Grade 1 ako noong unang ipagkatiwala sa akin ng nanay ko yung susi sa bahay. Gagabihin daw sila ng uwi ng Tatay kaya bahala na muna akong magbukas at magkandado ng pintuan pagdating ko sa bahay mula sa paaralan. May iniwan na naman daw na pagkain doon kaya hindi ako magugutom.
Noong mga panahong iyon, proud na proud ako sa sarili ko kasi sa unang pagkakataon, naramdaman kong pinagkatiwalaan ako ng mga magulang ko. Aba, hindi lang simpleng task yun ah. Di na lang yun simpleng pagbili ng suka, toyo, at kuya sa tindahan sa kanto. Di na lang yun simpleng paghuhugas ng mga pinggan. Iba na yun, bigboy na ako. May susi na ako! Haha!
At eto na nga, tanghaling tapat noon sa di pa aspaltadong Mapayapa Village, ibinaba ako sa tapat ng bahay naming ng kulay blue na schoolbus na may mga bakal na chicken wire fence sa bintana. Pagkababa ko, dahil nga nakadama ako ng kakarampot na bahagi ng kalayaan na di ko pa natatamo noon, nagtatalon ako, nagsisigaw at winasiwas ko ng winasiwas paikot ang aking mga braso na parang nagwawalang mga ferry’s wheel. Wooooh! Freedom! Sugar rush na ito! (sugar rush kasi bata pa lang haha) Tangina talon ako ng talon noon. Tandang tanda ko pa para akongtanga sa gitna ng kalsadsa pero wala akong pakialam sa mundo. Siguro dahil feeling ko noon din a babalik yung mga magulang ko at ako, ako , ako na ang may hawak ng buhay ko! Ansaya ko lang! Ansaya! Wooh! Ikot pa ng mga braso! Ikot pa! Ikot paaaaaaaaaa! at pagkaraan ng ilang minute, tenen-Wala na yung susi sa kamay ko. Anakngtokwangbaboy naman oh! Wala na yung susi! Wala! Shet! Lumipad? Ewan. Wala akong narinig na kalansing sa lupa. Siguro sumabit sa puno ng balete sa taas tapos kinuha ng kapre o kaya lumipad n alang mag-isa yung susi pataas sa langit tas kinuha ng mga angels. Ewan ko. Shet. Tumilapon ata yung susi sa may kabilang bakod na puro talahib.
Nagpanic naman ako noon. Paano kung yun lang ang susi naming sa bahay? Baka bugbugin ako ng tatay. Ang kaba ko lang noon. Takteng yan, sinampa ko yung kabilangbakod para hanapin yung susi sa damuhan hanggang inabot ako ng hapon. Actually, ginabi na ako pero wala na yung susi. Gusto ko nang maniwalang kiuha ng kapre sa balete yung susi ng bahay namin.
Gaya ng sinabi nila, late na ngangdumating ang mga magulang ko. Di ko na matandaan kung nakatikim ba ng malutong na palo ang mga pisngi ng pwet ko noon. Di naaman nila ako pinalayas ng bahay. Basta alam ko pinagalitan ako noon ng todo at hindi pinaglaro at pinalabas sa lansangan para maglaro ng ilang araw. At yun ang unang pagkakataon sa buhay ko kung saan bsta ko na lang iwinasiwas ang kalayaan at tiwalang pinagkaloob sa akin ng magulang ko.

sa mapayapa kayo dati? cool. hhahah
)
well, hindi naman ikaw dapat nila non sisihin kasi una sa lahat… grade one ka palang medyo ano malikot ka pa. tapos un…
actually wala akong masabi. hehehe