pok pok

Kakatapos ko lang akyatin yung mataas na kisame ng bodegasina (bodegang opisina). Imaginin mo yung tipikal na basketball court sa mga baranggay sa pinas, mga ganun kalaki yung bodegasina na pinapasukan ko araw-araw. PInaakyat ako ng kisame para ayusin yung mga butas butas na silver na fireproof na layers doon kasi kailangang makuhanan iyon ng larawan na nasa maayos na kundisyon. Requirement para sa fire safety blah blah ng state. Eh ayun, panalo lang ang pagpapaakyat sa akin sa kisame para magpako at mag-tape ng mga bagay-bagay. Taga-ayus naman ng kisame ang moda ko ngayon! Oha!

Pagkaraan ng halos isang oras, natapos ko naman ang mga pinapagawa sa akin. Awa ng Diyos, di naman ako nahulog sa umuuga-ugang hagdan na tinutungtungan ko kanina. Kung noon eh kinakabahan pa ako kapag umaakyat sa mataas na lugar gamit ang umuuga-uga at makipot na tungtungan, ngayon natutunan ko nang kumalma at wag kabahan kapag nasa itaas nang hindi ako mawalan ng balance. Yun ang technique. Bukod sa focus sa ginagawa mo, dapat eh ma-master mo ang kaba mo kapag nasa itaas ka. Gayumpaman, dapat conscious ka sa bawat galaw mo kasi hindi mo alam kung ano angpwedeng mangyari. Dapat handa ang utak mo at katawan mo kung sakaling may anumang di inaasahang aksidente (yung tipong namali ka ng tapak, o natumba yung hagdan). Siyempre para di ako mahulog, inisip ko kanina na ang gaan-gaan ko. Pramis, nakatulong yun kasi nakaka-bend ako at tingkayad sa napaka-kipot na tuntungan. Imaginin mo yung diyaryo kapag nagpe-paper dance kayo noon tapos tipong dalwang paa mo lang talaga ang kasya, ganun. Wag ka, nakakatingkayad pa ako para abutin yung malalayo na parte ng kisame na dapat kongpakuan.

Whew. Ingat naman ako ngtodo siyempre. Mahirap na kapag napuruhan. Wala naman akong medical insurance dito. Mahal din magpa-ospiital, susme. Kaya nga walang akong karapatang magkasakit o ma-ospital.

Anyways, madami pa ding minor utos ngayon ditto. Late dumating ang bigbosing pero may sakit siya. Alas dos na ng hapon at ilang oras na ang nakalipas mula nang simulan ko ang blog na ito pero hindi pa din siya umuuwi ng bahay nila. Nampucha. Nagkakalat pa siya ng virus! Teka, may utos ulit!

Babalik ako.

4 Responses to “pok pok”


Leave a Reply