Tag-init na naman dito sa parteng ito ng Aremika. 90-100 Degrees Fahrenheit ang temperatura.
Naipit ako kanina sa pagitan ng dalawang higante at matatabang manong sa bus. Ang mataba dito sa Amerika, payat pa sa Pinas. Sila yungtipong pang tatluhang seat angpwet pero pilit nilang pinagkakasya sa isang upuan pero umaapaw pa din ang laman-taba sa pwet nila papunta sa katabing upuan sa bus. Nakatulog ako sa balikat nung isang mataba. Nang mapansin kong nakahiga na ako sa mala-unan niyang balikat, kunwari wala lang nangyari at umayos ako ng upo. Si kuyang mataba tumayo agad kahit malayo pa ang bus stop.
Pagaling na yung mga maliliit na balat na tumubo sa may ibaba ng kuko ko sa mga daliri sa kamay. Yun yung mga balat balat na masakit kapag napapadikit kahit saan. Habang nawawala sila, bumabalik na naman yung matinding pagpapawis ng mga palad ko. Eto ang la niña ko sa el niño.
Si tatay t inawagan na naman nung caregiver agency ng mga Pinoy na nagbibigay s akanya ng part-time jobs. Nang tanungin niya kung magkano sahiod, sang sabi daw sa kanya eh “Basta maliit.” Doon na lang daw sasabihin kung magkano pagdating niya sa carehome.
Kadalasan kasi, malaki ang kickback ngmga agencies sa mga ganitong klase ngkalakaran. Yun bang tipong 120 USD per day ang sahod mo pero 70 lang ang ibibigay sa’yo at sasabihing 70 lang ang pasahod ng humihingi ng serbisyo. Ganyan, ganyan dito sa Tate.

hay sobra talaga ang init ngayon.