Buhay pa naman si samjuan

Lampas isang linggo na kaming walang nasasagap na wi-fi signal sa bahay. Yung laptop ko na palaging ginagamit ng tatay ko para maglaro ng strategy-RPG game eh nasira yung charger/adaptor. Ilang araw na din siyang out of charge. Si Tatay tinawagan ulit ng agency. May Part time trabaho na siya. Yay. Pero baka tatlong araw lang ulit at kung kelan lang siya kailangan.

Si manong pulis na naglayas at nakitira sa amin, umalis na nga pala. Ilang araw lang siyang nakitira at dahil galing naman siya sa buhay mayaman, eh di niya ata natagalan yung ingay ng mga taong naglalasing, nagbi-videoke at nagsisigawan sa compound sa labas ng apartment kapag gabi. Araw-araw umuuwi din siya sa kanila para maligo at kumain. Pero wag ka, angmga maleta niya nasa amin pa din noon. Then one day, noong nanood ako ng pelikula sa mall, pag-uwi ko, tenen! Wala na si manong. Nagpasama daw sa tatay ko na bitbitin pabalik sa bahay nila yung mga gamit niya na iniwan sa amin.

So far, tahimik na ulit ang kabahayan namin.

Kahit na walang internet, walang laptop, at wala pa ding kasiguruhan ang buhay naming ditto, Masaya ako, kuntento, at masayang masayang Masaya.

Ewan. Kagabi napagtanto ko sa sarili ko na kuntento na akosa lagay ko ngayon. May steady na kita, may ok na tinitirhan, nabibili ang gusto, may ipon na onti, at napapaligiran ngmga taong nagmamahal sa akin. Isa pa, iba talaga yung sarap at contentment na dulot kapag may tao kang napapagbahagian ng iyong mga hinaing, pangarap, nararamdaman, at mga kuro-kuro sa buhay.

Kapag nagkaroon ng pagkakataons a opisina, magbablog akong muli ng mga kwento ko. Pramis.

Ingat kayong lahat kabayan!

10 Responses to “Buhay pa naman si samjuan”


  • sana makasagap ka na ule ng wifi signal sa lalong madaling panahon jan kabayan.

    yun ang masarap. yung maski na hindi siksik liglig basta kasama mo ang pamily mong nagmamahal sa’yo. apir tayo diyan kabayan! yngatz!

  • “masayang masayang masaya”. sana masabi ko rin yan pagdating ng panahon.

  • para akong nakikiliti sa…leke-leke ko…natutuwa ako para sau sam! kinikilig yata ako eh…awww…

  • naintriga ako sa blog mo… nakita kong winner sa 2008 PBA (OFW Category)… deserving. i’ve added you to my links. hope to drop by here more often.

  • masaya din ako para sa iyo kabayan na masayang masaya ka! lagi mong tatandaan na meron at least isang tao na laging nagwiwish ng best para sayo. =)

  • eagerly waiting for more of your stories….
    ingats!
    sana makabili ka ng bagong charger/adapter ng lappy…
    sana makasagap ka na rin ng maluwalhati….
    para tuloy-tuloy ang wento..
    more stories.. more fun… :d

  • buti naman at masaya ka. sana magtuloy tuloy na yan kasiyahan mo. mag-ingat lagi ha. :)

  • Gaya nila, nagwi-wish din ako na makasagap ka ng signal. Nakaka-relate ako kasi itong connection ko ngayon sa bahay, puputul-putol. Nabibitin tuloy ang pagtu-Twitter ko. :D

  • The best things in life, sabi nga nila, are the simplest. Matagal na akong hindi naging masayang masayang masaya. Kakainggit ka. Siguro dapat ma-appreciate ko rin yung mga bagay na nasa paligid ko: buhangin, disyerto, walang hanggang langit. Ganun kasi dito sa Saudi. Pasasaan ba’t sasaya rin ako…

    Drama!

  • WISH ko lang talaga makapag-wifi ako ulit ng libre sa bahay. Wala akong masagap eh. :(

    “…at napapaligiran ngmga taong nagmamahal sa akin.” Totoo. Ako, gustong-gusto kong tumira dyan at magtrabaho. Mapalayo man sa UP o sa mga kaibigan, sa org ganyan… mas masaya pa rin ako sa Amerika kasi nandyan yung nanay ko. Tsaka yung mga kapatid ko. :P

    Sa Pinas kasi, puro problema eh. Dun, wala masyado.

Leave a Reply