pero ang masasabi ko lang, kung may gusto may paraan. pag ayaw, may dahilan. yun na.
Tumpak!
Lahat kapag ginusto mo magagwa mo. Ganyan din nasa isip ngmga inggitero. hehe. Pag gusto ka nilang pabagsakin, gagawin nila.
Madami pa din namang mga mababait. Yun ngalang, rare finds na sila. Kalimitan naman sa mga mapang-matang Pinoy dito eh yung mga ubod na ng yaman sa Pinas, o kaya mga biglang yaman dito, o kaya mga pinanganak na dito. Hehe.
TOTOO. Nakwento saken ng ermats ko na karamihan ng pinoy sa “Tate” ay may angas na dala. Na tipong, porket nakarating sila ng Amerika, akala mo na kung sino.
May mga nanunuplong pa nga sa Homeland Security eh (tama ba?). Akalain mo, pinoy ang sumusuplong sa kapwa pinoy. Tsk.
May mga mababait din namang pinoy (at half-pinoy) na nakasalamuha namen. Pero kung wais ka talaga, dapat limitahan ang sarili sa pakikisalamuha.
May tama ang nanay mo kabayan.
Kaya sila sumbungero kasi may malaking pabuya kapag nagsumbong sil ang kababayan. Yun, tawag ng pera. =(
Funny. Yan din ang una kong nakuhang warning nung first time ko sa Saudi: mag-ingat sa kapwa Pinoy.
Kahit siguro saan, hindi mawawala ang Pinoy na may kaya. I’m sure, ganun din naman sa ibang lahi. Sabi mo nga para syang ebs, jebs or whatever, hindi mapigilang ilabas.
Kapag may nakakasalamuha akong ganyang Pinoy, isa lang sinasabi ko sa sarili ko: may gusto lang syang patunayan. Normally, tahimik lang ako. At tulad mo, I ignore them n lang.
Pero meron din namang mga kabayan natin na once you get to know them, mamahalin mo na parang kapatid. I’m sure marami din jan sa Tate, Samjuan.
Tama kabayan.
Halos lahat naman ng tao may gustong patunayan sa mundo.
Dabest pa din talaga angpagtahimik na lang sa mga pagkakataong makakasalamuha ka ng mga Pinoy na nagyayabang.
And again, sabi mo nga, di naman lahat ng Pinoy eh buhay ba buhay ang utak talangka.
Dito sa kinalalagyan ko dumami na din kaming mga Pinoy. Ang mga Pinoy talaga akala mo kabute …bigla na lang nagsusulputan. Di mo naman masisisi. Kahit naman siguro mga NPA pag binigyan ng visa para manirahan sa ibang bansa lalo sa Amerika, mag-uunahan sa pagpila sa US Embassy… Tayo nga yatang mga Pinoy ang may ugaling mahirap talaga ispelingen. Kaya ang style ko na lang pag may naririnig akong mga kabayan na nag-uusap ng tagalog, pasimple lang ako (kahit na masarap pakinggan ang wika natin). Medyo patawa tawa na lang sa isip ko lalo na tsismis ang pinag-uusapan nila. Pero kung medyo type ko ang sumingit, dinadaan ko na lang sa biro. Magugulat pa sila at sabay sabi ng “Ay Kuya, marunong ka ng Tagalog!” Namputsa, tagalog na nga salita ko eh …… Hehehe
Haha. Panalo. Ganyan din minsan ginagawa ko kabayan. Tahimik langat nakikinig sa usapan nila. Bahala na kung trip kong makipag-usap o kung sasagutin ko ba sila sa wika natin kapag kinausap nila ako.
so true. kahit sa foreign land, dala pa rin ng pinoy ang crab mentality. so sad noh?
Sinabi mo kabayan