tres

Natapos ko ang pagtutupi ng damit na nilabhan kahapon, paglilinis ng banyo at pagtatapon ng basura bago dumating si itay kaninang umaga mula sa kanyang tatlong araw na pagke-caregiver sa may malayong bundok.

Buena mano namang agahan sa akin ang pagtawag ni kuya Jay na ka-opisina ko tungkol sa pag-uusap daw nila ni big boss. May mga bagong patakaran daw sa opisina, May mga dapat daw akong malaman, at madami daw silang napansin sa akin.

Una, lakasan ko daw boses ko at linawan ko daw ang salita ko sa pagsagot ng telepono. Di na daw kasi nila afford na kumuha pa ng taga-sagot lang ng telepono dahil mahina ang kita ng kumpanya. So ako na lang din ang sasagot with all the good manners and right conduct daw a la amerikano na magalang at mabait na mang-uuto ng mga barubal na callers.Err, ok. Noon pa naman ako sumasagot ng telepeono na may usual greteing pa ng kumpanya at how may i help you blah blah. Sa tingin ko naman eh maaos ako magsalita though hindi kanong-kano. Sila, sila bosing at sila pa na ibang mga sumasagot ang madalas makipag-away sa mga customers at callers.

Anyways, pangalawa, Napansin daw nila na wala akong masyadong ginagawa. Puro daw ako net ng net. Yun ang sabi ni bosing. Err, ok. Sorry na ha? Kapag wala naman kasi talagang gagawin sa opisinang bodega na yun eh wala kang gagawin. Madalas sila mismo tinatanong ko kung anong gagawin ko, pero ala. Ala silang mapagawa sakin. Kundi nga ako all around alipin eh ‘ala. Wala akong gagawin. Madalas ko na ngang kinakalatan yung desk ko ng kung ano-ano at nagbubukas ako ng madaming mga spreadsheets, word at email windows para magmukha akong busy. May mga moments talagang ganun. Oks lang naman yung pag-iinternet ko sabi ni kuya Jay eh. Sa kanya oks lang, pero pag andiyan daw si bosing, eh wag ko ipapakita. Ayan, lesson learned ulit. Bagamat nakaanggulo na yung screen ng pc ko palayo sa lamesa ni bosing, alam ko napapansin pa din niya ang pagbablog ko sa opisina. Fine. Sa bahay na lang ako magba-blog. Nagbablog lang naman ako kapag walang ginagawa.

Tatlong metro ang layo ng table ni big boss sa akin.

Ayun, mga 30 minutes kami nag-usap ni kuya. Basta daw ayusin ko ang trabaho ko. Pagkababa niya ng telepono, nakaramdam ako ng takot, ng panliliit. Natakot ako kasi naramdaman ko na anytime, pwede nila ako patalsikin sa trabaho. Bagama’t mawawalan sila ng dakilang alipin, pwdeng pwede pa din nila akong patalsikin. Nanliit ako kasi di man lang ako nakaangal. Alam niyo na, wala akong karapatang umangal sa ngayon. Wala eh. Tinanggap nga nila ako nang walang tanong tanong kahit na madami akong kakulangan. Isa pa, andaming walang trabaho dito ngayon. Tiis lang muna talaga. Dapat magsipag. Shet. Nampucha naman kasi eh. Sana may fixed akong gagawin, Haha. Ok, di na ako magrereklamo.

***

Tatlong metro ang pagitan naming mag-aama sa bus stop kanina habang naghihntay ng bus. Yung kapatid kong babae, umiiyak, nakalugay ang buhok. Tatay ko nagyoyosi. Ako naman, nilulunod ang sarili sa mga kanta ni Duffy. Nagtalo sila kanina ilang minuto bago makalampas yung bus na sasakyan namin papunta sa mall para mag-buffet at manood ng sine. Ang kabagalan at pride ng kapatid ko ang issue kanina. Nang mapagalitan siya ng tatay kasi nga antagal-tagal na namin siyang hinihintay eh nagmamabagal pa din siya, walk-out sabay dabog with tears on her eyes ang moda ng kapatid ko. Teenage angst sa Amerika ang drama.  Nang makakain na kami sa buffet, medyo umayos naman na ang lahat.

***

Inaantok ako maghapon, at pagod na pagod yung pakiramdam ko. Marahil ay dahil sa alas tres na ako natulog kaninang madaling araw. Naaliw lang naman ako mag internet. Medyo kumalma na yung pakiramdam ko. Di na ako masyadong naluungkot at nanliiit sa sarili ko ngayon. Panibagong araw na naman bukas. Di muna ako mag-iinternet sa opisina. Bahala na. papakabait ako. Sana kayo din. Pagpalain tayo ng kalawakan kabayan!

5 Responses to “tres”


  • parang naiimadyin ko ang naramdaman mo nung napagsabihan ka. ganung ganun din ako pag nasesermonan, parang insekto lang ang feeling.

  • isang napaka-concrete example ng SSDD. lolz!

    mas maganda kung magtipa ka na ng blog entry mo sa buhay tas save mo na lang sa laptop mo. tska mo na lang i-upload kapagka nasa trabaho ka na kabayan. para naman di na magngitngit si bossing mo.

    lakasan mo nga raw kasi boses mo para di sila maghanap ng ibang aalilain. lolz! sana nga wag kang tanggalin kabayan

    • Haha. Same shit different day, different time zone. woot!

      So far, di pa naman nila ako inaaway. tapos ko na naman ang trabaho ko at heto ako, nagnenet sa opis. Wahaha. Ok, papaka-gudboy na’ko.
      Hehe

  • *sa bahay pala yun, hindi sa buhay. sorry naman daw sa typo. lolz!

Leave a Reply