Noong nakaraang araw may isang bibong lola sa bus na sinakyan ko pauwi. Sa tuwing may sasakay na pasahero, tatayo siya at ibibigay ang upuan niya, therefore magmumukha siyang kawawang lola sa gitna ng maraming mga tao sa gitna ng bus.
Punuan ang bus noong hapon na iyon. Yun yung hapon na may dala akong dalawang malalaking bags. Andun lahat ng gamit ko mula nang magpunta akong las vegas. So nung pagsakay ko at may nakita akong upuan sa gitna ng punuang sasakyan, di na ako nag-atubili na umupo sa bakanteng upuan.
Pag-upo ko, napansin ko na si bibong lola nang maysumakay at ibinigay niya sa iba yung upuan niya. Continue reading ‘Ang bibong lola tander’
Kaninang madaling araw eh naaliw akong makipag voice conference chat sa mga dtai kong kaibigan noong kolehiyo na OFWs na din. Yung isa stewardess na palipad-lipad at naka-land ngayon sa Frankfurt, Germany, yung isa naman, Empleyada ng isang sports related company sa Singapore. Panalo lang sa tawanan, kulitan at kumustahan. Mantakin mong mula 11pm hanggang 330am kaming nagkwentuhan at nagtawanan tungkol sa mga karanasan namin bilang mga trabahador sa ibang bansa.
Si Ms Singapore, nagkwento ng mga kababayan nating nasapian ng crab mentality na pilit na angpapabagsak sa mga kapwa Pinoy sa kumpanya nila. Si Ms Frankfurt naman nagkwento ng mga karanasan niya sa iba’t ibang bansa. Mula sa Qatar hanggang sa Alemanya hanggang sa kung saan-saan pa. Payo niya, mag-ingat sa kapwa Pinoy. Heto na naman tayo. Nakakalungkot pero totoo. Mag-ingat sa kapwa Pinoy kasi kahit sanag panig ng mundo, madalas bungad ng maraming kapwa nating Pinoy sa unang pagkikita eh- “Kelan ka pa dito? May papel ka?” “Magkano sweldo mo?” Panalo sa unang hirit diba? Continue reading ‘tres’
[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=p9FF237k0eQ[/youtube]
Sa episode na yan ng Oprah kinanta ni Charice yung Note to God na single niya.
Anyways, ang cute cute nung batang katabi ni Oprah
Anaknginsektongkano naman oh! Inatake ako ng amerikanong insekto na di ko mawari kung ano kani-kanina lang habang medyo lutang pa ako sa antok habang nagta-type ng sangkaterbang pinapa-type ni boss mga ilang minuto pagdating ko mula sa pagkakargador muli at pagbubuhat ng mga kahons papunta sa truck. *ubo*ubo*
Continue reading ‘labbug’
Noong isang gabi habang naglalakad ako s alas vegas strip kasama ng mga kaibigan ko dito,may medyo matangkad na payat na curvy na chinita na babaeng may mahabang buhok na nagsabing “nagatagalog kayo?” and boom boom pow! May instant kausap na ako.Inglisera si ate pero pinipilit niyang magtagalog.Tinanong ko kung Pinay ba siya.Half Jap half Pinay daw. Taga Daet daw siya. 2004 pa daw nang huli siyang umuwi ng Pilipinas. Di ko alam kung bakit pero aliw na aliw ako dahil may kumausap sa akin s alas vegas kung saan andaming chikabebs mula sa iba’t-ibang panig ng daigdig na matatangkad at mga magaganda at mga mukhang suplada na hindi papansin ng nilalang na mukhang bata na tula ko but hell yeah,si ate pinansin ako! Haha! Anyways, kung ano-ano din ang napagkwentuhan naming habang naglalakad. Kimi nga pala ang pangalan niya.May ka-meet daw siya sa isang bar. Nakakatuwa siya kasi ngiti siya ng ngiti. Taga Vegas lang din daw siya.Dio na daw siya lumaki. Dahil masyado akong naaliw,hindi ko na kinuha ang numero niya.
—-
Nang tipong nawawala na kami ng mga kasama ko sa higanteng ceasar’spalace hotel, namataan naming ang concierge at nagtanong sa mamang matanda na matangkad na mukhang kano kung saan ba ang daan palabas para mabilis naming marating ang Treasure Island na hotel. Tangina pa-english English pa ako,tapos simanong sinagowt lang akow ng “doown,ka-lee-wah, tapows,ba-buh, tapows ka-nan, tapos labas na kae-yow.” Akala ko tapos na si kuya.so sabi ko salamat na may halong pagkaaliw sa boses, and then,tenen, out of the blue ginawaniya yung hand besture ng wowowee sabay sabbing Wa-Wa-Wi! Panalo lang.Anlakas ng kamandag ng wowowee pakshet!
Mahilig akong lutuan ni Ma ng lucky me instant mami chicken flavor. Paborito ko yun noong bata ako kasama ng bine-bake niyang pudding cake mula sa mga paluma nang mga tinapay. Kapag wala na siyang maluto noon, mga instant na pagkain ang hinahain niya. Wala akong reklamo doon. Kuntento naman ako at di lumaking malnourished.
Mas gusto ko si Ma noon kasi di niya ako pinapagaltan madalas. Minsan lang ako nakatikim ng bonggang kurot mula s kanya. Yun yung panahong inaya ko yung mga kalaro ko na lakbayin yung mga bagong lagay na tunnels (actually eto yung mga bilog na sementong nilalagay sa mga kanal, cement pipes sa ingles, tosang tawag sa may amin noon) sa gilid ng kalsada. Continue reading ‘Sam ma 2′

Ulap kapag tumingala ka sa kalangitan sa may labas ng opisina isang summer noong 2008.
Kinunan gamit ang lumang Nokia 5300 na telepono na bigay sa akin ni Tita sa Italia noong asa Pinas pa ako.
Sa kalangitang yan ako madalas magbilang ng mga dumadaang public at private planes at choppers.
Sa kalangitangiyan ako madalas makabuo ngmga imahe sa mga ulap. Mga imahe at ilusyon na balang araw matutupad din ang aking mga pangarap. =)
Smile kabayan!
Isang taong gulang daw ako noon, naka-lollipop na kulay pula, may pancit canton curls sa ulo, at mahigpit ang yakap sa may balikat ni ma noong unang umalis siya papuntang Saudi para magtrabaho. Pinatotohanan din yun nung larawang naiwan sa photo album namin sa prubinsiya. Andun ang larawan ng batang ako, bilugan ang mukha, mala-guhit ang mga mata, may subong lollipop at nakayap sa balikat ni ma.
Isang buwan kada taon ang tanging panahong ginugugol ni ma sa amin kapag umuuwi siya ng Pinas. I-minus natin doon yung dalawang taon na ginugol niya sa bansa noong ginawa, pinagbuntis, at pinanganak niya yung kapatid kong babae. Isang buwan sa isang taon, ganyan katagal namin nakakasama si ma.
Continue reading ‘Sam ma 1′
Kakabalik ko pa lang sa desk ko galing sa pagbubuhat ng mga kahon kahon sa kung saang warehouse papunta sa bodegasina naming. O diba nakapagblog ako agad kahit may slightly amoy pawis scent pa ako. Hehe. Naman! Start na ata ulit ng pagiging kargador ko dito.
Kanina kasi habang nagchecheck ako ng emails ng big bosing ko eh bigla nila akong pinatawag sa bodega sa baba. Kailangan ko daw sumama sa kanila (sa pinsan ni boss n feeling boss at kay Riki na taga-bodega) para mag pick-up ng mga boxes sa warehouse nung customer na hindi na daw kayang magbayad at may libo-libong dolyares nang utang sa kumpanya. So ako naman inihanda ko na siyempre ang sarili ko. May naririnig akong ele-elevator na usapan sa malamang asa mataas na lugar yung mga boxes. Continue reading ‘Tamang style sa pagkakargador sa amerika’
Kagabi tinawagan ako ni Karen. Nangumusta siya ng lagay ko. Namiss na daw niya ako. Taglay niya pa din yung perky niyang boses kasama na yung pagtawag niya sa akin ng “”Frenshiiiiiiiiiiip.” Nagkausap at kumustahan kami saglit, pero gaya ng inaasahan ko, may kailangan siya sa akin kaya niya ako naalala.
Continue reading ‘oh hi frenship’
SamComments