Noong nakaraang araw may isang bibong lola sa bus na sinakyan ko pauwi. Sa tuwing may sasakay na pasahero, tatayo siya at ibibigay ang upuan niya, therefore magmumukha siyang kawawang lola sa gitna ng maraming mga tao sa gitna ng bus.
Punuan ang bus noong hapon na iyon. Yun yung hapon na may dala akong dalawang malalaking bags. Andun lahat ng gamit ko mula nang magpunta akong las vegas. So nung pagsakay ko at may nakita akong upuan sa gitna ng punuang sasakyan, di na ako nag-atubili na umupo sa bakanteng upuan.
Pag-upo ko, napansin ko na si bibong lola nang maysumakay at ibinigay niya sa iba yung upuan niya. Tumapat siya sa akin, sa loob-loob ko, yung lalakeng mukhang lasing at dalagang katabi ko na wala namang mga dalang gamit na pwedeng tumayo anytime ang mas mabilis na makakapagbigay ng mga upuan nila sa bibong lola. But nooo. Yung mga ibang tanders sa bus, tinuro-turo ako. Sabi nila tumayo daw ako. Di ako tumayo kasi di ako makatayo agad.
May bumabang pasahero. Nakaupong muli si lola bibo. May sumakay ulit na matanda, same scenario. Tumayo na naman siya sa tapat ko. Tinuro na naman ako ng mga tanders at pinag-usapan. Churanila hah! Then may bumaba ulit na pasahero, nakaupo ulit si bibo lola tander, then tenen-may sumakay na nanay na mukhang malakas naman kasi malaking bulas siya at may kalong na anak. Hulaan niyo kung sino na naman tinuro ng mga tanders sa bus, korek! Siyempre ako! Nampucha. Eh andmi-daming pwedeng magpaupo bukod sa akin. Tangina lang. Then may tumayo sa tabi ko, finally, So nakaupo na yung mag-iina. Then pinag-usapan na ako ng tanders federation sa bus. Nag eespanyolan sila at naiintindihan ko sila. Nampucha ako talaga pinag-uusapan nila. Then then me sumakay ulit, shempre, pabibo na naman si lola, and then tenen, wala ulit siyang upuan, tinuro na naman nila ako with matching sigaw na. Tumayo na ako, kahit na mahirap at masikip sang bus at binigay ang kinauupuan ko kay bibo lola tander.
Dito kasi sa Tate, parang Pinas din, pagbigyan ang mga matatanda, babae, bata at may kapansanan sa upuan. Madalas, kapag may matandnag tumapat sa upuan mo, ang unwritten (minsan ay written din) rule eh pagbigyan mo sila ng upuan mo. OK lang. Wala akong palag sa rule na yun. Matanda yun eh. Pero naman! Kung nakita na naman nilang may kalong-kalong akong malalaking bags at di agad makatayo at mas makakasikip ako sa bus kapag tumayo ako at meron namang iba pang mga taong pwedeng magbigay ng upuan sa matanda eh dapat tinantanan na’ko ng mga tanders na yun. Churanila.

hahahaha parang ramdam ko hang dito ung inis mo sa mga oldies nung time na yun ah hehehehe
Naku umabot ba diyan kabayan?
Sensya na ah. Chura kasi nila.
sana nagtulog tulugan ka na lang o di kaya sinabihan mo na lang si bibong lola na manahimik na lang siya sa kanyang upuan …. o kaya iginapos mo sa upuan!!!! jajaja … (tawa ng mga mejicano)
Haha. Naku mukhangsupladang paa si bibo lola tander eh. Di uubra kung magtutulug-tulugan ako. jajajaja