Sabi nila ang kape nakakatanggal ng stress

Nandito ako ngayon sa starbucks, umiistraw ng Java Chip na Frap. Venti. Yung di ko pa nabibili noon sa Pinas. Nandito ako sa starbucks sa may pinakamalapit na kanto sa amin. Wala pang 5 minutes walk. Ito yung lugar na madalas puno ng tao. Mayaman, mukhang mayaman. poser, emo, mga chikadora, mga batang mahilig magkape, at mga taong sumasagap ng libreng wi-fi. Wait! DI pala libre, kasi bago ka makasagap ng libre nilang wi-fi eh kailangan mo munang bumili nung starbucks card na lo-loadan mo. Yung sa akin nabili ko ng 5 dollars.

Sa halagang 5 dollars nakakapag-internet ako ngayon at nakakapagblog. Ok na din dito kahit maliit at madaming mga tao kasi malamig. Sa bahay kasi mainit. Almost 70 degrees Fahrenheit ang temperatura. Mainit din kasi ang ulo ng mga tao sa bahay ngayon. Ang tatay, di pa din ako kinakausap ng matino mula nung nakaraang gabi kung saan akala niya pinagdadabugan ko siya eh sa katunayan nabagsak ko lang naman nang di sinasadya yung lap-table noong tinatabi ko ito. Mula noon, nagdamdam galore na siya at di ako kinakausap ng matino. Madami na siyang mga sinasabi na di na daw namin siya pinapahalagahan, binabastos daw siya, di daw kinakain mga niluluto niya, at madami pang iba. SIguro gumana na din ang insecurities niya.

Bagama’t di ko intensiyon kailanman na iparamdam sa kanyang inferior siya, pakiramdam ko ay di yun maiiwasan sa ngayon lalo na ngayon na ako lang ang kumikita para sa amin. Sa di ko naman kalakihang sweldo, akin ang bayad ng bahay, ng tubig, ng gas, ng kuryente, at iba pa. Me pera pa din naman si itay. Nagpapadala naman ang nanay namin na nasa may disierto ng Saudi ng 400 USD kada buwan pang sustento sa pag-aaral ng kapatid ko. Minsan may trabaho naman din si Itay. Mga 2-3 days. So kikita siya ng more or less 500 USD. Pero ayun nga, nararamdaman ko na dahil ako ngayon ang may malaking kinikita sa amin, eh baka nabibigyan ko siya ng rason para mainsecure sa sarili niya. Idagdag mo pa yung pagiging extra sensitive niya sa mga bagay-bagay.

So ayun, nang magyaya si kapatid ko na mag-starbucks kanina eh aagad akong sumama. Si Itay naman ay magpapa-duplicate daw ng susi (May bagong kabit kaming doorknob). Kaya kung gustuhin ko mang umuwi agad ng bahay eh malamang hindi ako agad makakapasok dahil wala akong susi. Si Itay eh malamang abautin ng matagal kasi bagamat di kalayuan yung paduplicate-an ng susi, eh aabutin ka ng mga 2 hours bago makauwi sa tagal ng paghihintay mo sa bus. Damn I miss em tricycles and jeepneys. (sinapian ng nigga)

Baka manood na lang ako ng sine mamaya. Bahala na. or baka topakin ako at magtype na lang ng blog dito sa kapihang ito. Yung bwakanang pinag-applyan kasi namin ng internet eh parang tanga. Nagpadala lang sila ng self-installation kit tas tenen- yun na daw yun. Para ako, eh? Walang technician na pupunta dito? Hayun.

Pasensiya na kung di ako makapag blog-hop at makapag-updates ng madalas. Ayoko din naman kasing tuambay ng madalas sa kapihang ito. Nakakasuya na din kasi yung mag kape nila. MAs masarap payung mga kapeng timpla sa bahay.

6 Responses to “Sabi nila ang kape nakakatanggal ng stress”


Leave a Reply