Tanda mo si manong pulis (ex-pulis sa pinas) na tumulong sa amin para makakuha ng bagong apartment? Well, housemate na namin siya ngyon. Yes. As in ngayon lang habang nagtitipa ako ng mga salita dito sa keyboard eh nasa sala siya nag-aayos ng mga gamit niya kasama ni Itay.
At akala ko naman ay medyo makakapamuhay na kami ng matiwasay na kami-kami lang, but no, hello manong new housemate! welcome. =I
Akala ko panaginip lang yung mga naririnig ko kanina habang natutulog ako eh. Nag-uusap sila ni Itay. Lumayas daw itong si manong pulis sa bahay nila dun sa kabilang kanto dahil nakaaway da wniya ung asawa ng anak niya. Apparently, pagdating niya dito, dala-dala na niya agad yung mga gamit niya. Ang nangyari daw, pinagsasabihan daw niya yung apo niya nang bigla siyang sinigawan ng asawa niya (ewan kung pang-ilang asawa, pero yun yung inasawa niya dito para umayos at magka-papel) at sinabihan na wag pinagsasabihan ang apo niya. Since ma-pride si manong, istokwa ang moda niya with all the bags packed ready to go.
Noon pa daw siya may issues sa asawa niya at sa mga anak niya. Ayon kay Itay na laging nakaka-jog at nakakakwentuhan ni manong, palaging daw daing ng daing sa kanya itong si manong pulis na naghihirap siya, walang pera, walang trabaho, ganito ganyan, na kesyo madami daw siyang sinusuportahang mga pamilya at tao sa pilipinas, na kesyo pahiram daw muna kung may pera kami, na kesyo magulo da wng buhay niya blah bah blah. Ang katotohanan, ayon na din sa mga kwento ni manong pulis, maayus na sila dito pati mga anak niya. Yung mga anak daw niya kumikita ng mahigit apat na libong dolyares kada linggo. Yung asawa daw niya, madalas mag-casino at malaki din ang kita. Siya, si manong pulis, madalas manghingi ng yosi sa tatay ko, madaming reklamo sa buhay, at may pride na kasing taas ng statue of liberty na hinding hindi daw kailanman hihingi ng tulong sa mga pamilya niya kaya kahit maghirap daw siya, kebs lang. Pero wag ka, mareklamo nga si manong.
Ok namna siya, matanda na. Para isa sa mga matatandang lolo noon na nangungulit sa akin sa prubinsiya.
Ah, wag ka, yung kapitbahay naming radio announcer na nakakain yata ng isang sakong pwet ng manok nung bata siya eh kaibigan niya pala at kababayan. So asahan mo na ang madalas na pagdalaw dito ng echuserong manong na yun.
Wala pa naman siyang threat na naipo-pose sa amin. Di pa din naman siya perwisyo. Matanong lang siya ganun. Di din naman kami pwedeng magreklamo nina Itay dahil siya nga yung kumuha ng apartment in the first place. Sa kanya naman to nakapangalan, so yeah, sige, dito muna siya.
Eto ang catch, sa ngayon, wala pa siyang babayaran na anuman sa amin. Owkeeyy. Pero sa panahong lumipat daw kami sa 2 bedroom na apartment, du daw siya magse-share. Yes, sina-suggest niya na lmipat kami sa 2 bedroom apartment na malapit dito para daw magbabayad siya ng 300 na renta. Sa kabilang kwarto, isasama daw niya yung Pinay na caregiver na pakakasalan niya na magbabayad sa kanya ng sampung libo para magkapapel. Hindi ko alam kung kelan, pero sa tono ng pananalita niya, mukhang ASAP na. Naman, ayokong maglipat na naman. Pero sa sitwasyon namin, well, kelangan mag-adapt. Bahala na.
Ganun talaga yata ang buhay, pag may nalampasan kang mga pagsubok, meron at meron ulit mga darating para mas exciting ang buhay. Sa ngayon, ke manong Pulis kami nakadepende. Di siya pwedeng awayin dahil sa oras na bumitaw siya sa amin, sa kalye kami titira.

I am hoping for da best para sa yo at sa yong pamilya, kabayan. Akala ko pa naman matatahimik na kayo dahil nakaalpas na kayo doon sa BB House na dati nyong tinirhan. Problema pa rin pero ibang klase nga lang. Tiis pa at kailangan kasi eh ….
i think he is not a help sa inyo but a nuissance and a parasite in the future. And pulis po yan, alam ang tricks. One day, baka iblackmail kayo kapag may hiningi siyang pabor na ayaw nyo gawin.
If possible, avoid getting favors from him, you pay more(I feel) in the end…
hope not…
ohh i hate that feeling…
sa araw ng kagitingan, na minumove ni Gloria, sana maging magiting ka din sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. Yakang yaka yan.
Now show me some lovin and vote for me as RBP’s Blog of the week for week 7. Kampanya na toh!
http://www.rainbowbloggers.com/
brad, mukhang dehado kayo diyan…agree ako kay francesca…baka nagkagipitan sa huli. gawan mo na ng paraan para madispatya niyo kaagad yan! good luck!