Monthly Archive for April, 2009

pok pok

Kakatapos ko lang akyatin yung mataas na kisame ng bodegasina (bodegang opisina). Imaginin mo yung tipikal na basketball court sa mga baranggay sa pinas, mga ganun kalaki yung bodegasina na pinapasukan ko araw-araw. PInaakyat ako ng kisame para ayusin yung mga butas butas na silver na fireproof na layers doon kasi kailangang makuhanan iyon ng larawan na nasa maayos na kundisyon. Requirement para sa fire safety blah blah ng state. Eh ayun, panalo lang ang pagpapaakyat sa akin sa kisame para magpako at mag-tape ng mga bagay-bagay. Taga-ayus naman ng kisame ang moda ko ngayon! Oha!

Continue reading ‘pok pok’

Oink

Swine flu ang nagbibida-bidahan sa mundo sa mga panahong ito. Ang target- yung mga taong may mahihinang respiratory at immune system gaya ko.  Katakot lang. Kaninang umaga may binalita s aTV na batang nagbabakasyo galing Mexico na namatay dahil sa swine flu. Buti na lang di pa uso ang swine flu noong kabataan ko, kundi baka napuruhan na din ako. Noong unang panahon kasi, madalas ang pagkakataon na kinakapos ako at naghahabol ng hininga.

Continue reading ‘Oink’

un-locked

Grade 1 ako noong unang ipagkatiwala sa akin ng nanay ko yung susi sa bahay. Gagabihin daw sila ng uwi ng Tatay kaya bahala na muna akong magbukas at magkandado ng pintuan pagdating ko sa bahay mula sa paaralan. May iniwan na naman daw na pagkain doon kaya hindi ako magugutom.

Noong mga panahong iyon, proud na proud ako sa sarili ko kasi sa unang pagkakataon, naramdaman kong pinagkatiwalaan ako ng mga magulang ko. Aba, hindi lang simpleng task yun ah. Di na lang yun simpleng pagbili ng suka, toyo, at kuya sa tindahan sa kanto. Di na lang yun simpleng paghuhugas ng mga pinggan. Iba na yun, bigboy na ako. May susi na ako! Haha!

Continue reading ‘un-locked’

Sabi nila ang kape nakakatanggal ng stress

Nandito ako ngayon sa starbucks, umiistraw ng Java Chip na Frap. Venti. Yung di ko pa nabibili noon sa Pinas. Nandito ako sa starbucks sa may pinakamalapit na kanto sa amin. Wala pang 5 minutes walk. Ito yung lugar na madalas puno ng tao. Mayaman, mukhang mayaman. poser, emo, mga chikadora, mga batang mahilig magkape, at mga taong sumasagap ng libreng wi-fi. Wait! DI pala libre, kasi bago ka makasagap ng libre nilang wi-fi eh kailangan mo munang bumili nung starbucks card na lo-loadan mo. Yung sa akin nabili ko ng 5 dollars.

Continue reading ‘Sabi nila ang kape nakakatanggal ng stress’

samjuan’s la niña sa tag-init

Tangina lang. Ayoko na ng ganito. Bumabaha na naman sa mga palad ko. Non-stop.

Wag ka mag-alala di ito dahil sa sobrang pagjajakol. Bata pa lang ako at hindi pa marunong magpaligaya ng sarili gamit ang kamay eh uso na ang season ng paglalawa sa katawan ko.

Ewan ko ba dito sa sakit na ‘to. Pakiramdam ko ambaba baba ng self-esteem ko kapag nagmamadulas na ang palad ko. Para bang wala kang matinong kapit sa mga bagay-bagay. Parang andulas ng buhay, ganun.

Continue reading ’samjuan’s la niña sa tag-init’

nobenta sa lunes

Tag-init na naman dito sa parteng ito ng Aremika. 90-100 Degrees Fahrenheit ang temperatura.

Naipit ako kanina sa pagitan ng dalawang higante at matatabang manong sa bus. Ang mataba dito sa Amerika, payat pa sa Pinas. Sila yungtipong pang tatluhang seat angpwet pero pilit nilang pinagkakasya sa isang upuan pero umaapaw pa din ang laman-taba sa pwet nila papunta sa katabing upuan sa bus. Nakatulog ako sa balikat nung isang mataba. Nang mapansin kong nakahiga na ako sa mala-unan niyang balikat, kunwari wala lang nangyari at umayos ako ng upo. Si kuyang mataba tumayo agad kahit malayo pa ang bus stop. Continue reading ‘nobenta sa lunes’

Buhay pa naman si samjuan

Lampas isang linggo na kaming walang nasasagap na wi-fi signal sa bahay. Yung laptop ko na palaging ginagamit ng tatay ko para maglaro ng strategy-RPG game eh nasira yung charger/adaptor. Ilang araw na din siyang out of charge. Si Tatay tinawagan ulit ng agency. May Part time trabaho na siya. Yay. Pero baka tatlong araw lang ulit at kung kelan lang siya kailangan.

Continue reading ‘Buhay pa naman si samjuan’

huwebes santo, amerika

Hindi daw siya mahilig sa tubig. Nanood lang siya ng mg apelikula sa sinehan kapag gusto niya. Sa mayo, balak niyang panoorin yung Ghosts of the girlfriends past ni Jenifer Garner kasama si Matthew Something (sabi niya). Excited siya kasi magka-club at bar-hopping daw sila ng mga barkada niyangbabae sa weekend. Hanggang ngayon, aliw na aliw pa din siya dahil magkaapelyido kami. Nakasabay ko na naman sa bus si Liz Juan. Nakuha ko na ang numero niya. Hehe.

smiley

Ngayon alam ko na kung bakit kapag masaya ang isang tao eh parang wala siyang masulat, parang wala siyang maibahagi sa iba, at parang wala siyang ibang maisagot sa lahat ng mga katanungang ibabato sa kanya kundi isang matamis na ngiti.

Continue reading ’smiley’

In-dependence

Tanda mo si manong pulis (ex-pulis sa pinas) na tumulong sa amin para makakuha ng bagong apartment? Well, housemate na namin siya ngyon. Yes. As in ngayon lang habang nagtitipa ako ng mga salita dito sa keyboard eh nasa sala siya nag-aayos ng mga gamit niya kasama ni Itay.

At akala ko naman ay medyo makakapamuhay na kami ng matiwasay na kami-kami lang, but no, hello manong new housemate! welcome. =I

Continue reading ‘In-dependence’

spring cleaning

Woot!

Nakasabay ko si Liz Juan sa bus stop.

Namiss daw niya ako dahil antagal naming hindi nagkita.  Continue reading ’spring cleaning’

samjuan begs for taste

Makulimlim kaninang umaga.

Hindi nag-agahan ang inyong bida.

Sa bus, nakabasa akong muli ng nobela.

Sa tren, maaga akong nakasakay, walang pila.

Di ako nakapag-agahan kaya sugod agad sa downtown yoshinoya.  Continue reading ’samjuan begs for taste’