Swine flu ang nagbibida-bidahan sa mundo sa mga panahong ito. Ang target- yung mga taong may mahihinang respiratory at immune system gaya ko. Katakot lang. Kaninang umaga may binalita s aTV na batang nagbabakasyo galing Mexico na namatay dahil sa swine flu. Buti na lang di pa uso ang swine flu noong kabataan ko, kundi baka napuruhan na din ako. Noong unang panahon kasi, madalas ang pagkakataon na kinakapos ako at naghahabol ng hininga.
Wala naman akong hika. Never akong nagka-hika noon pero sa gabi, may mga pagkakataong napapabangon ako kasi kailangan kong huminga ng malalim. Para akong uhaw sa hangin noon. Akala ko nga gawa yun ng mga kapre sa balete sa tapat ng bahay. Baka nagalit sila kasi baka natamaan sila nung naihagis kong susi ng bahay. Akala ko talaga ganun pero ayon sa lola ko at sa tatay ko, sanggol pa daw ako eh halos malunod na ako noon sa mga iniinom na gamot para lang maka-survive at umayos ang baga.
Pero gaya ng ibang parte ng katawan na gumagaling, naghihilom at nag a-adapt sa paligid (noong bata ako eh nabasag ang ear drums ko at eventually naghiom din sila), medyo umayos ang mga baga ko. Salamat na din siguro sap ala-yosi kong tatay, at sa mga kaibigan kong pala-yosi habang tumatanda ako, nasanay ang baga ko sa usok. Nasanay akong lumanghap ng sari-saring amoy, mabaho man o mabango, natuto akong lumanghap ng iba’t ibang uri ng usok, natuto akong huminga ayon sa kinalalagyan kong sitwasyon.
Ngayong araw maghapong bahing ng bahing ang bigboss ko dito. Maghapon siyangnagkakalat ng virus sa kulob naming opisina. Goodluck sa mga viruses.
Kabayan, mag-iingat ka palagi ah?

yay! mahina rin ang respiratory at immune system, ko
hay…global warming, financial crisis, swine flu pandemic…kahit ganito ang mundo, marami pa ring dahilan para maging masaya…ang sweet mo naman sam…o sige, mag-iingat ako. ikaw din ha? hehehe. wink! wink!
ako rin. mahina ang respiratory system ko. kaya nga bukod sa vitamins eh nag-pupulot din ako. pulot as in honey, hindi pulot gata. nyahahaha! nakakapagpalakas daw kasi un ng baga.
nakow! baka may swine flu virus na yung big boss mo kabayan. hehehe. ingat ka rin jan.