tatay juan, unleashed

Txt ni Tatay:

Anak, ano na nga yung unleash? Yung alaga ko kasi unleash ng unleash eh. Ano ba yun?

Reply ni Samjuan:

Ano’ng meron? Unleash ay pakawalan, palayain,

Txt ni Tatay:

Ahh. Kala ko kung ano. Eh hindi nmn 2 nkgapos. hax3. Sigaw ng Sigaw.

Reply ni Samjuan:

Baka baliw.

Txt ni Tatay:

Ako ang mababaliw dito eh

****

Tatay: Alam mo yung alaga ko, amputi-puti, parang yan, yang matandang yan (sabay turo sa matandang kano sa harap namin). Ganyang-ganyan. Parang Dracula. Oo, parang Dracula talaga. Anlaking tao eh. Tapos hindi pa lumalabas ng bahay. Tapos yung bahay niya nasa taas pa ng bundok. Wala pa yung kapitbahay ah. Oo, Dracula nga siguro siya.

Samjuan: (Walang masabi)

*kuliglig

****

Tatay: (Tumuturo ang nguso sa Liqior store sa kanto na may Western Union sa loob) Haha. Mayabangyung gagong kahero jan eh. Sukat ba namang sabihan ako na ganito ganyan daw sumulat ng number 3! Tapos sinabi pa kung nakatapos daw ba ako ng college?!

Samjuan: O ano sabi mo?

Tatay: Aba sabi ko siyempre! (Kahit na highschool lang anginabot ni Itay at nag-vocational course siya pagkatapos) Sabi ko pa nga ata ano, teka, basta yung ano, La Salle ba yun? Di naman niya alam yun. Ang yabang ng puta eh! Kala mo naman malinaw sulat niya. Siya ngapinasulat ko. Ayun! DI din maintindihan.

Samjuan: Eh siya dw ba nag-college?

Tatay: Oo, daw. UCLA daw. Eh sabi ko naman UCLA ka? Tapos kahero ka dito? Oh Come on!

Samjuan: O tapos?

Tatay: Madaming sinasabi anggago. Binabastos na ako eh. Yaw pa ibigay yung pera. ID ko daw. Eh samantalang matagal na akong nagke-claim doon ng pera. Di daw ako nag-college.

Samjuan: Ano’ng ginawa mo?

Tatay: Nainis ako. Pinakita ko nga UN ID ko. Sabi ko, “ayan, I work at the United Nations! And you? You UCLA Graduate? Where do you work?” Natahimik ang loko. Nag-sorry sorry pa.

Samjuan: Nag-sorry naman pala eh. Baka papansin lang siya kelangan lang niya magyabang.

Tatay: Ungas siya. Ako pa niyabangan niya.

3 Responses to “tatay juan, unleashed”


Leave a Reply