some juan

Araw ni St. Patrick sa Aremika. May mga sale sa mga tindahan (pero araw-araw naman may sale dahil sa recession). 9:49 ng umaga sa may bus stop sa downtown. Nilapitan ako nung babaeng mas matangkad ng onti sa akin, kulay brown ang buhok, mala J-Lo ang katawan, at may mukha ng pinaghalong Rosario Dawson, Angelina Jolie, at J-lo.

“Hi! You’re late?”

“Excuse me?”

“I mean, you’re late again right? Like, I see you here every morning and I really wanted to say hi.”

“Oh, hi!” sabay ngiti sa kanya.

At yun ang simula ng pag-uusap namin ni Miss  Ganda.

May hawak siyang kape sa kaliwangkamay. TInabihan ko siya sa kanang upuan ng bus.

“Are you a Filipino?”

“Yes.”

“I knew it. I have lots of Filipino friends in my neighborhood.”

“Oh really? That’s great!”

“I’m Liz.”

“I’m Sam.”

Tapos nagkwento siya kung saan siya nakatira, kung gaano ka-weird na mukhangmga bata yung mga itsura ng mgaPInoy na nakikita niya kumpara sa edad nila, nagkwento dinsiya kung ano ginagawa niya kapag nale-late siya gaya ko, tapos nabanggit niya na madamingmga Pinoy ang may Espanyol na mga apelyido.

Sa puntong iyon, natutuwa ako kasi sa imahinasyon ko lang siya kinakausap noon. Natatakot kasi ako na  baka di niya ako pansinin. Oha, ngayon, katabi ko na siya, kausap, kakwentuhan pa.

“I bet you have a Spanish sounding Last Name.”

“”Yeah”

“So what’s your last name?”

“Juan.”

“Oh come on?! NO way! Oh come on?!” sinabi ni Liz nang nakanganga ang bibig na nakangiti ang mga mata.

“My surname’s Juan too! Oh my God!”

“Really?!” sabi ko nang namamangha din.

“Yeah, who would have thought! I knew it. That’s why there’s some sort of connection the moment I saw you before.”

Uuuy, connection daw.

Sa puntong ito, naghahallucinate na ako ng date, pagkuha ng cell number niya, ng panonood ngsine, pamamasyal sa park, pagkain ng Filipino food…

“You know, it’s nice knowing the last names of your relatives and the people around you so that you don’t get mixed up with the people of your blood. You know, I don’t wanna marry someone with the same surname as mine. Haha. ”

Eeengk. Chura ni ate. Tuuugsh. Sira na. Wasak ang daydream ni Samjuan. Sana pala nag-imbento na lang ako ng apelyido. Kala ko pa naman potensiyal asawa na ‘to.

So ayun, kwento kwento pa din si Liz. Nakakatuwa siya kasi mukha siyang action star na babae. I mean, pang Lara Croft yung katawan niya tas yung maikli niyang buhok. Parangsi Jill Valentibe sa Resident Evil na laro sa playstation.

Pagkaraan ng ilang minuto, kinailangan na niyang bumaba.

“See you Mr Juan.” ngiti.

“Nice meeting you Ms Juan!” ngiti.

Alam ko makikita ko pa siya sa mga susunod na araw. Kung hindi ko man siya pwedeng asawahin, makukuha ko naman ang numero niya. Hah!

17 Responses to “some juan”


Leave a Reply