Woot!
Nakasabay ko si Liz Juan sa bus stop.
Namiss daw niya ako dahil antagal naming hindi nagkita.
Buti na lang daw maaga siyang pumasok kanina. Pinagagalitan na daw kasi siya ng bosing niya dahil lagi siyang nale-late. Sabi kom ako din nagmamaaga na din. Late yung bus kaya nagkaroon pa kami ng oras makapag-usap. Tanong siya ng tanong sa akin, saan daw ako pupunta sa weekend, kung kumusta daw ang weekend ko, kung ano gagawin ko sa weekend, mga ganun. Eh nagkataong medyo lutang pa ako mula sa aking pagkakahimbing sa tren at sa mga nakaka-lutang na mga awit ni Josh Groban. So habang kinakausap niya ako, pakiramdam ko nasa simbahan kami, may mga kalapating puti, mga telang nililipad ng hangin, mga wedding bells, may sinag ngaraw mula sa mga stained glass windows ng simbahan, tapos may choir of angels. Anudaw? Anyways, Nakapag-usap naman kami ng matino, pero naputol nang di kami nakaupo nang magkatabi sa bus. Punuan kasi kanina.
Sa susunod mayaya nga siyang lumabas.
—-
Pagkadating na pagkadating ko sa opisina, naglinis kami agad.
May bisita dawn a dadating. Isang higanteng client na malaaakii ang orders palagi.
So dapat malinis.
Todo palinis naman tong si bigboss na dumating nang maaga na naka light-pink na damit.
In fairness, di siya nangangamoy ngayon. Haha.
—-
Petiks mode on pa din ako. Nakakainis yung ganito na nagawa mo na lahat ng dapat mong gawin pero mahaaaba pa ang oras bago mag-uwian. Tapos kapag na[ansin ka namang wala kangginagawa, tepok ka.
Kaya ang ginagawa ko, magbukas ng maraming spreadsheet windows, kalikutin ang accuonting program,
At magsulat-sulat ng kung ano-ano habang pasikretong nagbablog. Oha! Hehe.
—-
Maglilinis na ako ng kwarto mamaya.
—-

kindly refresh us sa karakter ni liz juan?
mukha yata maganda araw mo ah …. nakasabay mo si miss juan! dapat naisingit mo na yong invite mo sa kanya na lumabas kayo. hala ikaw din baka may makauna sa yo. anayway, have a nice weekend sa yo … pakidamay na nga kwarto ko sa spring cleaning mo …haha
Ayan k na naman…pinalagpas mo na naman si Liz Juan. Hindi mo b nagets na feel k nya? Kung hindi e bakit sya magtatanong sa u ng kung anu-ano.
Malay mo na-realize na nya finally na kahit magka-apelyido kayo e hindi kayo magkamag-anak. Tapos naghihintay lang pala sya ng sign galing sa u. Haaay…
Ang tawag ko sa u: manhid.