Tangina lang. Ayoko na ng ganito. Bumabaha na naman sa mga palad ko. Non-stop.
Wag ka mag-alala di ito dahil sa sobrang pagjajakol. Bata pa lang ako at hindi pa marunong magpaligaya ng sarili gamit ang kamay eh uso na ang season ng paglalawa sa katawan ko.
Ewan ko ba dito sa sakit na ‘to. Pakiramdam ko ambaba baba ng self-esteem ko kapag nagmamadulas na ang palad ko. Para bang wala kang matinong kapit sa mga bagay-bagay. Parang andulas ng buhay, ganun.
Oa lang tong mga palad at paa ko sa pagpapawis. (oha, pati paa, kasama dito ok. Di ko naman maipanjajakol ang mga paa ko anuba!) Noong bata ako, ayaw na ayaw ko yung mga panahong nagpapawis na yung mag paa ko kapag naglalaro kami sa kalsada. Eh paano ba naman,instant putik at alikabok magnet na siya sa oras na magpawis ito. Isa pa, ang hirap tumakbo ng mabilis kapag pawisan ang paa mo. Di mo mahabol nag matino yung tatayain mo, di ka makatakbo ng matulin kapag hinahabol ka ng aso, at palaging dumudulas ang tsinelas. Yun ang nakakaburat sa lahat eh. So ang panandaliang solusyon ko? Maghanap ng pinakamalapit na gripo o lugar na may tubbig kung saan ko pwedeng hugasan o kanawan ang pawisan kong mga paa. Sa ganung paraan, humihinto ng panandalian ang pagpapawis. Tiis lang dahil pagkaraan ng ilang minute, tenen- basa na naman sila ng pawis at nanlilimahid na naman sa putik.
Yan ang dahilan kung bakit hindi ako fan ng pagtsitsinelas. Noong kolehiyo palagi akong nakasapatos. Basta, ayoko na ng pakiramdam ng nagpapawis na mga paa na nanlilimahid sa putik at alikabok.
Sa kaso naman ng mga kamay ko, badtrip kapag may mga gusto kang hawakan ng matino pero lagi silang nababasa. Noon naa-associate ko pa sa kaba o nerbyos ang pagpapawis ko eh, Kada may contest kasi ako noon na sinasalihan eh con todo pawis ang aking mga palad. Pero nang tumanda ako, napansin kong minsan kahit kalmado ako at maganda ang mood eh magpapawis pa din siya.
Dahil sa mga lubricated palads ko, ni minsan eh hindi ako naging fan ng seremonyas ng ama naming sa misa ng simbahang romano katoliko kung saan maghahawak-hawak ng kamay ang mga tao. Effort kung effort ang ginagawa ko mapatuyo lang ang palad ko bago ako humawak sa katabi ko. Kung palarin naman at matuyo ang mga palad ko, e di ok. Badtrip lang kapag yung crush mo pa na babae ang nakahawak mo tapos tuyo nga ang mga kamay mo sa simula pero bigla siyang magpapawis the moment na naghawak na kayo ng kamay ng crush mo. Dyahe pare. Dyaheee.
Minsan ayos din ang mga pawisang kamay dahil may instant lube ka kapag magsasarili ka, pero di siya ayos kapag may ginagawa kang project para sa school. Isipin mo nagkukulay ka gamit ang oil pastels. Kapag pawisin ka asahan mo nang maging makalat ang gawa mo at maghanda ka na ng speech sa teacher mo kung bakit nagmukhang abstract ang project mo.
Minsan may project kami noon sa HELE (Home Economics and Livelihood Education) na gumawa at magbutingting ng mga electric circuits at bumuo ng mga simpleng electronic devices. Since hand’s on ito at madalas eh kailangan hawakan ang mga maliliit na parts, madalas akong makuryente. Yes, madalas akong makuryente kasi basa ako palagi.
Noong kolehiyo nang minsang mag-check kami ng mga papel ng mga kaklase naming noong nag-quiz kami sa English, di ko sinasadyang matunaw ang papel na chinecheckan ko. Imaginin mo yung ¼ na yellow paper na nahulog sa balde ng tubig tas pinilit patuyuin pero aksidenteng nalukot at napunit dahil sa pagkabasa- ganun ang nangyari sa papel ng kaklase ko. Basa, lukot, malapit nang matunaw.
Siyempre nagalit ang Ingliserang teacher at tinaas ang test paper na basa. “Whose paper is this?!” Siyempre nagtaas naman ako ng kamay at inamin kong ako ang nag-check ng papel bago pa mapagalitan yung kaklase kong babae. Pagkatapos noon, katakot-takot na sermon mula sa guro ang natanggap ko. Sa susunod daw magdala ako ng panyo. Tinawag akong “clammy hands” nung guro naming sa English.
Pero dahil wala naman akong masyadong magagawa sa kondisyong ito ng aking mga palad, (di naman ako mayaman para magpa-botox at magpatreatmet ng veins) natutunan kong yakapin ang ability na ito at gamitin ito sa mga kapaki-pakinabang na mga paraan.
Ang mga basa at pawisang kamay ay instant pamunas ng mga instant dumi sa kamay at braso gaya ng mga bolpen marks, mga pentel pen marks, mga uling marks at iba pang marka ng mga mantas at dumi dumi sa mundo. Ang mga pawisang kamay ay kayangmag-generateng sapat na likido para pampadulas o pampalambot sa anumang matigas at nanigas na bagay. Pramis, kayang magpalabas ng mga kamay ko ng madaming pawis kung gugustuhin ko.
Kapag madulas sa pawis yung kamay ko, para akong nadidisorient. Ewan ko. Matagal ko na naman na-overcome yun, pero lately bumabalik. Dito pa sa Tate anakngteteng! Sana tumigil na itong pagpapawis na ito.
Sana magka-internet na kamisa bahay. (hindi related sa post. Wag nang pansinin)


pareho tayo sam. ganyan ako since bata pa kaya ayoko pahawak ang kamay ko sa bf ko…di daw ako sweet. eh naman no! yung iba nga nandidiri eh, nakakahiya. lagi rin akong nakamedyas at kailangang malinis at lagyan ng alcohol para hindi magka-atlethe’s foot. lagi rin akong may panyo,2 kse nababasa talaga siya. sabi may kinalaman to sa hyperthyroidism kse since bata pa tayo. hanap ka nalang sa internet. kailangan talaga natin magpacheck-up sa endoctrinologist.
Reply
ako po ay, humihingi ng konting pabor nangongolekta po ako ng mga litrato http://www.kutserongkulot.com/?p=253
Reply
kahit ako ay madalas ding magpawis, hindi lang sa aking mga palad. pati buong katawan. kahit nga di ako kumikilos at nasa malamig na paligid ay pinagpapawisan pa rin ako. isang solution dito sa hyperhidrosis ay ang botox. ngunit sadyang napakamahal, kaya tiis muna sa madalas na paghuhugas ng kamay.
Reply