Ngayon alam ko na kung bakit kapag masaya ang isang tao eh parang wala siyang masulat, parang wala siyang maibahagi sa iba, at parang wala siyang ibang maisagot sa lahat ng mga katanungang ibabato sa kanya kundi isang matamis na ngiti.
Ang sanhi? Kapag masaya kasi ang isang tao, mas gusto niyang sarilinin ang nararamdaman niya. Yun bang tipong ayaw mo nang magising sa panaginip mo o kumawala sa masayang mundo mo. Ninanamnam mo ang saya kasi alam mo na maari itong mawaglit anumang segundo mula sa iyo.
Hindi mo basta basta maisusulat ang kaligayahan mo kasi sa maraming hindi maipaliwanag na dahilan, hindi ito kayang angkinin ng mga letra at ng mga pangungusap.
Hindi mo ito basta basta maibabahagi sa iba dahil ikaw nga mismo sa sarili mo hindi mo alam kung papaano mo tataglayin yung kaligayahan mong siksik, liglig at umaapaw.
At tanging sa isangsimpleng ngiti mo lang madalas kayang sagutin angmgatanong ngmga tao, sapagkat para sa iyo, ang isang simpleng ngiti ay nangangahulugan ng milyon-milyong mga dahilan na nagdudulot ng saya sa iyo.
Parang kaninang umaga, napanaginipan ko yung nanay ko kasama ang kapatid ko. Simpleng scenario. Nasa sala kami ng bahay, nagtatawanan, nagkukulitan, nagkukwentuhan habang nanonood kami ng weird na countdown sa TV. Once in a blue moon appearance to ni nanay. Bihirang-bihira ko siyang makita sa panaginip, at ang bonus feature pa dito eh masaya kami. Ayun, ayoko nang magising kanina.
Anyways, kahit naman mag-isa akong nagising (di natulog angkapatid ko sa bahay at ang tatay ko naman ay nasa trabaho) kanina ay madami pa din akong mga dahilan para sumaya. =)
———-
Salamat kay kabayang Yahah sa award. Sensiya na di ako makagala sa blogosphere ngayon. Hehe.
———-
Nag text ang Tatay. isinugod na daw sa ospital yung alaga niyang matanda. Sayang naman daw at 2 days pa lang siya dun. Wala ulit siyang trabaho.

saka ano, hindi kasi parehas ng lebel ang kasiyahan ng mga tao… mas madaling makiisa sa damdamin nang isang nasasaktan dahil ang sarili mong sakit ang naiisip mo…
pero pag-usaping kasiyahan, malabo yan…