samjuan begs for taste

Makulimlim kaninang umaga.

Hindi nag-agahan ang inyong bida.

Sa bus, nakabasa akong muli ng nobela.

Sa tren, maaga akong nakasakay, walang pila.

Di ako nakapag-agahan kaya sugod agad sa downtown yoshinoya. 

Yung beef bowl na inorder walang lasa

matapos ang ilang nguya.

Teka, ako ba ay nadaya?

Naglagay ng pink lemonade sa small cup ng soda.

Ampucha.

Bakit wala ding lasa?

Tinapon ang pink lemonade sa may tapunan sa tabi ng mesa.

Kumuha ng raspberry soda, anakngtupa!

Wala ding lasa!

Kumuha ng coke nagbakasali ba,

Pero wag ka,

Wala pa ding lasa.

Hmm, may mali bas a aking dila?

Kumuha ng paboritong babolgam sa bulsa.

Nyamnyamnyam tangina wala pa ding lasa!

Pleaesplease lang, kung sino ka mang sa panaginip ko’y bruha

Ibalik mo na ang aking panlasa.

2 Responses to “samjuan begs for taste”


  • ah baka magkakasipon ka…kapag walang pang-amoy, wala ring pang-lasa. =)

  • ooops di baleng walang makain basta “”may taste” ka lang. mahirap sa tao ang “walang taste” …. hehe! “mga mangkukulam dyan pakibalik na panlasa ni sam” …parang awa nyo na! (meron ba mangkukulam dyan sa tate?)

Leave a Reply