tae-na

Noong bata ako, kabilin-bilinan ni Mamang na huwag titignan ang sariling jebs kapag nagbabawas ka at naglalabas ng sama ng loob sa kubeta dahil yun daw ang sanhi ng pagkalimot.  Hindi ko alam kung saan napulot ng lola ko yung kaalaman niya na yun tungkol sa jebs. Malay ko sa scientific basis nito. Ang alam ko lang, walang kaaya-aya sa pagmamasid ng sariling dumi na nakalutang sa kubeta. Pero sadyang may mga pagkakataong mapapatingin ka sa sarili mong dumi. Sadyang may mga bagay tayong nalilimutan, mga alaalang dumudulas sa isipan sa kabila ng masusi nating pagpapaalala sa ating mga sarili.

****

Bakit kaya nitong nakaraan, yung mga nangyari noong nakaraang taon, mga tipong August pa o Oktubre pa eh sariwang-sariwa pa sa isip ko na parang kahapon lang sila nangyari? Nagulat na lang ako nung binalikan ko yung mga drafts ko sa email na tandang tanda ko pa ang laman. Parang kahapon ko lang isnulat yung tungkol sa pagbibilang ko ng mga eroplano habang nagbabantay ng mga higanteng trucks sa bodega. Sa katotohanan eh noong Oktubre ng nakaraang taon ko pa naman yun naisulat.

****

Madalas akong tanungin ng tatay kung gaano na kami katagal sa bansang ito. Palagi niya kasing sinasabi na dalawang taon na kami dito, eh sa katotohanan, nakaka-isang taon pa lang naman kami.

****

Kahapon ng tanghali, nakaharap ko na sa wakas yung Pinoy na kapitbahay namin. SIya yung tatay ni Nikow, yung batang echusera. Pagpasok na pagpasok niya sa bahay habang nagtatanghalian ako, tinadtad niya na ako agad ng mga tanong. “Saan ka nagtatrabaho?” “Anong ginagawa mo dun?” “Siguro malaki ang sweldo mo ‘no?” “Magkano?”

Pinuno ko ng pagkain yung bibig ko. Isa lang ang sinagot ko sa mga tanong niya bago siya yayain ng tatay na mag-yosi sa labas. Yun ay kung saan ako nagtatrabaho.  Dati daw siyang radio announcer/commentator sa Pinas.

****

Kagabi nawalan na naman kami ng kuryente. Palyado talaga yung mga saksakan at linya ng kuryente sa bahay. Wala din kaming masagap na matinong signal ng wi-fi sa kapitbahay. Dahil doon, tinawagan ng kapatid ko yung echuserang kapitbahay para manghiram nung usb na pang-konekta sa internet. Nang marinig namin ng tatay ang ginawa niyang pagtawag, agad namin siyang pinigilan. Kabilin-bilinan namin sa kanya na hangga’t maiiwasan, huwag hihingi ng pabor sa mga kapitbahay na Pinoy lalo na kung ehusera sila at masyadong matanong.  Nagtalo-talo kami kagabi hanggang sa makatulog ako ng maaga.

****

Pasado alas siete na ng umaga ako nagising kanina. Dagli akong bumangon at nagbihis nang hilahin ng kapatid ko yung kumot ko at sinabing, huy! Alas siete na! Lintek! Dapat gising na ako ng alas sais eh. Pasaway na Daylight Savings Time yan.

Ayon kasi sa nasanay ko nang katawan, alas sais pa lang ng umaga yung alas siete na kanina.

15 minutes akong late kanina.

****

May nadaanan akong dumi ng aso sa kalsada. Bihiran bihira ito dito. Nawala sa loob ko nadapat na pala akong tumawid sa tawiran.

13 Responses to “tae-na”


  • ayos!!! buti na lang di mo natapakan…heheheheh

    dito sa arizona bihira ka din makakita ng jebs ng aso,
    un ung jebs ng mga aso na may tamad na AMO!!!!

  • jebs b ang bagong term dun? akala ko ‘ebs’, like e-ebs lang ako, amoy ebs, eva vibar kb?, etc.

    lately hindi ko na tinitingnan, pero dati, bago ko iflush c Yno Doro, look ko muna kung ano ang itsura ng ebs ko dahil doon mo raw makikita kung healthy ka. Like kpag nakalubog sya, ibig sabihin kulang ka sa fiber. Dapat daw nakalutang. Kapag madilim ang kulay nya, nasobrahan ka sa karne. Kapag parang butil-butil na parang ebs ng kambing, kulang ka sa tubig. Parang ganun.

    • Haha panalo!
      Salamat sa bagong kaalamang ibinahagi mokabayan tungkol sa mga jebs, ebs, eva, vibar, hahaha. Panalo!

      Jebs na yung huling narinig kong tawag doon eh. Evolution nga naman ng salita.

  • meron talagang ganun.. mga bagay na nareretain sa memory natin… mga detalyadong bagay. tulad ko.. may mga pangyaari sa buhay ko 6 years ago na kaya ko iwento in detail.. lalo na kung major decisions/happenings in life..

    mukhang may angking AP (attitude problem nga ba or katopakan?!) ung kabayan neybor nyo.. tama lang yun…iwas na lang para iwas gulo. and at least this time u have ur own place unlike before na talaga namang para nga kayong nasa loob ng PBB hausing sa dami ng issues.

    nakakainis kapag ganyan ang kuryente.. nakakainis talga diba? hahahaha parang ipinagdidiinan ko pa. pero mas nakakainis kapag ung net connection mo eh nagdidisco light… ganyan ang nangyayari sa koneksyon ko dito.. malapit ko na ngang pasabugin ang etisalat eh (yan ang ISP namin dito) konting-konti na lang, pasasabugin ko na toh nyahahahaha

    • Etisalat! galing! yan yung epal na sumasagot kapag tinatawagam ko noon ang nanay ko! Hahaha.

      Aynaku me topak talaga yung kapitbahay an yun kabayangYanah. Churaniya.

      Haha.

  • shempre pag jebs ang usapan… dyaraaaaaaan, nandito na ako. :D

    samjuan, miss mo na bang makakita ng jebs ng aso sa kalsada? baka yan ang manifestation ng homesickness mo… la lang, naisip ko lang. hehe.

    • Haha. hindi naman. nagulat lang ako nung nakakita ako ng jebs ng aso dito sa kalsada. bihira kasi askals dito eh. Puro sushalin ang mga aso. Arf Arf nga ang tahol nila eh

  • kausap mo nung isang isang isang isang araw

    ako din fresh pa lahat ng buwan last year. fresh na fresh saka masarap din balikan :)

  • sa bahay maraming aso pero d nmn ngkalat ung jabar(tawag nmin sa poop nila) nila..hehe..

  • halu samjuan..d kb online nw?

Leave a Reply