ss my a-s-s

Yung chismoso naming kapitbahay na dating radio announcer daw sa Pinas na ngayon ay nagsesekyu sa kung saang kumpanya ay umatake na naman kahapon.

Bigla na lang daw siyang pumasok sa bahay nung binuksan ng tatay yung pintuan para makalabas yung usok mula sa kusina. May kalan na nga pala kami! Yay! Anyways, binuksan ng tatay yung mga bintana at pinto para hindi na tumunog yung smoke alarm na OA lang sa lakas yung tunog. So ayun nga, pagbukas na pagbukas daw ng pinto, pumasok agad itong si manong neighbor at hirit daw kay Itay, “Oh, may TV ka? Buti may nakukuha kang palabas. Mawawala na din yan next month, Digital HD na eh.” Oo na lang daw yung tatay ko.

Ang di niya alam, may nakitang cable wire yung tatay ko tas sinalpak sa TV tas voila! May cable channels na kami! Haha. Ano na lang kaya sasabihin niya kapag nalaman din niyang may nasasagap kaming mga wi-fi signals sa bahay at nakakalibre kami ng net? Tsktsk.

Nakalipat nga pala kami ng bahay dahil kay manong pulis na nakilala ni Itay noong nagja-jogging siya isang araw. Si manong pulis ang pumirma ng kontrata sa bahay at sa kung saan-saan pa. Sa kanya nakapangalan pero kami ang nagbabayad. So bale pinalalabas naming na sa bahay siya nakatira. Para di maghinala yung may-ari di naman talaga nakatira sa bahay si manong pulis (nasa kontrata kasi na dapat dun din siya nakatira), eh iniwan niya yung uniporme niyang naka-display sa may sala. As in pagpasok mo ng pinto, bubulaga sa harap mo yung uniporme ni manong pulis.

Anyways, kahapon daw, nung makit ani manong usiserong neighbor yung uniporme ni manong pulis, agad niyang tinanong si Itay, “O, san ka nagtatrabaho?” Sagot naman ang tatay, “Jan sa construction, Nag gu-gwardiya ako pag tinawagan nila ako.” (Kahit na matagal na siyang wala talagang tranaho)

“Saan ka nag-apply? Paano ka tinanggap?”

“Eh tinanggap nila ako. Sinwerte eh.”

“Siguro may SS (social security) ka ano?”

Napangiti na lang ang tatay.

Anakngtokwang echuserong kapitbahay na ‘to. Ano ba paki niya sa SS at sa buhay namin? Churaniya.

Kapag nagkekwentuhan nga daw sila ng tatay, puro chismis sa mga kapitbahay ang maririnig mo kay manong na madaldal.

“Ayan, yang naktira sa apartment 5, naku walang papel yan.”

“Yun, yung babaeng yun, caregiver yan eh. Malamang walang papel. Pero may boyfriend yan. Nakikita ko silang naghahalikan sa kanto.”

“Yang bahay na yan, yung isa pa dun, tas yung sa kabila, naku, mga walang papel yan eh.”

Ganyan daw lagi hirit ni manong kaya kapag napapayosi si Itay at nakita niyang asa labas si echuserong kapitbahay, nagtitiis na lang daw siya sa banyo.

Siya yung tipo ng Pilipino na ayaw magpapalamang sa iba. Gusto niya siya lagi bida. Sabi ko kay Itay hayaan na lang niya. Papansin lang si manong.

Minsan daw nasabi ni manong echusero na galit daw siya sa mga Ilokano. BIkolano si manong neighbor. Tinanong ng tatay ko kung bakit. Wala lang daw. Galit lang daw siya sa Ilokano. Buti di nabanggit ng tatay ko na Ilokano kami. Hirit na lang daw ng tatay ko, di siya tumitingin sa lahi o sa grupong pinanggalingan ng isang tao. Ayon kay Itay, kahit naman daw saan pa nagmula ang isang nilalang eh nasa kanya pa din yun kung paano siya magpapakatao at makikitungo sa kapwa niya.

19 Responses to “ss my a-s-s”


Leave a Reply